Chapter 20 : How It Works

262 8 1
                                    





Chapter 20
HOW IT WORKS



DIEGO'S POV

Mag-iisang buwan na ang lumipas simula ng mangyare iyon at hanggang ngayon ay sariwa pa rin sa aking gunita ang nangyare.

Huminga ako ng malalim habang nakatitig ako sa hawak kung engagement ring. Sa pagbalik niya, yayayain ko na siyang magpakasal. Hindi na ako makapag-antay na makasama ko siyang muli.

Maghihintay ako sa muli mong pagbabalik Bolivia.

Nagsindi ako ng yosi at nagsalin ng alak sa baso habang muli kung sinariwa ang nangyare sa kwartong iyon.

***

Habang pinagsasaluhan naming dalawa ang ligayang ginagawa ng aming katawan ay nakaramdam ako ng kakaiba sa kinikilos niya na tila ba may kinukuha siya sa ilalim ng kama kaya naman inalerto ko ang aking sarili dahil alam ko-----

Itinulak niya ako ng malakas, kasabay ng pagkahulog ko sa kama ay ang pagkuha ko naman ng baril ko na nasa ilalim ng unan. Sobrang lakas ng kaba ko habang nakatutok ang mga baril namin sa isa't-isa.

Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Sobrang takot na ganito kami ngayon handang patayin ang isa't-isa.

"Bolivia!" Ang saad ko at kasabay nito ay ang pagtutok ko naman ng baril sa kanya at ganon din siya sa akin.

Ang mga mata niya ay halatang takot na takot sa kanyang ginagawa.

Ilang sandali pa ay bumukas ang pinto at iniluwa nito si Felix kasama ang isa pang Mafia. May hawak silang baril na nakatutok sa direksyon ni Bolivia. Isang pagkakamaling galaw lang ni Bolivia ay paniguradong mababaril nila ito.

"A-anong nangyayare?!" Ang takang tanong habang nagpapalipat-lipat ang kanyang tingin sa aming tatlo. "Diego, anong ibis sabihin----A-alam niyo ang gagawin ko?"

Ibinaba ko ang hawak kung baril at kinuha ang kumot sa kama at itinapis iyon sa aking katawan. Nanatili namang nakatutok ang baril nila kay Bolivia.

'Muntik na ako!'

"Bakit Bolivia? Nagulat ka ba?" Ang saad ko. Gusto ko siyang yakapin at sabihing huwag mag-alala ngunit sobrang delikado.

Mabilis niyang dinampot ang gown na nasa lapag at itinakip iyon sa kanyang katawan.

"Ibaba mo na ang baril mo kung ayaw mong sumabog ang utak mo!" Ang saad ni Felix mabilis ko naman siyang sinaway na magdahan-dahan.

Naupo ako sa may couch at nanatiling nakatingin kay Bolivia. Ang mga mata niya ay litong-lito sa kanyang nakikita marahil naguguluhan siya sa nangyayare.

"Ngayon, sabihin mo sa akin kung bakit gusto mo akong patayin?" Ang deretsong sabi ko na mas lalo niyang kinagulat.

"Paano mo nalaman na papatayin kita ngayon? Paano mo nalaman Diego!?"

"Sasagutin ko ang tanong mo kung sasagutin mo ang tanong ko." Ang sabi ko.

"Kung makikipagtulungan ka sa Mafia Syndicate, tutulungan ka naming makalaya sa Black Empire at makapag-umpisa ng bagong buhay na matagal mo ng gusto. Kung hindi ka naman makikipagtulungan wala kaming magagawa kundi iligpit ka. Si Diego, mahal na mahal ka niya pero kaya ka niyang iligpit kung gugustuhin pero hindi niya iyon magagawa sayo Bolivia. Pag-isipan mo ng maigi ang desisyon mo." Ang saad ni Felix.

The STRANGER Series II : DIEGO FERRONITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon