(16)

5.9K 168 8
                                    

Emerald's POV

I was about to go home when our group work finished the project in our subject, kaya lang namiss ko si Luke kaya napagpasyahan ko na kahit sumaglit muna ako sa kanila.

Habang nagdadrive ay nagflash back nanaman sa isipan ko yung nangyari noong nakaraan na nagpunta ako sa shop nila Luke.

Sa loob loob ko ay talagang nagpapasalamat ako doon sa kasamahan niyang si Rina, kung andoon siya ay siguradong hindi mangyayari yung aksidenteng iyon. Hihi.

Hindi ko namalayan na malapit na pala ako sa shop nila Luke.

Nang makarating ako ay agad kong nabungaran ang kotse ni... Amber?

Bakit siya nandito? Anong ginagawa ni Gray dito?

Nagtataka man ay pumasok pa din ako.

Pagpasok ko sa shop ay nabungaran ko si Rina, magisa sa counter.

Ayokong magisip ng kung ano ngunit hindi ko maiwasang kabahan, ano ba ang nangyayari?

"Magandang Hapon po!--- Ay? Ma'am Emerald bakit po kayo nandito?" nagtataka ang mukha ni Rina ng tumingin siya sa'kin.

"I was about to visit Luke e, andyan ba siya?" hindi ko pinahalata sa kanya ba medyo kinakabahan ako.

Teka? Bakit naman ako kakabahan? Si Gray lang naman iyon? At alam kong hindi maiinlove si Gray sa mga gaya ni Luke.

"Teka lang po, Tatawagin ko lang po siya." sabi nito at dali dali ng naglakad patungo sa Laundry/Wash room nila.

Habang hinihintay silang lumabas mula doon ay hindi ko pa din maiwasang magisip ng kung ano.

Naalala ko ng sabihin ko kay Amber na balak ko ng ligawan si Luke ay halatang gulat na gulat siya, yung hindi siya makapaniwala sa nangyayari.

Pansin ko din ang madalas na pagkawala sa sarili ni Luke, hindi ko maiwasang mapaisip kapag nakikita at nararamdaman ko na nagbabago ang pagkilos ni Luke lalo na kapag nababangit ko ang pangalan ni Amber.

Hay! Emerald, wag mong bigyan ng malisya lahat. Okay? Ano namang masama kung magkaibigan si Gray at si Luke? Wala naman diba? Mabuti pa nga iyon dahil mabilis na matatangap ni Amber si Luke kapag naging kayo na.

Haish! Tama na muna ang pagiisip.

Nakita ko na si Rina na lumabas mula sa Laundr Room nila, kasunod nito si Luke.

"H-hi Emerald! A-ano... Amm. Napabisita ka ata?" natatarantang sabi niya. Aktong nagkamot pa ito bg batok niya, halatang may tinatago.

"Amm... I just missed you kasi." pagamin ko, medyo nagblush ako don. Si Rina ay halatang kinikilig sa mga sinasabi ko.

"Ahh.... Okay... Amm Ano kasi..." halatang tense pa din ito habang kausap ako.

Baka naman kinikilig siya sa'kin? Hehe.

Nang magsalita ang pamilyar na boses.

"Hey, twin sis, nandito ka pala?"tanong ni Gray, kakalabas lang niya ng Laundry Room.

"Anong...? Anong ginagawa mo sa loob?" takang tanong ko.

"Ahh.. Nagpatulong kasi itong si Luke, masyado kasing madami ang nilalabhan niya so I insist. Hmm... Tutal tapos naman na kami e sabay na tayong umuwi." paganyaya niya. Mabilis siyang naglakad papalabas ng Laundry Shop.

"Amm sige Luke, see you tomorrow." pagpapaalam ko, ngunit bago ko makalimutan ay agad ko siyang hinalikan sa pisngi saka mabilis na naglakad patungo sa labas dahil hinihintay ako ni Gray.

A First Kiss with a Stranger (GirlxGirl) SPGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon