Chapter 21 : A True Friend

208 7 2
                                    

Chapter 21
A TRUE FRIEND

FELIX POV

Higit pa sa isang tunay na kaibigan ang turing ko sa kanila, para ko na silang mga kapatid. Si Calvien, si Diego, si Daniel at si Miguel. Halos sabay sabay kaming lumaki kaya alam ko ang bawat masasaya at malulungkot na pangyayare sa buhay nila. Ayukong mapahamak sila o maloko ng kahit na sino.

Sekreto kung inaalam ang mga buhay ng mga taong dumarating sa buhay nila. Ayuko silang masaktan sa huli.
Ayuko.

Isa akong mabuting kaibigan sa kanila, ayuko silang mapahamak kaya hanggat maaga pa ay gumagawa na ako ng hakbang at hindi nga ako nagkamali, lahat ng dumarating sa bawat isa ay may mga kwento.

Lumagok ako ng inumin habang nakababad ang aking katawan sa bath tub at hinahayaang gumaan ang aking pakiramdam, nitong mga nakaraang araw ay masyado akong naging abala sa mga plano kung paano iisahan si Bolivia at gaya ng inaasahan ko, nagtagumpay kami.

Ayuko ng mawalan pa ulit ng isang kaibigan. Ayuko na!

Muli akong lumagok ng alak at walang tigil sa pag-alala ng mga nangyare.

Nung gabi ng acquaintance party kung saan nabaril si Calvien ay alam ko ng gabing iyon kung ano ang mangyayare. Alam ko din na si Bolivia ang isa sa mga kalaban namin. Kung hindi ko nalaman iyon ay marahil matagal ng naligpit ni Bolivia si Diego kaya hindi ko binigyan ng pagkakataon si Bolivia na mangyare iyon.

Ang mga mata ko ay nakatingin sa kanya at pinagmamasdan ang bawat kilos niya ng hindi niya napapansin. Mahal ko ang mga kaibigan ko kaya hindi ko hahayaan na may mangyareng hindi maganda sa kanila.

Kinuha ko ang towel na nakasabit sa gilid ng tub at naglakad patungo sa aking kwarto upang magbihis. Magkikita kami ngayon ni Calvien kaya kailangan ko ng magmadali. Hanggang ngayon patuloy pa rin naming hinahanap kung nasaan si Beverly.

Kilala ko si Calvien, hindi siya basta basta sumusuko.

Napatigil ako sa pagbihis ng makita ko ang larawan ng aking lihim na minamahal. Hindi na ako makapag-antay na makasama ka. Lahat gagawin ko maging akin ka lamang!

Napangiti na lamang ako sa aking isipan at nagpatuloy sa aking ginagawa.

SUMAKAY ako sa sasakyan at agad na pinatakbo ito. Hindi ko naman maiwasang mag-isip kung okay pa ba ang aking kaibigan. Nag-aalala na ako sa kalusugan niya, kilala ko ang kaibigan ko. Alam ko hindi madali para sa kanya na mawala ang babaeng pinakamamahal niya.

Bigla ko tuloy naalala ng mawala ang dati niyang asawa. Namatay ito dahil sa enkwentro, kasama ang isa pa naming kaibigan, si Miguel.

Hays. Ilang taon na rin ang lumipas pero sariwa pa sa akin ang pagkawala niya. Kung hindi lang sana nangyare ang pagbomba sa yate namin marahil buhay pa si Miguel ngayon.

Sobrang bilis ng panahon ng hindi ko namamalayan. I'm getting older na rin.

Pinatay ko ang engine ng sasakyan at agad na lumabas ng sasakyan. Derederetso akong pumasok sa loob ng mansyon ni Calvien. Sinalubong ako ng ilang body guards niya paakyat sa ikatlong palapag.

Napabuntong-hininga na lamang ako habang binabaybay ang malaking kwarto ni Calvien. I can't imagine na ganito na kayaman ang kaibigan ko. Mula ng mamatay sila Tita at Tito, si Calvien na ang tumayong lider ng Mafia at maging sa mga negosyo ng pamilya, sa tulong na rin ng maraming kaibigan ng pamilya. And I'm glad na kasama kami sa lahat ng kanyang nais.

Binuksan ko ang kwarto niya since may access naman ako at agad na pumasok sa loob. Muli kong napagmasdan ang buong kwarto niya. Actually sobrang laki nito parang isang unit ng condo. Napadako ang aking tingin sa may malaking painting kung saan nakasabit ang larawan ng kanyang pamilya. Nakakatuwang pagmasdan, kung nabubuhay pa sana sila ngayon marahil sobrang saya ni Calvien ngayon, siguro mas malapit pa ang loob ni Steffany sa kanya.

The STRANGER Series II : DIEGO FERRONITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon