Chapter 29
PREGNANCY
DIEGO'S POV
Napatakbo ako sa kwarto ng makarinig ako ng pag-iyak sa loob. Iniwan ko ang aking niluluto dahil sa pagmamadali.
"Sweetheart!" Ang natataranta ko pang sabi. Mabilis akong lumapit sa kanya at walang tigil sa pagtatanong kung anong nangyare. "B-bakit anong nangyayare!? Umiiyak ka!? Bakit?!"
Niyakap niya ako ng mahigpit at tuluyan na nga siyang napaiyak. Iyak na lalong nagpakaba sa akin. Takot na takot siya dahil sa panginginig niya.
Pinakalma ko siya sa abot ng aking makakaya. Marahil hindi maganda ang naging panaginip niya.
Napadako ang aking tingin sa kanyang hita na may dumadaloy na dugo rito.
"You're bleeding!" Saad ko at bago pa man siya makapagsalita ay nawalan na siya ng malay kaya sa takot ko ay mabilis ko siyang dinala sa hospital.
Napabuntong-hininga ako ng malalim. Hindi ko alam kung anong gagawin ko kapag may nangyareng hindi maganda kay Bolivia.
Napatayo ako ng makita ko ang doctor ni Bolivia.
"Phil, kumusta siya? Is she okay? Anong lagay niya?" Ang sunod sunod kung tanong! Kanina ko pa gustong malaman ang tanong sa aking isipan na kanina pa gumugulo sa akin.
"Diego, calm down!" Napatingin ako sa kanya. Really!? Gusto pa niyang maging kalmado ako gayong hindi ko naman alam kung anong lagay ni Bolivia! "First of all, congratulations!" Ang nakangiti niya pang sabi.
"Wait! Nagbibiro ka ba! Phil, ayuko ng ganito!"
Mas lalo pang lumapad ang mga ngiti niya dahilan para mainis pa ako.
"Congratulations, magiging tatay ka na."
"What!?" Halos manlaki ang mga mata ko at halos hindi makapaniwala sa kanyang sinabi.
"Oo, Diego! Sa wakas makikita mo na rin ang lahi mo." Ang pabirong sabi pa ni Phil. Iniabot niya sa akin ang envelope na hawak niya kaya dali dali ko naman itong tiningnan at halos hindi ako makapaniwala sa aking nabasa.
Speechless! Wala akong masabi dahil sa gulat ko. Hindi ko na napigilan pa ang aking sarili. Napaluha ako dahil sa sayang nadarama ko.
Ito ang isang bagay na gustong gusto kong maranasan. Ang ganitong pakiramdam. Walang salita kung paano ko ipapaliwanag ang sayang nadarama ko.
Pinaliwanag sa akin ni Phil ang kondisyon ni Bolivia, maselan ang kondisyon ng pagdadalang-tao ni Bolivia kaya kailangang dobleng pag-iingat para hindi malaglag ang bata. Binigyan niya ako ng resita na kailangan kung ipainom kay Bolivia.
Nagpaalam na si Phil sa akin at sa sobrang tuwa ko ay mabilis kung ibinalita kila Mommy at Daddy ang magandang balita. Gaya ng inaasahan ko sobrang saya nila.
Pumasok ako sa loob ng kwarto kung saan naroon si Bolivia at nakangiti ko siyang pinagmasdan. Gusto ko na siyang magising para ipaalam sa kanya na buntis siya.
Hinawakan ko ang kanyang kamay at hinalikan ito.
"Wake up." Ang pabulong ko pa sa hangin. Nakatitig lang ako sa kanya habang pinagmamasdan ko siyang natutulog. My life, my everything.
![](https://img.wattpad.com/cover/224375802-288-k819824.jpg)
BINABASA MO ANG
The STRANGER Series II : DIEGO FERRONI
ActionThe Stranger series II "I want freedom!" Anong kaya mong gawin kapalit ng hinihingi mong kalayaan? Kaya mo bang patayin ang taong mahal na mahal kapalit ng sinasabi mong kalayaan? Sabay sabay nating alamin ang kasagutan! Date Start : August 1, 2020...