(48)

765 27 3
                                    

LUCAS "LUKE" BELMONTE


Isa nanamang busy na araw para sa'kin. Hays. Ganoon nalang palagi ang ginagawa ko. Mag tatrabaho sa laundry shop, uuwi, matutulog tapos gising nanaman sa umaga. Minsan nakakasawa na pero syempre, iisipin ko pa din na kailangan kong magtrabaho. Tutal sa amin din naman itong Laundry shop kaya hawak ko din ang oras ko. Siya nga pala, medyo umunlad na din kami kahit papaano. Nakapagpatayo na kami ng ilang branches sa karatig bayan. Kaya masaya ako, dahil sa pagsisikap at pagod, sa wakas nagbunga din ito.

Narinig kong nagbukas ang pinto kaya agad akong bumati. "Magandang umaga po!" Maligayang bati ko sa aking regular na customer, si Emerald. 

"Hi!" Balik na bati niya sa'kin. Grabe naman 'tong labahan ni Emerald. Isang sako ang dala. 

"Huy, ano 'yan? Grabe naman." Sabi ko. 

Naalala ko na, si Emerald pala ay nagkaroon ng modeling debut. Makikita mo din sa kanya na nag iba na din ang itsura niya. 

Agad ko naman siyang tinulungan sa mga bitbit niya. "Nga pala, Luke." Tawag nito sa'kin habang busy ako sa pag aayos ng mga damit niya. 

"Ano 'yon?" Balik tanong ko naman sa kanya.

"Are you free tonight?" 

"Bakit?" 

"Hmmm... Meron kasi kaming fashion show na gaganapin mismo sa Mansion namin. So, if free ka lang naman, can you come?" 

"Hala, nakakahiya naman. Bakit kailangan pa ako don?" Pagtatanggi ko. 

"Because you're my closest friend on earth and I need your support?" 

"Ano ba ang kailangan na suotin doon?" 

"You can come early than 7pm para doon ka nalang mamili ng susuotin sa Bahay. Please, please I need you to be there." 

Paano naman ako makakatanggi? Grabe na pagmamakaawa nito sa'kin. 

"Oo na! Sige na! Jusko ka. Di ko malaman sa'yo ang dami mo naman kaibigan ah bakit kailangan andon pa ako." 

"Yehey! Good thing na pupunta ka doon kasi..." Natigilan siya sa mga sinasabi niya. 

"Bakit? Anong meron?" Takang tanong ko naman sa kanya. 

"A-ah, wala. Nevermind. See you there okay? I-close mo agad 'tong shop me ha! I will be expecting Luke Belmonte to be there okay?" 

Hindi na ako naka angal pa sa kanya at tuluyan na siyang umalis. Halatang nagmamadali ito.

Bakit kailangan ko pang pumunta sa fashion show na iyon? 

Nagtataka lamang ako na sa dinami rami ng kaibigan ni Emerald bakit ako pa ang kailangan na pumunta doon?

Kung sabagay, naging mas malapit na kaibigan ko naman siya matapos ng nangyari sa'min ng kakambal niya. 

Hindi na lang ako nag-isip pa ng kung ano at bumalik na lamang ako sa pagtatrabaho, marami rami din itong damit na ipapalaba. Tantya ko ay nasa 20 kilos ito. Wala naman paki si Emerald kung gaano kadami pa ang labahan na ipapalaba niya. 

----

AMBER GRAY MONTEFALCO

Narito na ako sa NAIA 3, naglalakad patungo sa labasan nang maramdaman ko na nag vibrate ang phone ko. 

"Hello?" Si Emerald tumawag. 

"Are you free tonight?" Sabi nito. 

"Bakit di mo nalang ako hintayin sa kotse?" Sabi ko habang malapit na din ako sa parking. 

A First Kiss with a Stranger (GirlxGirl) SPGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon