A/N : THIS CHAPTER IS RATED SPG. (SEXUAL CONTENT)
Chapter 22
A MONTH AFTERDIEGO'S POV
Ang ngiti sa aking labi ay walang pagsidlan ng tuwa dahil sa sayang nadarama ko. Sino ba naman ang hindi matutuwa, magkakasama na ulit kami ni Bolivia. Matagal tagal din simula ng umalis siya upang ipabatid sa kanyang grupo na ako ay kanyang napaslang.
Malaya na siya. Kalayaan ang dahilan upang magwakas ang kanyang poot at galit na daladala sa kanyang puso't isipan. Handa akong maging matibay na kalasag upang siyang maprotektahan sa kahit ano mang panganib. Siya ang buhay ko, wala ng iba.
Pinagmasdan ko ng maigi ang aking sarili sa harap ng salamin. Napangiti pa ako na parang ewan! Baliw na nga yata ako.
Isinuot ko ang relo na nakapatong sa ibabaw ng table at agad na naglakad palabas ng condo. Hindi na ako makapag-antay na makita siya. I can't wait to see you Bolivia.
Sa loob ng isang buwan ay maraming nagbago, ako yung tipo ng tao na kailangan sa gabi lang lalabas at kailangan kung magbalat-kayo kapag aalis ako dahil ayukong may makakilala sa akin na miyembro ng Black Empire. Ayukong balikan nila si Bolivia sa oras na malaman nila na buhay pa ako.
Isinuot ko ang sumbrero at sunglasses bago ako pumasok sa loob ng sasakyan. Nagpasya kasi si Bolivia na maaari ko na siyang puntahan kung nasaan siya ngayon. Masaya ako dahil nakalaya na siya.
Gusto kong masasayang bagay ang mangyare sa aming dalawa gayong unti-unti na siyang nagsisimula sa Mafia Syndicate. Pinaliwanag ko na din kay Calvien ang tungkol sa kanya at hindi naman ako nabigo dahil pinagbigyan niya ako. Ako raw ang bahala para sa ikakaligaya ko.
Out of nowhere ay napangiti na lamang ako. Ngayon lang ulit ako napangiti ng ganito, maging sila Mommy at Daddy ay napapailing na lamang sa akin sa tuwing nakikita nila akong napapangiti.
Ganito ba talaga ang pakiramdam kapag inspired ka? Nakakapanibago! Hindi ako sanay.
Binilisan ko pa lalo ang pagmamaneho ng sasakyan na kulang na lang ay liparin ko ang dinadaanan ko upang makarating sa lugar kung nasaan si Bolivia.
I really miss you Bolivia.
Hindi ko inakala na ganito ang magiging epekto ng pag-ibig na nadarama ko sa kanya. We started at the casino, unang kita ko pa lang sa kanya ay alam kung nakaramdam ako ng unang tibok ng aking puso. Tibok na tanging sa kanya ko lang ulit naramdaman. Tibok na masasabi kong umiibig ako. I want to make you happy again. Pangako ko iyan sa aking sarili.
Tanggap ko kung anong klaseng tao siya gaya ng pagtanggap niya sa akin. Matagal ko na rin siyang pinatawad sa planong pagpatay sa akin. Tanggap ko ang lahat sa kanya. Lahat lahat!
Nakaguhit pa rin sa aking mga labi ang masaya at matatamis na mga ngiti ng bumaba ako ng sasakyan.
Alam kong excited na rin siya na makita ako.
Mabilis akong pumasok sa loob ng isang maliit na bahay, may kalumaan ito na gawa sa kawayan. Agad niya akong pinapasok sa loob at mabilis na isinara ang pinto.
Sobrang bilis ng mga nangyayare! Pagkasarang-sara ng pinto ay agad niya akong hinalikan na agad ko namang ginantihan. Halik na punong-puno ng pag-irog. Tila ba pareho kaming uhaw sa isa't-isa dahil sa halik na nagpapaalab sa aming dalawa.
Ang ngiti sa aming mga labi ay resulta ng tuwa dahil sa wakas muli kaming nagkita at magkakasama.
Mabilis kung tinanggal ang suot kong jacket saka damit. Hindi ko na alam kung paano ko natanggal ang suot kung sumbrero dahil sa bilis ng mga nangyayare.
BINABASA MO ANG
The STRANGER Series II : DIEGO FERRONI
AcciónThe Stranger series II "I want freedom!" Anong kaya mong gawin kapalit ng hinihingi mong kalayaan? Kaya mo bang patayin ang taong mahal na mahal kapalit ng sinasabi mong kalayaan? Sabay sabay nating alamin ang kasagutan! Date Start : August 1, 2020...