"Isa lang!"
"No"
"Isang balot lang ng kiss!"
"No!"
Kanina pa kami naghihilahan ng isang balot ng chichirya dito sa supermarket. Paano ba naman kasi, ayaw niya akong bilhan nito! Kesyo masama daw para sa akin at pwede daw makaapekto sa baby. Eh anong magagawa ko? Ito ang gusto kong kainin ngayon.
"Damot mo naman!"
Napahilamos na lang sa mukha niya si Heeseung at itinabi nang kaunti ang cart sa hindi dinadaanan ng tao. "Look, Sunny. Ilang beses ko bang dapat sabihin sa iyo na hindi puwede ang chichirya na iyon? It's bad for your health, especially for the health of our baby. Hindi naman kita pinagdadamutan, I am just stating facts,"
Inirapan ko siya at palihim na minura, "Hirap makipagtalo sa'yo! Sa chichirya na nga lang nakakakuha ng kiss 'e. Buti sana kung binubusog mo ako sa kiss, edi sana 'di kita kinukulit," bulong ko pa na mukha namang hindi niya narinig dahil nauna na siyang maglakad.
"I heard that," may halong pagbabanta ang boses niya kaya hindi ko napigilang umirap. "Alam ko at sinadya ko," napahinto siya sa paglalakad kaya kinuha ko na ang pagkakataon na iyon para umahan siyang maglakad papunta sa dairy products. Kumuha ako ng isang tub ng ice cream at mabilisang inilagay iyon sa cart bago tiningnan si Heeseung ng masama."Subukan mong ibalik," hindi ko na hinintay pa ang sagot niya at nagpatuloy na sa paglakad. Nagpatuloy lang kami sa pagkuha ng mga kakailanganin namin sa baha at napagdesisunan nang pumunta sa counter para makapagbayad.
Nasa isang tabi lang ako at naka-krus ang mga braso habang pinagmamasdan siyang bayaran lahat ng pinamili namin. Hindi na ako nagsalita nang makuha niya lahat ng box at dumiretso na sa sasakyan. Sumakay ako sa back seat at kaagad na isinandal ang ulo sa bintana. Nakakapagod na kasi para sa akin ang ginawa namin dahil pakiramdam ko ay hindi na ako tatagal samga lakaran. Kahit pa kasi sandaling lakad lang napapagod na ako kaagad.
"Gosh, do I look like a driver to you? Ang gwapo ko namang driver," napairap ako nang buksan ni Heeseung ang pinto ng kotse kung saan ako nakasandal kaya tumama ang ulo ko sa dibdib niya.
Walang hiyang 'to, muntik na akong mahulog!
"Oo kaya bilisan mo na at magdrive ka na. Uwing-uwi na ako, Lee Heeseung," pambabara ko sakan'ya ngunit wala akong natanggap na sagot. Imbis na sagutin ako ay binuhat niya lang ako at mabilisang isinarado ang pinto ng sasakyan para ilipat ako sa shotgun seat.
"Hoy!? Ano bang ginagawa mo? Pumayag ba akong lumipat, ha? Paladesisyon ka!" hinampas ko siya at sakto naman na naibaba niya na ako sa upuan. Isinuot niya na rin ang seatbelt ko at kaagad na umikot para makaupo na sa driver's seat. Tatakas pa sana ako pero mukhang nahuli na ako dahil nailock niya na ang pinto.
"Bakit mo nilock!?"
"Wala pa akong sweldo. Hangga't 'di ko pa natatanggap sweldo ko, dito ka sa harap. Ano ka sinuswerte?"
Aba! At talagang sineryoso niya yung sinabi ko!? Parang bobo naman!
"Liit ng utak mo kingina mo," umirap ako at nag-iwas na ng tingin. Wala akong mapapala kung makikipag-usap pa ako sa tanga. Mas mabuti pa kung itutulog ko na lang itong inis ko sakan'ya at baka kung ano pa ang masabi kong masama.
Buong byahe ay tulog ako–well, nagpapanggap na tulog para hindi kausapin ni Heeseung. Hindi ko alam kung bakit pero bigla na lang akong nainis sa presence niya. Hindi naman ganito dati, e.
YOU ARE READING
Perks Of Being Mrs. Lee [Daddy Series #02]
FanfictionDaddy Series #02. LHS ── ❝ I'm sorry for all the pain you had to endure while loving me... ❞ revising @takonikii2022