Chapter 6 : Dinner with Mafia

288 10 0
                                    



Chapter 6
DINNER WITH MAFIA




-a formal evening meal, typically one in honor of a person or event.





DIEGO'S POV

Malapad ang aking mga ngiti ng bumalik ako ng Maynila. Masigla at masaya ang aking katawan, hindi ko maikubli ang tuwang nadarama ko na dahilan upang mapansin ng aking mga kaibigan ang malaking pagbabago ko. Biniro pa ako ni Daniel na may himala at naging tao daw ako. Natanong din ni Calvien kung kelan ko raw ipapakilala ang aking girlfriend. They are excited to see my girl.

Inihatid ko si Bolivia kung saan siya tumutuloy, isang maliit na kwarto lamang ang kanyang tinutuluyan dahilan para mahabag ako. Niyaya ko siyang sa condo na lamang tumuloy ngunit tumanggi siya sa nais ko. Sanay na raw siya sa ganito kasikip na kwarto. Pansin ko ang mga damit niyang nakahanger sa aparador at maliit na kama, may kusina at CR sa loob kaya lang sobrang sikip.

Napahanga ako sa tibay ni Bolivia dahil kaya niyang magtiis sa ganitong lugar para lang mabuhay.

Kinaumagahan ay sinamahan ko siyang pumunta sa office ng kanyang sugar daddy upang bilhin ko sa kanya si Bolivia. Hindi naman ako nabigo dahil pumayag ito sa nais ko lalo na ng tutukan ko ito ng baril.

Dinala ko siya sa isang sikat na mall upang bilhan ng bagong mga damit. Hindi ko maipaliwanag ang sayang nadarama ko dahil kasama ko na ang babaeng pinapangarap ko. Lahat ng kailangan niya ay gusto kong ibigay sa kanya.

Pinakilala ko rin siya sa ilang staff ng mall kung saan ako ang CEO at endorser ng sarili kung mall. Sa tuwing nakikita ko siyang nakangiti ay kakaiba ang sayang dulot nito sa akin para bang ako na ang pinakaswerteng nilalang dahil sa kanya.

Nagpasya akong sa condo ko na siya tumuloy, ayaw niya pa nung una kaya lang nagpumilit ako dahilan para mapapayag ko siya.

Nakatingin ako sa kanya habang pinagmamasdan niya ang buong kabuuan ng loob ng unit ko. Ibinaling niya sa akin ang kanyang tingin at kita ko ang magaganda niyang mga ngiti habang naluluha pa. Bigla niya akong niyakap ng mahigpit.

"Thank you." Ang emosyonal niyang sabi.

"Ako dapat ang mag thank you sayo Bolivia dahil dumating ka sa buhay ko. Hinding hindi kita sasaktan at mamahalin kita ng buong-buo." Ang sagot ko habang nakipagsabayan sa mga titig niya.

"Sobrang swerte ko sayo Diego." Ang mahinang tugon niya. Hinalikan ko siya ng mabilis sa kanyang labi.

"Tama na ang drama okay? Tara sa kitchen." Ang tugon ko at hinawakan ko siya sa kanyang kamay.

Namangha siya ng makita ang kitchen ng unit, ito ang pinakapaboritong spot ko sa condo ko. Gustong gusto kong nagluluto ako ng Italian pasta.

"Ang ganda." Ang masayang tugon niya.

"Sa loob ng unit na ito, kitchen is my favorite place."

"Marunong kang magluto?"

"Yeah. Just a few dishes. Anong gusto mong kainin? Ipagluluto kita? You want pasta? Lasagna? Macaroni soup? Or pizza?" Ang tugon ko habang nakangiting nakatingin sa kanya.

"Hindi ka lang mabait, husband material ka pa. Anything, hindi naman ako maselan sa pagkain."

"Good to know." Tugon ko.

Kinuha ko ang apron na nakasabit sa gilid at isinuot ito sa akin, nag decide akong ipatikim sa kanya ang paborito kong Italian spaghetti. Natutuwa ako dahil ang dami niyang tinatanong sa akin na parang chef ako sa isang session class at siya naman ang estudyante ko.

The STRANGER Series II : DIEGO FERRONITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon