(44)

770 25 2
                                    


LUCAS "LUKE" BELMONTE


Busy nanaman kami dito sa laundry shop sa dami nanaman ng nagpapalaba sa'min. Unti unti kahit papaano, naiiwasan ko ng maisip yung nangyari. Nakakapag relax na din ako dahil ilang araw na din tahimik ang buhay ko. Kahit ang Montefalco sisters ay hindi rin ako ginugulo. 

Narinig ko nalang na may nagbukas ng pinto. Babatiin ko na sana ang pumasok na customer ng mabungaran ko kung sino ang pumasok. 


Alam ko na si Amber 'to. 

Nang nasa counter na siya ay bigla niyang hinubad ang hoodie na suot niya. Naka shades at mask ito para di mo mahalatang siya.

"Bakit ka nandito?" Agad na tanong ko sa kanya. "Paano kung makita ka dito ng mapapangasawa mo?"


"Stop calling me that. Hindi ako magpapakasal sa kanya." Inis na sabi niya. 


"Ano nga ginagawa mo dito?"

"Pwede ba tayo mag usap? Dito lang sa malapit na coffee shop."

"Marami akong gagawin ngayon dahil sa madami kaming customer. Ngayon kung wala ka ng sasabihin maaari ka ng umalis." 

"Luke, this is a very important matter. I need to talk to you. Hindi ako pwedeng magtagal dito." 


Napatingin muna ako sa kanya at nag isip. 


"Sige. Dito tayo sa loob ng laundry shop."


Pumasok kami dito sa kinalalagyan ng mga washing machine. 


"Ano bang gusto mong sabihin?"


"Sumama ka na sa'kin. Pumunta tayo sa ibang bansa kung saan mas ligtas ka." Sabay hawak ng kamay ko. 

"Amber, ano nanaman ba 'to? Hindi ko pwedeng iwan ang pamilya ko dito." Mariin kong sabi sa kanya. Alam niya kung gaano ko kamahal ang pamilya ko. 

"Edi isama mo yung buong pamilya mo. Please luke, kailangan mong umalis dito."


"Amber, uulitin ko sa'yo. Hindi ako aalis at ang pamilya ko dito sa Pinas okay? Tahimik na yung buhay ko, bakit ka pa bumabalik?" Naiinis kong sabi sa kanya. Alam ko na nais niya lamang na magkabalikan kami. 


"Kahit na sinabi ni Dan na hindi na niya kayo guguluhin, once na ikasal kami pwede niya kayo ipaligpit anytime." Seryoso kong sabi sa kanya. "Sa dami ng napatay ni Dan hindi na siya matatakot pa na pumatay ulit kahit buong pamilya mo pa."

Bigla akong nakaramdam ng takot. Paano nalamang ang pamilya ko kung ganoon?

"I'm here because I know kung paano ko kayo maililigtas sa ganitong sitwasyon. Alam ko na nadadamay lamang kayo sa mga kalokohan niya. Pero I'm willing to help you and you're family na mas maging safe kayo."

"Hindi kasi papayag sila Nanang at Tatang na umalis."

"Try to convince them, malay mo pumayag sila. I need your decision tonight. I booked a ticket para makaalis kayo dito mamayang madaling araw."

"Ha? Ang bilis naman bakit mamayang madaling araw agad? Hindi ba pwedeng kinabukasan? O sa susunod na mga araw? Bakit ngayong madaling araw?"


A First Kiss with a Stranger (GirlxGirl) SPGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon