Luke's POV
Maaga akong umalis ng bahay dahil sabi ni Rina ay madami kaming gagawin na trabaho ngayon.
Habang naglalakad lakad ay naisip ko nanaman si... Amber.
Bakit ba madalas na niyang ginugulo ang isip ko? Ha? Dahil lang sa kiss... Sa kiss! Sa kiss na.. Ano ba yaaaaaan! Naaalibadbaran na ako!!!
Biglang may nagtext sa cellphone ko kaya agad ko itong kinuha sa bulsa ko.
Pagbukas ko ay si Rina.
From: Rina
Luke! Hay... Pasensya k na..., Di m3 makakapasok todAy. Sakit katawan m3. Lolzx. Bawi m3 bukas hA? Loveyou! :*
Shit! Ang jejemon pala ni Rina magtext! Nakakainis!
Tapos di pa siya papasok! Ang ganda ganda ng araw mo Lucas! Ang sayaaaa! Whooo! Papainom ako!
Pagdating ko sa shop ay agad akong nagayos ng mga gagamitin ng biglang marinig ko ang pagbukas ng pinto.
Si Emerald.
"Hi? Good Morning?" masiglang bati nito."Ay! I-ikaw pala! Hehe." shit! Emerald! Kung di ka lang kamukha ng kakambal mo! Baka sayo pa ako nainlove!
Hoy gaga ka ba? Kambal nga sila diba? Haler? Sabi ng mahadera kong utak.
Oo nga no? Tanga lang Luke, tanga lang? Haysh!
"Wala yung kasama mo?" aktong tanong nito sa'kin.
"Amm... Wala e. Di nakapasok kasi may sakit." pagpapaliwanag ko.
"So, walang tutulong sayo dito?" halata sa boses niya ang pagaalala.
"Wala e. Hehe pero kaya ko naman." sabi ko. Ayoko kasi na may tutulong sa'kin hangga't kaya ko pang gawin.
"Sakto wala kaming class today, so I decided to come over here and since wala yung kasama mo, e pwede naman kitang tulungan." pagvovolunteer niya.
Some part of me ay natutuwa sa ganitong attitude ni Emerald, yung pagiging magalang, mabait at may respeto sa kapwa. Hindi tulad ng kakambal niyang ewan! Di mo alam kung ano ang ugali! Halikan daw ba ako?
Owzz... Naalala mo nanaman na hinalikan ka? Tsk! Sabi ng utak ko.
Ugghhh! Walangya ka Amber! Nako! Makakaganti din ako sayo! Tandaan mo yannn!!!
Hindi na ako tumutol pa sa pagvovolunteer niya, dahil sa katunayan ay mahirap talaga na wala akong makakasama ngayon.
Binigyan ko ng instructions si Emerald, una sa counter, kung ano ang daily routine namin lalo na kapag may papasok na customer, halata sa kanya ang pagiging magiliw niya habang nakikinig sa'kin. Napapansin ko din na mariin niya akong tinitignan.
Hindi ko na lamang iyon binigyan ng malisya dahil alam kong magkaibigan lang kami ni Emerald.
Nagumpisa na kaming magtrabaho, si Emerald nalang ang pinagtrabaho ko sa counter at ako naman ang sa wash/laundry room.
Umaga pa lang ay may nga pumasok ng mangilan ilan na customers. Magiliw naman itong binati ni Emerald saka kinuha ang mga kailangan.
Habang inoobserbahan ko siya mula sa kalapit na direksyon ay mas lalo akong humahanga sa kanya. Hindi lang kasi siya maganda, matalino, mabait, magalang, maunawain, mapagpasensya, lahat na ata ng good side ay nasa kanya na.
![](https://img.wattpad.com/cover/68941478-288-k263896.jpg)
BINABASA MO ANG
A First Kiss with a Stranger (GirlxGirl) SPG
RomanceLucas "Luke" Belmonte, isang simpleng babae na naghahangad ng maayos na buhay para sa kanyang sarili at sa kanyang pamilya. "No time for love" ang motto niya sa buhay kung kaya't nagfocus siya sa trabaho, kaibigan at pamilya. Pinangako nito sa saril...