(37)

3K 95 7
                                    

LUCAS "LUKE" BELMONTE

Maaga kami ngayon ni Rina sa Laundry shop dahil monday ngayon at paniguradong madami dami nanaman kaming idedeliver na damit na pinalaba ng mga customers namin. Medyo nakakapagod din ang trabaho na ito pero kinakaya naman lalo na at iniisip ko si Amber sa araw araw.

Madaming nagbago sa buhay ko nung dumating si Amber. Lagi na akong may dahilan para ngumiti pag kagising sa umaga, pagtayo siya nanaman ang iisipin ko kaya madami ng nakakapansin na inspired nga talaga ako. Hindi naman maikakaila yun na talagang inspired ako sa kanya dahil sa feel na feel ko ang pagmamahal niya sa'kin.

Habang busy ako sa pagkukumpuni ng mga labahan ay biglang nagring ang phone ko. Kinuha ko naman ito sa aking bulsa saka sinagot ang tawag. Si Amber ang tumawag. Yieee. Hahaha kilig si ako.

"Hello? Good morning!" magandang bati sa'kin ni Amber.
"Walang 'Love?' hmm." ano ba yan luke! Pabebe ka! Kunwari ay nagtatampo pa ako sa kanya.
"Hahaha. Hindi bagay sayo Love." bahagyang napatawa siya kaya lalo akong naasar.
"Hindi mo man lang ba ako tatanungin kung kumain na ako at kailangan pagtawanan mo pa ako?!" inis na sabi ko. "Bahala ka nga dyan!" sabay baba ng tawag.

Istorbo lang! Di man lang ako tanungin kung kumain na ako at nagawa niya pa akong pagtawanan. Letse siya! Gigil mo si ako ha!

Napansin ni Rina na nakasimangot ako. Kakainis kaya!

"Huy! Para kang pinagsakluban ng langit at lupa diyan. Ngiti ngiti din!" sabi ni Rina habang tinitignan ako.

Di nalang ako umimik at nagpatuloy ako sa ginagawa ko. Bwst siya!





Wala pang ilang minuto napasigaw si Rina. "Luke!" tawag sa'kin ni Rina.

"Nako ano nanaman----" napatigil ako sa pagsasalita ng makita ko kung sino ang nasa harap ko. Si Amber! May dalang pagkain. Omygee

Kilig nanaman si ako. Hahaha. Pero wait, pabebe muna. Tarayan mo muna siya luke.

"Hmpp. Bakit nandito ka? Di mo ba alam nakakaabala ka?" pagtataray ko sa kanya.

Hindi siya nagsalita, inilapag muna niya ang pagkain na dala niya sa mesa na malapit sa kanya.

Saka ako dali daling niyakap at hinalikan sa noo. "Love, Imissyou. Please? Wag ka na magtampo? I brought you food naman e." sabi niya with her cute sad face. Paano ka hindi maiinlove lalo sa babaeng 'to eh nagtampo lang ako dinalhan agad ako ng pagkain. Hays.

Lihim akong kinikilig sa mga ginagawa niya. Pero syempre nakasimangot pa din ako, nasa isip isip ko lang na kinikilig ako.

"Love, please? Di ako makapagfocus sa work kapag ganyan ka." sabi niya, lalo nanaman akong kinilig kaya napangiti nalang ako.

A First Kiss with a Stranger (GirlxGirl) SPGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon