Chapter 9 : Mother

198 7 0
                                    




Chapter 9
MOTHER

-is a selfless, loving human who must sacrifice many of their wants and needs for the wants and needs of their children.




BOLIVIA'S POV


Sobrang swerte ko marahil dahil nakilala ko si Diego. Tinanggap niya ang buong pagkatao ko. Tinanggap niya kung sino ako. Nakikita ko sa mga mata niya kung gaano niya ko kamahal, kung gaano siya kaseryuso sa mga binibitawang salita. Mahal ko na si Diego kahit alam kung mali. Mahal ko siya ng buong puso at kaluluwa. Hinding-hindi ko kayang mawala siya sa akin.

Huminga ako ng malalim bago ko ibaling ang aking tingin sa kanya. Nginitian niya ako sabay bulong niya ng I love you sa akin. Sobrang lakas ng tibok ng aking puso, the way kung paano niya ako tratuhin ay sobrang nakakainlove. Ngayon ko lang ito naramdaman sa buong buhay ko. Ang tratuhin bilang isang tunay na Reyna. Gusto kung gumawa ng maraming alaala kasama siya. Ang pinakamamahal kung si Diego.

"I'm sure magugustuhan ka nila Mommy. Excited na ang mga yun na may maipakilala ako sa kanila. Si Daddy tahimik lang iyon, observant pero sobrang mabait at mapagmahal. Si Mommy naman ay ganon din." Ang nakangiti niyang sabi.

"Paano kung hindi nila ako magustuhan para sayo?" Ang kalmadong tanong ko pero deep inside sobrang kabado ako.

"Nasa tabi mo lang ako, I'll stay with you no matter what. Trust me."

Tumango ako sa kanyang sinabi. Sobrang sincere ng kanyang pagkakasabi dahilan upang maibsan ang kaba ko.

"Thank you." Ang saad ko.

ILANG sandali pa ay nakarating na nga kami. Sobrang ganda ng buong paligid na para bang nasa monarchy palace ako. Maraming mga ilaw na nagbibigay kulay at ganda ng gabi. Sa labas naman ng mansyon nakahilera ang mga private security guard.

Binati nila si Diego ng makita itong papasok ng mansyon. Nauna siyang bumaba ng sasakyan bago niya ako pagbuksan. Natanong ko din sa kanya kung bakit ang dami nilang body guard sa mansyon. Ang tanging sagot niya lang ay dahil bahagi sila ng Mafia. Napatango na lang ako. Marahil ganito ka-impluwensya ang pamilya ni Diego.

Pumasok kami sa loob ng mansyon. Nakakalula ang laki at lapad ng loob. Halos walang makitang mga gamit sa bahay kundi tanging mga malalaking portrait ang makikita sa pasilyo kung saan kami naglalakad. Maraming silid ang mansyon at hindi ko maiwasang mamangha sa pagkakagawa nito.

Binuksan niya ang isang pinto na akala ko ay isang simpleng silid lamang ngunit nagulat ako na isa itong malaking bahay. Bumungad sa akin ang mga mamahaling upuan na nasa living area pansin ko rin ang kulay gintong hagdan. Nakakamangha ang ganda ng loob.

May mga katulong na nagsisilbi sa mansyon na abala sa kanilang ginagawa.

"We're here." Ang saad niya habang nakahawak sa kamay ko.

"Ang ganda naman ng bahay niyo." Ang sabi ko na sobrang mangha sa nakikita ko.

"Hindi ito bahay. Isa itong mansyon. Dito ako lumaki at nagkaisip." Ang saad niya na hindi ko maiwasang mapangiti.

"Kuya!"

Sabay kaming napalingon ni Diego kung saan nanggaling ang boses na iyon. Sobrang kabado ako ng makita ko ang mga magulang ni Diego kasama ang kapatid nito. Pababa sila ng hagdan na deretsong nakatingin sa amin. Ang mga tingin ng mother ni Diego sa akin ay hindi ko gusto. Alam ko kung anong ibig ng kanyang mga tingin.

"Mabuti naman at nakauwi ka." Ang seryusong saad ng ina ni Diego. Niyakap ni Diego ang kanyang nakababatang kapatid bago nakipagbeso sa kanyang ina at nagmano sa kanyang ama.

The STRANGER Series II : DIEGO FERRONITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon