Chapter 24 : Her Family

174 6 0
                                    


Chapter 24
HER FAMILY


DIEGO'S POV

Naikwento sa akin ni Bolivia ang ginawa niya bago siya maging isang ganap na assassin. Kinailangan niyang magpakalayo at kalimutan ang lahat ng kanyang pinagmulan at higit sa lahat ang kanyang pamilya. Sa loob ng pitong taon ay hindi niya nakita ang kanyang pamilya. Hindi niya alam kung kilala pa ba siya ng mga ito kung sakaling magkita sila. Mahabang panahon ang nawala na tila ba kinalimutan niya ang mga ito.

Hindi ko mapigilan ang mahabag sa kanya habang kinukwento niya ito sa akin kagabi, ramdam ko ang lungkot at pangungulila na kanyang nararamdaman ng mga oras na iyon. Sobrang lungkot na para bang wala ng dahilan pa upang makita niya pa ang mga ito.

"Hindi ko alam kung makikilala pa ako ni Mama kung sakaling magkita kami. 'Yung bunso kong kapatid, siguro malaki na siya."

Pitong taon! Pitong taong wala man lang paramdaman si Bolivia o kahit komunikasyon man lang ay hindi niya nagawa dahil ayaw niya itong mapahamak sa kanyang pinasok na trabaho. At sa loob ng mahabang panahong pangungulila ay muli niya itong makikita dahil na rin sa pakiusap ko sa kanya.

Huminga ako ng malalim at saka tumingin sa kanya.

"Kinakabahan ka ba?" Ang tanong ko ng mapansin kung sobrang tahimik niya. Tumango naman siya bilang sagot sa tanong ko. "Huwag kang matakot, kasama mo ako. Panigurado akong miss na miss ka na nila." Ang saad ko pa.

"Salamat." Saka siya ngumiti ng bahagya.

Itinabi ko ang sasakyan ng malapit na kami sa kanila. Pinagmasdan niya ng maigi ang tanawin sa labas na para bang sinasabi ng isipan niya kung ano ano ang mga nabago sa lugar.

"7 years akong nawala pero wala man lang nabago sa lugar. Halos ito pa rin ang lugar na iniwan ko noon." Ang saad niya.

"Ready ka na?" Tanong ko.

"Alam mo, ang dami kong alaala sa lugar na ito. Parang bumalik ako sa nakaraan, naalala ko pa si Papa na lagi akong sinusundo kapag ginagabi na ako sa pakikipaglaro." Ang kwento niya pa.

Nasabi sa akin ni Bolivia na maagang nawala ang kanyang ama dahil sa malubhang karamdaman kaya sa murang isipan ay tiniis niya ang pakikipagsapalaran sa buhay.

"Bolivia, mabuti pa bumaba na tayo baka maiyak ka na naman eh." Ang saway ko at tinapik siya sa kanyang balikat. Nginitian niya ako at pinunas ang mga nagbabadyang luha sa mata nito.

"Ang dramatic ko ngayon!" Ang inis niyang sambit.

Napangiti na lamang ako at nauna ng bumaba. Sariwang hangin ang yumakap sa akin, tahimik na lugar, hindi polluted, isang simpleng pamayanan ang nakikita ko. Napadako ang aking tingin kay Bolivia na pinagmamasdan ang buong kabuuan ng lugar. Kinuha ko naman ang mga pinamili naming pasalubong para sa pamilya niya.

"Let's go?" Ang tanong ko at tumango naman siya.

Hindi ko maimagine kung ano ang magiging reaksyon ng kanyang ina sa oras na magkita sila. Excited ako at the same time kinakabahan sa magiging kahihinatnan nito.

Simple lang ang buhay sa lugar na ito. Malayo sa kabihasnan at tanging pagsasaka lang ang kinabubuhay sa lugar. May mangilan ngilang magagandang bahay ang nakita ko ngunit karamihan ay gawa sa niyog, kawayan ang yare ng bahay. Probinsiyang probinsya.

"Ma!? Toni!?" Ang tawag ni Bolivia ng kumatok ito sa may pintuan. Gusto kong masaksihan ang sandaling ito. "Ma!?"

Ilang sandali pa ay bumukas na nga ang pinto. Isang matandang babae ang lumabas na sa hula ko ay nasa 50's na ito dahil sa mangilang-ngilan kulay puti nitong buhok.

The STRANGER Series II : DIEGO FERRONITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon