Nagising ako nang makaramdam na parang hinihipan ang tenga.
"Good morning.." nakangiting bati sa akin ni Jez. Tumalikod ako sa kanya dahil inaantok pa ako at hindi ko pa sya kayang harapin.
"Mahal, bangon ka na. Magluluto ako breakfast natin, samahan mo ako." pangungulit niya sa akin pero di ko siya iniimik.
Niyakap nya ako mula sa likod at tumunghay sa akin. Dun ko lang rin napagtanto na may damit na siya habang ako wala pa rin.
"Mahaaal.." ang kulit kulit ni Jez!
"Ito na. Babangon na!" naiirita kong turan sa kanya. "Kuhanan mo akong damit." utos ko sa kanya.
Mabilis naman siyang kumilos at pinilian ako ng damit habang nakatingin lang ako sa kanya, binabalot ang sarili sa comforter. Saglit lang ay nakapili na siya at inabot sa akin.
"Bathrobe pa." walang reklamo na sumunod ulit sa akin si Jez.
"Talikod." ngumisi lang sya sa huling utos 'ko.
"I'll watch you." inirapan ko naman siya.
"Isa!" banta ko sa kanya.
Lumabi siya at nagpapadyak na tumalikod.
Sinuot ko ang bathrobe, bitbit ang mga damit ko ay pumasok na sa bathroom.
I quickly clean myself and went out.
Nagsalubong ang mga kilay ko ng mapansing kinakalikot na naman ni Jez ang phone 'ko.
"Wala kang sariling cellphone?" inis na tanong ko sa kanya at hinablot ang phone ko.
"Tinignan ko lang. Di mo kasi sinagot tawag ko kagabi tapos nakita ko natawag yung Renz sayo." depensa niya na parang ako pa ang may kasalanan.
"Natawag si Renz? Kailan? Ano sabi?" sunod sunod na tanong 'ko at tinignan ang phone ko.
Nakita ko sa history ng call na tumawag nga ito ngayong umaga.
Nagtipa ako sa cellphone 'ko para tanongin siya bakit siya tumawag. Nag-uumpisa pa lang ako ay hinablot na ni Jez sa akin ang phone 'ko.
"Sino tinitext mo?" seryosong tanong niya na mahihimigan ng galit.
"Si Renz. Tatanongin ko lang bakit siya tumawag." balewalang sagot ko sa kanya habang sinusubukang kunin ang phone ko pero inilalayo niya iyon sa akin. Dahil mas mahaba ang mga kamay niya ay di ko yun maabot.
"Ano ba?!" inis ng turan 'ko.
"Bakit curious ka sa pagtawag niya? Gusto mo ba yun?" matalim ang tingin na tanong niya sa akin.
"Ano bang pinagsasabi mo? Syempre tumawag yung tao, sino bang hindi macucurious kapag tinawagan?" common sense lang naman yun ginagawang big deal ni Jez.
"Ako. If it's not you, i don't mind." kampanteng sagot niya sa akin. Inirapan ko siya at sumuko ng kunin ang cellphone 'ko.
"Bahala ka nga dyan!" walang magawang turan 'ko at naglakad na palabas ng kwarto.
Mabilis na sumunod sakin si Jez at inakbayan ako.
"Magluluto ako para sayo, Mahal." malambing na turan niya..
"Marunong ka ba?" takang tanong 'ko. Di naman kasi siya nagluluto talaga.
"Nag-aral ako!" proud at confident na sagot niya.
"Bakit nag-aral ka?" kumapit ako sa bewang niya at bahagyang tumingala sa kanya para makita ang reaksyon ng muka niya.
Sumilay ang maliit na ngiti sa labi niya habang nanatili sa harap ang tingin.
BINABASA MO ANG
My Maniac Bestfriend
RomanceI'm Klaisse Tanaga, i have a bestfriend named Jezriel Del Valle. We've been friends since we're ten. We both don't have a choice but to be friends. Our parents are business partner slash bestfriends. Sobrang laki ng pinagkaiba namin ni Jezriel. She'...