Chapter 3 : HER

431 8 0
                                    

Chapter 3
HER

The girl. The one you will never get, get back, or ever forget.
The girl that you will stay up all night for just so she doesn't haunt your dreams. The girl you will always remember.



DIEGO'S POV



Nagpasya kaming tumungo sa casino nila Daniel, Calvien at si Felix. Nangako ako sa kanila na ipapakilala ko si Bolivia kahit pa hindi ko pa ito nakikita ulit. Hindi ko pa rin mawaglit sa aking isipan ang kanyang napakagandang mukha, ang seksing katawan, ang mahalimuyak niyang kalamnan. Lagi ko pa rin itong hinahanap.

Naikwento ko rin sa kanila ang nangyare sa kapatid ko. Lahat sila ay iisa ang kanilang reaksyon. Gulat at galit.

"Kailangan nating mahanap ang lalaking gumawa niyan sa kapatid mo." Ang tugon ni Daniel habang hawak hawak ang kanyang baso na may lamang alak.

"Na check mo na ba ang CCTV ng bar kung sino ang huli niyang kasama?" Ang tanong ni Calvien sa akin habang humithit ng yosi.

Muli akong lumagok ng alak bago nagsalita.

"Wala siyang kasama ng umalis ng bar. Nauna siyang umalis at iniwan ang mga kaibigan niya." Paliwanag ko.

"Sa hotel kung saan siya nagising?" Ang tanong naman ni Felix.

"Wala din akong nakuhang info. Kung sino man ang gumawa nito sa kapatid ko baka mapatay ko pa siya." Ang galit kong sabi sa kanila.

"Huwag kang mag-alala, mag-iimbistiga ako. Para na naming kapatid si Herlene." Ang saad pa ni Felix.

Sabay sabay kaming lumaki nila Calvien, Felix at Daniel. Iisang koneksyon lang ang pinagmulan namin kaya kilala ng bawat isa ang bawat pamilya.

Sa paglipas ng mga oras ay mas nakakarami na kami ng inom, namumula na rin si Calvien indikasyon na lasing na ito. Tahimik kapag hindi nakainom pero kapag lasing doon niya lang nailalabas ang lungkot na kanyang dinadala. Masyado siyang stress at humahanga ako sa kanya dahil nahahandle niya ito ng maayos, na para bang everything is fine.

Nagsimula na rin siyang magkwento tungkol sa kanyang sitwasyon, sa sitwasyon nila ni Beverly. Gusto na niyang ipagtapat sa kanyang asawa ang totoo niyang pagkatao ngunit natatakot siya dahil baka iwanan siya nito.

"Bakit hindi mo sabihin sa kanya ang lahat, hindi mo malalaman ang sagot kung hindi mo susubukan." Ang sabi ko at muling lumagok ako ng alak.

"Maiintindihan iyon ni Beverly. Mahal na mahal ka niya Bro, Naiinggit nga kami sayo dahil tunay at tapat ang pagmamahal niya para sayo." Saad naman ni Daniel na hawak hawak ang baso na may lamang alak.

"Ayukong mawala si Beverly kaya hanggang maaari ayukong ipagtapat ang totoo, subalit desidido siyang malaman ang lahat." Ang malungkot na sagot ni Calvien.

"Bro, walang lihim na hindi natutuklasan, darating din ang araw na kusang sisingaw ang lihim na tinatago mo, ang lihim na tinatago natin! Damay din kami sa sitwasyon." Ang saad ni Felix na akala mo sinong magaling na advicer, akala mo expert sa love.

"Mabait si Beverly. Sabihin mo na sa kanya hanggang maaga pa." Ang tugon ko.

Mahirap para sa aming mga Mafia ang umibig dahil maraming takot na maging bahagi ng Mafia. Sino ba namang babae ang mas nanainising maging masama.

Hindi ko na naintindihan pa ang sinasabi ni Calvien ng mapadako ang aking tingin sa hallway at naagaw ang atensyon ko sa magandang nilalang na naglalakad. Nakaangkla siya sa braso ng matandang lalaki. Si Bolivia.

The STRANGER Series II : DIEGO FERRONITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon