Chapter 19 : Bolivia's Side

226 8 2
                                    





Chapter 19
BOLIVIA'S SIDE









BOLIVIA'S POV



3 Months Ago

"P-parang awa niyo na! Huwag niyo kung papatayin!" Ang lubos na pagmamakaawa ng matandang hukluban.

Kailangan siya naming ligpitin dahil ito ang utos ni Madame Violet.

"Tatapusin na ba natin ang matandang 'to?" Ang tanong sa akin ni Pinky, sa gawing kanan naman niya ay sina Gio, Devine at Alfred.

Ang mga kasama ko sa Black Empire Society.

Isinali nila ako sa kanilang grupo upang maging isang assassin. Nagsanay ako sa mahabang panahon upang maging magaling sa pagpatay at pagnakaw.

Sunod-sunod na putok ng baril ang pinakawalan nila hanggang sa madurog ang mukha ng matanda. Nanatili akong nakatitig sa duguang bangkay nito. Wala akong maramdamang awa kundi galit at poot ang tumatak sa aking puso.

Sa paglipas ng panahon ay nagpasya si Alfred, na pumasok sa Black Empire Society kung saan nakilala namin si Madame Violet. Bawat isa sa amin ay nagkaroon ng tungkulin, assignments na dapat ligpitin kapalit ng malaking halaga na makukuha ng bawat isa.

Nakakapagod ang paulit-ulit na pagpatay at pagtutulungan sa kanya. Malakas siya at maraming hawak na tao. Tumagal ako ng ilang taon sa kanya bago ko maintindihan kung para saan ba ako nabubuhay! Gusto ko ng kalayaan. Gusto ko ng magbago. Ayuko ng ganito, ayuko ng pumatay, ayuko ng marami pang inosente ang dumanak ang dugo sa mga kamay ko.

Alam kung kamatayan ang kapalit ng hinihingi kung kalayaan.

Wala akong magawa kundi ang umiyak sa madilim na kwarto. Nakakatakot mag-isa. Ang pera ang gumagalaw sa tao, kung may pera ka magagawa mo lahat maging ang pagpatay.

"Congratulations! Napakagaling ng ginawa mo. Sa ngayon, magpahinga ka muna at tatawagan na lang kita kapag may ipapagawa na ako sayo." Ang pahayag ni Madame Violet habang hinihithit ang makapal na yosi sa kanyang bibig.

"Gusto ko sana kayong kausapin Madam." Ang sabi ko.

Sa mga titig niya ay alam kung basang basa niya kung ano ang ang nasa isipan ko. Ganoon siya katindi kung kumilatis.

"Magpahinga ka na." Ang saad niya ngunit hindi ako nagpatinag.

"Gusto ko ng umalis sa Black Empire," ang matapang kung sabi. Muli siyang nagpakawala ng usok sa kawalan.

"Hindi mo alam ang sinasabi mo Bolivia."

"Alam mong marami na akong nagawa sa society mo. Malaking pera na ang kinita mo sa akin. Ayuko ng pumatay. Gusto ko ng magsimula ng panibagong kabanata ng buhay ko." Ang emosyonal kung sabi.

The STRANGER Series II : DIEGO FERRONITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon