(43)

650 23 5
                                    

LUCAS "LUKE" BELMONTE

Andito ako sa labas ng Laundry shop namin ngayon, nakatingin lamang ako sa kalangitan. Naramdaman kong nag vibrate ang cellphone ko. 

Si Emerald tumatawag...

"Hello?" Pagkasagot ko ng tawag niya ay agad naman akong bumati sa kanya.

"Luke? Hello? Magkasama ba kayo ni Amber?" Sabi nito. 

"Hindi eh. Bakit?" 

"Si Dan. Nandito sa condo ko, naiinip na kakahintay. Nag usap daw sila ni Amber na magkikita ngayon pero hindi man lang daw sumasagot sa mga tawag o text niya." 

"Sige subukan ko nalang hanapin." 

Sa isip isip ko ay baka nasa bar iyon na malapit lang din dito sa'min. Susubukan ko nalang siyang puntahan doon.



Makalipas ng ilang minuto ay nakita ko nga siya doon sa bar na iyon, halatang lango na ito sa alak. 

Tinitignan ko siya mula sa malayo. Halatang nakikipagaway na ito sa Bartender.



Aktong lumapit naman ako sa kinauupuan niya. 

"Wag mo na siyang bigyan, pasensya ka na." Sabi ko doon sa bartender. 

"Tama na, tara at iuuwi na kita sa Condo mo." Kinuha ko ang braso niya para ilagay sa batok ko para maalalayan din siya paglalakad. Alam kong sa ganitong  kalagayan niya ay hindi na siya makakapaglakad pa ng maayos.

Pag labas namin ay bigla niyang binuwag ang pagkaka hawak niya sa'kin saka siya humarap.

"Ano bang nangyari sa'tin?" Hindi ko siya masagot, ni matignan sa mga mata niya dahil alam ko sa sarili ko na mahal ko pa rin siya. 

"Hindi ko alam." malamig na sagot ko sa kanya, pero sa loob loob ko ay nais ko ng sabihin sa kanya ang mga nangyari.

"Luke, tignan mo ako sa mata. Handa akong iwan ang pamilya ko, ang yaman ko, lahat lahat para lang makasama ka. Bumalik nalang tayo sa dati please? Magpakalayo layo tayo kung kailangan, just... come back to me." Nakikita ko na umiiyak na siya sa harap ko. Ang sakit, ang sakit sakit makitang nag kakaganyan ka dahil sa'kin.

Hinawakan ko ang kabilang pisngi niya, saka sinabing... "Amber, we can't go back what we used to be anymore." Tumutulo na din ang luha niya. "Just accept---" pinutol niya ko sa pagsasalita at sinunggaban ng halik.

Namiss kita, namimiss kita araw araw. Sana alam mo yan. 

Pero... tinulak ko siya palayo. "Ano ba?! Bakit mo ginawa 'yon?" Inis na sabi ko sa kanya.

"Luke, I know you still love me---" Hindiko na siya pinatapos magsalita.

"Amber! Magisip ka nga? Will you please think about what's happening? Nadamay yung pamilya ko dahil sa relasyon natin. Marami ang nasasaktan dahil satin. Just accept it! Na hindi para tayo sa isa't isa. Ikakasal ka na!" Lunok laway na sabi ko, nagpipigil lang ako pero gustong gusto ko sabihin sa'yo na wag mo ng ituloy ang kasal. Na tayo nalang ulit. Pero... hindi na maari.

"Ikaw ba? Did you think about me? Did you know kung gaano kahirap sa'kin lahat ng ito? Alam mo ba kung gaano kabigat sa'kin lahat ng ginagawa ni Dan? Pang gigipit niya sa'kin at sa pamilya ko? Luke, yung pagmamahal ko hindi ganoon kababaw para baliwalain mo ng ganito. Ikaw na yung nakikita ko sa future ko." Oo, alam ko na ako na ang nakikita mo. Alam ko kung gaano mo ko kamahal at ganoon din ako sa'yo. Pero hindi na pwede, kahit mahirap sa'kin na gawin ang lahat ng ito. 

A First Kiss with a Stranger (GirlxGirl) SPGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon