Chapter 14
I SAW YOU
DIEGO'S POV
Lutang ang aking isipan habang nagmamaneho ng sasakyan. Hindi ko alam kung anong dapat kung gagawin. Kung sino ba dapat ang aking paniwalaan. Hindi ko alam kung paano ko ito masasagot. Nag-aalinlangan pa din ako kahit nasa harapan ko na ang katotohanan.
Napabuntong-hininga ako ng malalim at tumingin sa direksyon.
"Kuya okay ka lang ba?" Ang tanong ni Herlene ng mapansin ako.
Ibinaling ko ang aking tingin sa kanya saka tumango at muling itinuon ang aking atensyon sa pagmamaneho. Patungo kami ni Herlene sa airport upang ihatid siya patungong US. Ngayon lang mawawalay sa akin ang aking kapatid kaya nagpapadagdag pa ito sa aking iniisip.
"May problema ba kayo ni Ate Bolivia?" Ang muli niyang sabi.
"Wala. Marami lang iniisip ang kuya. Huwag mo na akong alalahanin. Isipin mo ang magiging anak mo. Ilang buwan na lang magiging ina ka na. Inunahan mo pa ako." Ang sabi ko.
Iniwas niya ang tingin sa akin at tumingin sa malayo. Pansin ko iyon mula sa front mirror ng sasakyan.
Ang bilis ng panahon parang kailan lang, wala pang muwang ang baby girl namin tapos ngayon malapit na siyang maging ina.
"Huwag kang mag-alala, dalawang buwan bago ka manganak pupuntahan ka namin. Kailangan mo ng supurta diba?" Ang saad ko.
"Kuya, I'm sorry. I'm sorry kung binigo kita lalong lalo na sila Mommy at Daddy. I'm sorry kung na disappoint ko kayo. Alam ko malaki ang pangarap niyo para sa akin. Hindi ko ginusto ang nangyare sa akin kuya." Ang emosyonal niyang sabi.
She's right! Sobrang disappointed ang buong pamilya dahil sa nangyare kay Herlene. Kailangan namin siyang palayuin at patirahin sa malayo upang maitago ang katotohanan sa kanyang pagdadalang-tao.
"Kahit hindi niyo sabihin sa akin kuya alam ko ang galit na iyong nararamdaman. Binigo kita. Bata pa ako at marami pa sana akong magagawa kung hindi ito nangyare."
"Herlene, is not that. Okay? Huwag mong sisihin ang sarili mo. Ang nangyayare ngayon sayo it's a blessing from God. Mahal ka namin. Nandito lang kami lagi." Ang pagpapalakas-loob ko sa kanya. Pinunas niya naman ang kanyang luha at huminga ng malalim.
Itinuon ko na lamang ang aking atensyon sa pagmamaneho pero ang diwa ko walang tigil ang poot sa akin.
"Huwag kang mag-alala. Hindi ako titigil na hindi makita ang lalaking may gawa niyan sayo. Gusto ko siyang magbayad sa pagsasamantala niya sa kahinaan mo." Ang seryusong sabi ko.
"Kuya, mas makakabuting maging tahimik na lamang tayo. Hindi na importante kung sino man ang lalaking iyon. Ang importante ngayon ay ang baby na nasa tiyan ko." Ang saad niya.
Tiningnan ko siya ng malalim at umiling na lang sa kawalan. Kung hindi lang nakakasama sa bata ang pagsesermon kanina ko pa ginawa. Kanina ko pa siya gustong pagsabihan pero hindi, hindi ko kayang nasasaktan ang kapatid ko.
ILANG minuto ang lumipas at nakarating na rin kami sa airport. Agad na sinalubong kami ni Mommy at pinagbuksan ang pinto. Si Daddy naman ay tahimik lang na nakamasid sa amin habang nasa likuran naman niya ang maid na sasama kay Herlene sa US.
"Iha, halika ka na. Isuot mo 'to baka may makakita sayo na nakakakilala sa atin. Nakakahiya." Ramdam sa boses ni Mommy ang pag-aalala at pagkataranta. She make sure na walang magiging problema ang pag-alis ni Herlene.
Kinuha naman ni Herlene ang mahabang jacket at sumbrero. Tumingin pa ito sa akin at tumango naman ako bilang tugon na sumunod na lamang siya sa pinag-uutos ni Mommy.
![](https://img.wattpad.com/cover/224375802-288-k819824.jpg)
BINABASA MO ANG
The STRANGER Series II : DIEGO FERRONI
AksiThe Stranger series II "I want freedom!" Anong kaya mong gawin kapalit ng hinihingi mong kalayaan? Kaya mo bang patayin ang taong mahal na mahal kapalit ng sinasabi mong kalayaan? Sabay sabay nating alamin ang kasagutan! Date Start : August 1, 2020...