(27)

5.7K 176 25
                                    

*WARNING*

RATED SPG: May mga nilalaman ang chapter na ito na hindi angkop sa mga bata.

This chapter is not suitable for your health! Char! Hahaha for 18 and below so sa mga nagtatangka dyan ha! Nako! Tapos wala pa sa edad na 18! Babatukan ko kayo! Hmp! Hahaha. Lols.

Enjoy reading folks! 😁

-Author Jay ❤

----

Luke's POV

Pagkatapos ng dare na iyon ay dali dali akong tumayo at umalis. Bakit ko naman kasi yon ginawa?!! Nabingi siguro ako ng dinig kanina.

Napatakbo ako at di ko alam kung saan na ako pupunta. Hiyang hiya ako.

Namumula ako, namumula ako sa kahihiyan! Di ko maimagine yon! Shet!

"Luke!" narinig kong may tumawag sa pangalan ko, hindi ako nag abalang tumingin, nahihiya ako sa nangyari.

Hanggang sa marinig ko ang mga yabag na papalapit sa'kin.

Aktong hinawakan niya ang balikat ko.

Napalingon ako kung sino ang taong iyon at laking gulat ko na si... Amber

"Gray." napalingon kaming pareho sa nagsalita, si Emerald na seryosong nakatingin lang sa amin.

Nakakuyom ang mga kamay nito saka siya nilapitan nito.

Nagulat ako ng bigla niyang sapakin si Amber.

Halatang galit na galit ito. Inawat ko sila pero ayaw magpapigil ni Emerald.

"You lied to me!!! Akala ko... Akala ko hindi ka magkakagusto sa kanya! Pero bakit! Bakit!" halos pasigaw na sabi ni Emerald sa kakambal.

Hindi sumasagot si Amber, hinayaan niya lamang na magalit ang kakambal sa kanya.

"Tumigil na kayo!" sabi ko, napatigil naman si Emerald sa pagsapak kay Amber.

"Ano bang proble---" bago ko pa sabihin iyon ay agad na akong siniil ng halik ni Emerald na ikinagulat ng karamihan.

Pilit na gumagalaw ang mga labi niya sa labi ko, may halong galit abg paghalik niya sa'kin.

Nasasaktan na ako, halos magpupumiglas ako ng pigilan siya ni Amber.

"Nasasaktan si Luke, Emerald. Ano ba!" sabi ni Amber sa kakambal.

"Nagsinungaling ka sa'kin! Sabi mo... Sabi mo wala kang gusto kay Luke! Pero anong ginawa mo! Inagaw mo siya sa'kin!" galit na turan ni Emerald sa kakambal.

"Hindi ko siya inagaw, pilit ko mang kalimutan itong nararamdaman ko, hindi ko kaya! Hindi ko kaya dahil Mahal ko si Luke! Oo! Aaminin ko na mahal ko siya!" halos magaragal ang boses niya.

Hindi nagsalita si Emerald at aktong umalis na lamang ito, halos tawagin siya ni Meg at Shane pero di siya lumilingon.

Halos maiyak na si Amber, hindi na alam nito ang gagawin. Naiwan si Jordin, Ako, Si Rizz at si Bianca.

Hindi ko alam na magiging ganito ang sitwasyon.

-----

Emerald's POV

Narito ako ngayon sa Bar ng Resort. Madaming nagpaparty party ngayon.

Gusto kong magpakalasing.

Lumapit si Megan sa direksyon ko pero wala akong pakialam sa kahit sino ngayon. Galit ako, galit ako na nagsinungaling sa'kin si Amber about sa feelings niya kay Luke.

A First Kiss with a Stranger (GirlxGirl) SPGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon