Chapter 7
BOTHERING-Negative thinking.
DIEGO'S POV
Nakatulala akong nakaupo sa kama habang nakatingin ako sa kanya na naliligo sa loob ng shower. Pinagmamasdan ko ang kabuuan niya, ang hubog ng kanyang katawan, ang makinis niyang balat, ang matayog na dibdib. Nakaramdam ako ng takot habang pinagmamasdan ko siya.
FLASHBACK :
"Samahan na kita sa comfort room." Ang saad ni TF kay Bolivia at tumungo na nga sila sa comfort room.
Naiwan kaming apat at nabalot ng kakaibang tingin ang ipinukol nila sa akin.
"Bakit ganyan kayo makatingin?" Ang usisa ko sabay inom ko ng tubig.
"Sigurado ka na ba sa kanya? I mean, siya na ba talaga? Alam mo naman na ayaw lang namin na masaktan ka ulit." Ang pahayag ni Daniel sa akin.
"Masyadong mabilis Diego. Alam namin na gusto mo si Bolivia pero huwag naman sana ang ganito." Ang dagdag pa ni Calvien.
"Bro, hindi naman kita pinakialamanan nung pinakasalan mo si Beverly kahit kakikilala niyo pa lang?" Iniwas ko ang aking tingin kay Calvien. Ayuko siyang tingnan sa kanyang mga mata. "I mean, alam ko, kung anong ginagawa ko. This is what I feel. Naiintindihan ko kayo."
"Gusto lang naming makasigurado. Sa panahon ngayon mahirap ng magtiwala." Ang seryusong pahayag ni Calvien.
"May problema ba kayo sa kanya? P-parang ayaw niyo kay Bolivia." Ang inis kong saad.
"Is not that. Gusto lang naming maging okay ka." Ang tugon ni Daniel.
"Alam ko kung anong ginagawa ko. I'm twenty four, I know what is right or wrong. Mahal ko si Bolivia." Ang mahabang pahayag ko.
"We knew." Tugon ni Calvien.
"Just a reminder, TOO MUCH LOVE WILL KILL YOU." Ang seryusong saad ni Felix.
***
Hays. Napabuntong-hininga ako dahil sa mga sinabi nila. Alam ko concern lang sila sa akin dahil sa nangyare sa akin noon. Iniwan ako ng taong pinakamamahal ko na siyang dahilan upang magtangka akong kitilin ang buhay ko. Simula noon ay natuto akong makipaglaro at manakit ng damdamin ng mga babae untill nakilala ko si Bolivia. Kakaiba siya sa lahat ng nakilala ko.
"Bakit ang tahimik mo?" Ang usisa niya sa akin.
Umiling ako saka ko siya nginitian.
"I love you." Ang tugon ko.
"Kung ano man 'yang iniisip mo sana masolve mo agad 'yan." Ang pahayag niya na siyang kinagalak ng aking puso.
Alam ko at nararamdaman ko na may pagtatangi sa akin si Bolivia.
Nakatingin lang ako sa kanya habang naglalagay siya ng lotion sa kanyang katawan. Tinatanong ko siya about sa mga gusto niyang gawin, mga bagay na gusto niyang matupad. Gusto kong malaman lahat ng nais niya at gusto kung ibigay iyon sa kanya.
Napatitig ako sa tattoo na nasa likuran ng kanyang leeg. Kanina ko pa ito gustong itanong sa kanya.
"I like your tats." Ang saad ko dahilan para humarap siya sa akin. "What does it mean?" Ang tanong ko. Isang red dragon habang nakapulupot ito sa matalas na katana.
![](https://img.wattpad.com/cover/224375802-288-k819824.jpg)
BINABASA MO ANG
The STRANGER Series II : DIEGO FERRONI
ActionThe Stranger series II "I want freedom!" Anong kaya mong gawin kapalit ng hinihingi mong kalayaan? Kaya mo bang patayin ang taong mahal na mahal kapalit ng sinasabi mong kalayaan? Sabay sabay nating alamin ang kasagutan! Date Start : August 1, 2020...