Chapter 11 : Ambush

231 5 0
                                    

Chapter 11
AMBUSH







DIEGO'S POV

Hinila ko si Bolivia palayo sa pagtitipon. Sobrang galak ko dahil hawak ko ang babaeng pinakamamahal ko.

Sa paglalim ng gabi ay mas lalo pang umiinit ang gabi. Isa itong malaking event na minsan lang mangyare. Ito ang legacy na sinimulan ng aming mga magulang.

"Saan Tayo pupunta?" Ang tanong niya.

"Basta." Ang masayang tugon ko.

"Baka hanapin ka nila."

"Babalik din tayo agad." Sambit ko at mas lalo pang nagmadaling naglakad.

Dinala ko si Bolivia sa isang private room upang makapagpahinga este upang masolo ko siya. Pagpasok namin sa loob ay mabilis ko siyang sinunggaban ng halik. Halik na punong puno ng pagmamahal.

Naramdaman ko ang pagganti niya ng halik sa akin. Siniil ko siya ng matatamis na halik. Ang mga halik na tila nagsisilbing instrumento kung gaano kami kauhaw sa isa't-isa. Ramdam ko ang kanyang pagmamahal.

"I love you Bolivia. Hindi mo lang alam ang sayang nadarama ko ngayon. Salamat at dumating ka sa buhay ko."

"Diego, masaya ako at nakilala kita. Masaya ako dahil pinaramdam mo sa akin kung gaano mo ako kamahal." Ang tugon niya. Nginitian ko siya bilang sang-ayon.

BUMALIK kami ng bulwagan kung saan marami ng nagsasayawan sa gitna. Kumuha ako ng dalawang baso ng alak at iniabot kay Bolivia ang isa. Nakangiti kami pareho habang pinagmamasdan ang bawat isa.

"Thank you for this." Ang tugon niya habang hawak hawak ang wine glass.

"It's my pleasure." Saad ko.

Ibinalik ko ang aking tingin sa gitna ng bulwagan kung saan nagsasayaw ang ilan.

"Hey!"

Tinanguan ko si Daniel ng lumapit ito sa amin.

"Where's your date?" Ang tanong ko. Ngumiti siya ng malapad na parang nagbibiro ako.

"Alam mo namang ikakasal na ko sa taong hindi ko nakikita." Ang pabiro niyang sabi pero halata sa kanyang boses ang bigat na kanyang dinadala.

Kilala ko si Daniel, ayaw niyang makasal sa taong hindi naman niya mahal. Bata pa lang siya ay alam na niyang naka fixed marriage siya sa isang babae na hindi naman niya kilala.

"Ikakasal ka na?" Ang usisa ni Bolivia.

Nagpalipat-lipat ang aming tingin ni Daniel, kumukuha ng tiyempo kung paano sasabihin.

"Yes, his getting married soon." Ang sagot ko.

"Wow congrats. Sobrang lucky naman ng girl na yun." Bolivia said.

Bumuntong-hininga si Daniel bago uminom ng alak.

"Maybe she's lucky. But me?" Umiling-iling si Daniel. "Never."

"Hindi mo siya mahal?" Ang nalilitong tanong ni Bolivia.

Pinaglipat-lipat ko ang aking tingin sa kanilang dalawa.

"Mabuti pa, sumayaw na lang tayo." Ang pag-iiba ko ng usapan.  I know Daniel, sobrang emotional nitong tao sa kabila ng pagiging masayahin. Hinatak ko si Bolivia patungo sa gitna at iniwan si Daniel na lumalagok ng alak.

"Hey---" ang saway ni Bolivia pero bago pa siya makaprotesta ay inilagay ko na ang aking kamay sa kanyang bewang.

"Okay lang siya. Don't worry." Ang saad ko.

The STRANGER Series II : DIEGO FERRONITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon