Chapter One

1.4K 110 500
                                    

"Mukhang kailangan na ata ng matinding sapak ng gagong yun" rinig kong kumento ni Jay bago inumin ang alak niya sa basong hawak.

Kakatapos ko lang kasing ikuwento sa kanya ang nangyari kanina sa bahay. Halos lahat nga silang nandito ay hindi makapaniwala sa inasta ni Heeseung dahil hindi naman daw ito ganito noon.

Pero syempre, hindi ko na kinuwento yung tungkol sa sinabi niya tungkol kay Samantha dahil sigurado din ako baka pagmulan iyon ng away nila ni Jay.

Ayaw ko naman na masira ang pagkakaibigan nila dahil sa sinabi ni Heeseung. At alam ko rin na sinusubukan niya pa rin hanggang ngayon na kalimutan si Samantha.

"Parang dati willing pa siyang alagaan ako at si Sean noong pinagbubuntis ko, tapos ngayon siya naman itong nagpapakagagago" ikinuyom ni Samantha ang kamao niya habang nakatingin sa kawalan. Siguro ay sa mga oras na 'to, gusto niya ng sugurin sa bahay namin ni Hee.

"Fvck, I know right. Halos pagselosan ko pa siya noon tapos putangina... Nagkabaliktad ata kami ng ugali" napailing si Jay bago nagsalin muli ng alak sa kanyang baso.

"Anong halos? Bakit 'di ba natuloy pagseselos mo noon sakan'ya? Akala ko nga dati nilagyan mo ng zonrox yung inumin niya nung bumisita kami sa inyo dati," pang-aasar ko sakan'ya. Sinamaan niya lang ako ng tingin bago lagukin ang alak na kanina niya pa hawak.

"Hindi naman,"

"Weh?" panggagatong pa ni Samantha dahilan para magbitaw siya ng isang malalim at mahabang buntong hininga.

"Hindi naman siya nagkakamali doon,"

Kaming tatlo lang ang narito dahil busy ang iba sa kani-kanilang buhay nila ngayon. Ayaw ko naman na istorbohin sila kaya kay Samantha ako lumapit. Siya lang naman ang free ngayong araw pero hindi ko naman akalain na work from home pala ngayon si Jay dahil tinatamad daw siya mag-drive papuntang opisina at gusto niyang magakaroon siya ng time para sa mag-iina niya.

Lokohin niya pa sarili niya, tinatamad lang siya e.

"Pero seryoso ka ba na sinabi niya sa'yo na ayaw niya ng anak?" nag-aalalang sambit ni Samantha. Napayuko lang ako bago tumango nang marinig ko nanaman ang ideya na iyon.

"Eh anong plano mo? Huwag mong sabihin..." she dramatically placed her hand on her chest—umaarte na para bang nasa isang pelikula.

Marahan ko siyang tinulak at tsaka umiling. "Sira, bakit ko naman gagawin 'yon? Kaya ko namang buhayin 'to kahit pa wala si Heeseung,"

At tsaka isa pa, kung ano man ang gulo na meron kami ng tatay niya, labas na siya don. Kaya sa oras na lumabas s'ya, hinding-hindi ko ipaparamdam sakan'ya na may mali sakan'ya.

Hindi ko ipaparamdam na ayaw ko sakan'ya.

At kung sakali mang ayaw ni Heeseung, kaya kong magpaka- ina at ama sa anak ko.

Kakayanin ko kahit ako lang mag-isa.

"Hindi ako papayag, Sunny. Hindi niya dapat tinatakbuhan ang responsibilidad niya kaya kakausapin ko ang tarantadong iyon" bulong ni Jay bago hawakan ni Sam ang kamay niya, sinisubukang pakalmahin siya sa mga nangyayari ngayon.

Sa totoo lang, nakakaproud si Jay. Nakakaproud dahil nagawa niyang magbago para sa mga anak niya at para sa asawa niya. Hindi ko nga alam kung paano ba napaamo ni Samantha ang gagong 'to pero sana, kami rin ni Heeseung.

Sana subukan niyang buksan ang puso at isip niya para sa akin at sa magiging anak niya. Sana isang araw, matutunan niya na mahalin ako at makinig sa mga explanations ko.

Perks Of Being Mrs. Lee [Daddy Series #02]Where stories live. Discover now