Chapter 18
HER BIRTHDAY GIFT
DIEGO'S POV
Kasabay ng pagpasok namin sa loob ng silid ay ang paglakas naman ng kaba ko. Hindi ko rin gusto ang awra sa aming dalawa. Tahimik lang siya na para bang hindi mapakali.
"Okay ka lang ba?" Ang tanong ko. "Huwag mo ng pansinin iyon. Matagal ko na siyang kinalimutan."
"Hindi. Wala iyon sa akin. Pasensya na." Ang saad niya saka nginitian niya ako.
Nagsalin ako ng wine sa baso at naglakad pabalik kung saan siya sa nakaupo.
"Pagpasensyahan mo na si Daniel masyadong madaldal ang lokong 'yon." Ang sabi ko.
"Nakakatuwa nga eh. Hindi niya pa pala nakikita ang pakakasalanan niya."
"Nabanggit naman siguro sayo ni Daniel simula ng bata pa lang siya, alam na niya ang tungkol sa fixed marriage. Kawawang Daniel." Ang saad ko habang unti-unting nilalagok ang iinumin ko.
"Hindi ako makapaniwala na hanggang sa ngayon ay umiiral pa rin pala ang ganyang sistema."
Tumabi ako sa kanya at sumandal naman siya sa balikat ko.
"Sa mundo ng Mafia, kung gusto mong umangat ang status mo kailangan mong makipagkasundo sa ibang pamilya upang sa ganon limpak limpak na salapi ang mapupunta sa mga anak nila. Halos kalahati ng yaman ng dalawang pamilya ay mapupunta sa pinagkasundo." Muli akong lumagok ng inumin ko at nagpatuloy sa pagkukwento. "Ang kaso nga lang, hindi itutuloy ni Daniel ang kasal nila."
"Bakit?"
"Malalaman mo rin ang dahilan kung bakit? Marahil hindi niya sinabi sayo ang tungkol sa bagay na 'yan. Hindi niya rin sinabi sa amin pero alam ko ang dahilan. Kilala ko ang kaibigan ko."
"Kilalang kilala mo talaga sila. Mabuti ka pa, nabigyan ka ng pagkakataon na magkaroon ng mga kaibigan samantalang ako hindi ko naranasan iyan." Iniwas niya ang tingin sa akin. "Ang mga taong dumarating sa buhay natin ay panandalian lamang, akala ko kaibigan ang tawag kapag lagi kayong magkasama, napagsasabihan ng problema, nadadamayan sa kahit anong paraan at oras pero mali ako."
"Bakit?" Ang usisa ko. Alam ko seryuso siya sa sinasabi niya.
"Ako lang ang naniniwalang kaibigan ko sila pero ang totoo hindi nila ako kaibigan, kaya naiinggit ako sa kung anong meron kang kaibigan ngayon."
Hinawakan ko ang kanyang kamay upang kahit paano ay maibsan ang lungkot sa kanyang mga mata.
"Ituring mo silang kaibigan mo." saka ako ngumiti.
Niyakap niya ko ng mahigpit ngunit ramdam ko pa rin ang kaba sa aking dibdib. Maging siya ay kakaiba ang kinikilos.
"Si Carmela?" Napatingin ako sa kanya ng banggitin niya si Carmela. "Paano kayo nagkakilala?"
Okay, kailangan kung sabihin sa kanya ang tungkol kay Carmela. Alam ko, hindi siya matatahimik kapag hindi ko sinabi sa kanya ang nais niyang malaman. Tinanong ko pa siya kung gusto niya talagang ikwento ko at tumango naman siya bilang sagot.
"Kaklase ko siya during college...." Unti-unti ko ng ikweninto sa kanya ang lahat. Nakilala ko si Carmela noong nasa college pa ako. Maganda siya at matalino na lubos na hinahangaan ng maraming kalalakihan, kaya napukaw ang interes ko na ligawan siya.
Sa paglipas ng mga buwan ay naging kami na nga. It was a perfect love story ng isang teenager na kagaya ko that time. Halos araw-araw lagi ko siyang kasama, kilala na rin siya ng mga magulang ko at gustong-gusto nila si Carmela.
BINABASA MO ANG
The STRANGER Series II : DIEGO FERRONI
AçãoThe Stranger series II "I want freedom!" Anong kaya mong gawin kapalit ng hinihingi mong kalayaan? Kaya mo bang patayin ang taong mahal na mahal kapalit ng sinasabi mong kalayaan? Sabay sabay nating alamin ang kasagutan! Date Start : August 1, 2020...