(23)

5.6K 175 14
                                    

A/N: This chapter will be the Beach Party of Emerald and Amber, baka magdalawang part ito. Depende sa haba ng gagawin ko. Haha.

For those who always reading my stories, guys, sobrang salamat sa inyo. It made my day, hehe at sa mga magbabasa pa lang nito, I hope so far, nageenjoy kayo. That's all guys! :)

-Author Jay ❤
----
Amber's POV

Maaga pa lang ay nagayos na kami ng gamit sa van, yung mga gagamitin namin sa party ay naroon na. Sila Jordin at ang iba ko pang kaibigan ay hinihintay nalang namin.

And as usual, kasama si Megan. Hindi ko naman magawang sabihan na umalis siya sa tabi ko. Bahala na siya, wala naman akong pakialam.

May pakialam lang ako kay Luke.

Kahit anong gawin kong pagiwas sa nararamdaman ko, hindi ko magawa.

Nang makita ko siya papalayo sa'kin, parang ang sakit sakit sa dibdib, parang gusto ko siyang yapusin ng yakap sa likuran at ayaw ko ng pakawalan pa siya.

Kaya lang... Hindi pwede. Hindi kami pwede. Mahal ko ang kapatid ko, kaya kong kalimutan ang lahat ng ito, para kay Emerald dahil kapatid ko siya. Kakambal ko siya.

Habang naghihintay, biglang nagsalita itong si Meg na kasalukuyang katabi ko at nilalandi ako. Inaamoy amoy ang leeg ko. Narito kasi kami sa loob ng unit ko. Narito din si Emerald, tila may hinihintay na text, kanina pa niya kasi pinapatay bukas ang cellphone niya.

"Gray, saan ba nagmana ng kamanyakan yang kakambal mo?" pagtataray ni Meg, napaangat ng ulo si Em, napansin kong nagiba ang expression ang mukha niya.

"A-anong kamanyakan yang pinagsasasabi mo Meg ha?"nagtaray na din si Emerald habang nakatitig ng masama dito sa katabi ko.

Samantalang ako ay tinitignan ko lang sila habang parehas silang naiinis sa isa't isa.

Natatawa nalang ako sa loob loob ko. Wala pa nga kami sa beach, ganito na sila kailang sa isa't isa.

"Ikaw 'tong may atraso sa'kin Emerald! Kaya wala kang karapatang magalit dyan!" masungit na saad ni Megan.


Hindi nalang sumagot si Emerald pagkatapos non, napapailing na humarap sa'kin si Meg at pumulupot nanaman sa mga braso ko.

Para talaga siyang linta... Ugh.

Napatigngin kami ng di oras sa pinto, may kumatok.


Di ko alam ngunit bumilis nanaman ang tibok ng puso ko.






Unti unti itong nagbukas, at nakita ko si...











Luke.



Natulala ako, nagkatitigan kami at parang nangungusap ang mga mata niyang tumingin sa'kin.






She's wearing a fitted pants, with red checkered polo na sinamahan niya ng white sando at black converse shoes.




Dali daling tumakbo si Emerald sa direksyon niya sabay yakap... Ouch


Umiwas ako ng tingin, nang makita ko iyon.



Bakit ang sakit? Fvck.


Nang bigla akong siilin ng halik nitong si Meg na ikinabigla ko.





Bakit wala akong maramdaman sa mga halik ni Meg, gayung ramdam ko na may something sa mga halik niya sa tuwing hahalikan niya ako.


A First Kiss with a Stranger (GirlxGirl) SPGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon