Chapter Twenty

997 104 139
                                    

TWENTY

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

TWENTY

Sunny Nicole's POV

Note: Idk if need niyo ng tissue pero bahala kayo HAHAHAHAHAHAHAHAHAHA

"How are you going to tell her?"

"I don't know, Jay... I don't have a clue"

"Just tell her when she recover. I'm sure she'll be fine... you will be fine, Hee"

"Thanks, man"

Hindi ko alam kung ano ang pinag-uusapan nilang dalawa pero simula nang magising ako ay tila may seryosong bagay silang pinag-uusapan. Wala akong maintindihan sa mga pinag-uusapan nila o kung sino man ang tinutukoy nila, pero ang alam ko lang ngayon ay sobrang sakit ng katawan ko...

Nakapatay din lahat ng ilaw.

Bakit?

'Di nakapag-bayad ng kuryente yung ospital?

"Bakit sarado lahat ng ilaw?" ramdam ko ang presensya nilang dalawa na lumapit sa akin. Ramdam ko ang paghawak niya sa kamay ko at bahagya iyong pinisil. Hindi siya sumagot at nanatiling tahimik ang paligid.

Bakit hindi niya ako masagot? At tsaka pinapabuksan ko lang naman ang ilaw.

"Okay ka lang ba? Si Astra ba... okay lang daw?" pang-uusisa ko sakan'ya. Ramdam ko ang paggapang ng kamay niya papunta sa tyan ko at marahan iyong hinaplos. I can hear his sobs, impit ang pag-iyak niya at tila pinipigilan na marinig ko iyon. Ramdam ko rin ang patuloy na pagpatak ng basang likido sa kamay ko.

Wala akong ideya sa mga nangyayari ngayon. Madilim ang paligid ko tapos bibigyan pa nila ako ng silent treatment.

"I'm sorry..." bulong nito at paulit-ulit na hinalikan ang likod ng palad ko. 

"Ano ba kasing nangyayari?" ang natatandaan ko lang naman ay kumakain ako ng takoyaki tapos ngayon paggising ko ramdam ko na may suwero na ako. Hindi ba ako nawalan ng malay sa sobrang dami ng takoyaki na nakain ko?

"Hindi mo ako sinasagot, Heeseung," may halong pagbabantang sambit ko pero mas naramdaman ko ang pagpisil niya sa kamay ko na hawak niya. Naririnig ko na rin nang kaunti ang bawat pag hikbi niya. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko pero basta ko na lang naramdaman ang pamamasa ng pisnge ko.

Nakamulat ang mga mata ko pero madilim ang nakikita ko.

Umiiyak ako pero parang namamanhid na ako dahil sa sobrang dami ng nangyayari hindi ko na alam kung ano ba ang mararamdaman ko.

Bakit ba kasi hindi sila makapagsalita!?

"Si Astra? Bakit hindi ko na siya maramdaman?" sinubukan kong haplusin ang tyan ko pero wala na akong maramdaman dito. Parang noong may malay pa ako, nararamdaman ko pa siya na gumagalaw sa loob. Bakit parang wala na akong maramdaman? Parang normal na lang ulit...

Perks Of Being Mrs. Lee [Daddy Series #02]Where stories live. Discover now