(49)

839 39 12
                                    

AMBER GRAY MONTEFALCO

 Narito na ako sa mansion ng bandang 6:30pm. Sabi  naman ni Emerald ay 7:00pm mag uumpisa ang event. Medyo dumadami na din ang tao dito, mga bigating artist ang narito tsaka ibang fashion designers, may mga amateur at mayroon namang professional. 

Sabi din pala ni Emerald ay dapat naka mask daw kami. Medyo weird pero sumunod na lang din ako. 

Suot ko ngayon ay isang evening gown, may 3 kulay ito. Gray, silver at dark gray, sinabayan ko pa ng diamond mask, half mask lamang ito. 

Naglibot muna ako sa mansion at sa event place para malibang ako. 

Habang tumitingin sa kung saan saan ay may pamilyar na pigura akong nabungaran. 

Alam ko kung sino siya, hindi ko na kailangan pang lumapit sa kanya para makilala siya. 

Si Luke.

Sa ngayon, dama ko yung kabog ng dibdib ko. Hindi ko maisip na ganito pala yung unang mararamdaman ko kapag nakita ko siyang muli. 

Napansin niya naman na may nagmamasid sa kanya kaya naman bigla siyang napatingin sa direksyon ko. 

Napatalikod naman ako sa kaba, hindi ko alam kung ano ang una kong sasabihin sa kanya kung magkataon. Ibang iba na siya ngayon. 

Bigla naman dumating si Emerald. "Oh! Amber! Andito ka na pala. Akala ko naman maghhintay pa ako sa'yo eh."

"Nahh, kanina pa ako nandito." Sabi ko naman sa kanya saka hinawakan siya sa braso. 

"Di mo man lang sinabi sa'kin na inimbitahan mo pala si Luke dito sa Event mo." Naiinis kong sabi sa kanya. 

"Bakit? What's wrong with that?" Sabi ni Emerald na may halong pagtataka. 

"Malamang hindi pa ako handa na makita siya." 

"Sus. Bakit hindi ka handang makita siya?" 

"Em, nahihiya ako sa kanya. Alam mo naman nangyari eh." 

"Gray, stop being a childish person. This is your chance na maipaliwanag sa kanya yung nangyari bakit mo nagawa yun." 

"Eh paano kung i-reject niya ako?" Sabi ko naman sa kanya, syempre natatakot din ako mareject.

"Edi mareject. Hindi ka naman yung tipo ng tao na susuko sa isang bagay na hindi mo makukuha eh. I know you very well gray." Sabi ko sa kanya, syempre aware din naman ako doon pero... 

Hinawakan naman ni Emerald ang magkabilang kamay ko. "Sinadya ko din na hindi sabihin sa'yo na iimbitahan ko rin siya dito since gusto ko din na magkausap kayo. It's been 5 years since you have left her ng walang paalam then you expect na tatanggapin ka niya ng ganun ganun na lang? Though I keep explaining din sa kanya bakit kailangan mo siyang iwan." 

"Basta, please, you need to meet her tonight kasi laking effort ko din na papuntahin siya dito no. Isang linggong labahan ko yung binuhat ko para lang maimbitahan siya dahil sobrang busy niya, di ko siya maaya magkape o kumain para masabi ko sa kanya na I would like her to be here." 

Malaki din naman ang pasasalamat ko kay Emerald. Natutuwa naman ako kasi kahit paano, tinutulungan niya pa rin ako maayos kung ano yung dapat kong ayusin sa pagitan namin ni Luke. 

"Oh! Wait, tinatawag na ako ng organizer. Enjoy the night Gray." Sabi nito saka dali daling umalis.

Napapaisip tuloy ako kung ano ang gagawin ko pag nakasalubong ko siya ngayon. 

Kakausapin ko ba siya? Do I need to say "Hi?" 

Naguguluhan ako, hindi ko alam kung papaano ako mag papaliwanag sa kanya. 

"Amber?" 

Nagulat ako, may tumawag sa pangalan ko. Pamilyar ang boses na iyon. Alam kong si Luke iyon. 


Napatingin ako sa kanya, at sa mga oras na iyon na nagkatitigan kami, masasabi ko na ang laki na ng pinagbago niya, mas gumanda siya. Hindi na sya yung dating Luke na nakilala ko. 

Sandaling katahimikan ang namayani samin. Dama ko iyong lakas ng kabog ng dibdib ko. 

"Hindi ka man lang ba magsasalita?" Nagsalita siyang muli. 

Hindi ko alam kung saan ako maguumpisa. Napapalunok tuloy ako ng laway. 

Tatalikod na sana siya pero parang may sariling isip ang kamay ko at pinigilan ko siya sa gagawin niya. 

"Let's go somewhere." Sabi ko sa kanya. Saka hinila siya palabas ng Events Place.

"Teka!" Hindi na din siya nakapalag at sumama na lang din siya. 

Paglabas namin ng events place, magkaharapan kami, hawak ko pa din ang kamay niya at napatingin naman siya kaya agad ko itong tinanggal. 

"Akala ko hindi nakita makikita. Tagal na din ah. Kakauwi mo lang?" 

Sa tono niya, parang walang nangyari. "Y-yes." 

Nahihiya pa din ako sa kanya, parang hindi ko talaga siya kayang harapin.

"Bakit ka nauutal?" Takang tanong niya sa'kin. "N-no, Im not." Agad ko naman itong sinagot. 

"Amber, bakit?" Ito na, seryoso na ang tono niya. 

"Anong bakit?" Nagmaang maangan pa ako. 

"Siguro naman I deserve an explaination for leaving me?" 

Tinignan ko lamang siya ng mariin. "I-i, I want to say goodbye to you pero..."

"Pero?" 

"Pero, I---" Pinutol niya ako sa pagsasalita ng magsalita siya. 

"Did you know how much devastated I was nung umalis ka? Did you know na sobrang bigat ng nararamdaman ko sa tuwing naalala ko na iniwan mo ko? For what? Dahil yun ang tingin mong makakabuti sa'kin?" Alam kong garagal na ang boses niya, alam kong paiyak na rin siya sa mga sinasabi niya. 

"I-I'm sorry." Yun na lang ang nasabi ko sa lahat ng nasabi niya sa'kin. 

"I'm sorry? I've been waiting for you almost everyday Gray! Sobrang sakit, dinala ko lahat ng sakit hanggang ngayon. Hindi ako nakakatulog thinking na wala ka na sa tabi ko, balisa ako, hindi ako makausap ng matino. At least man lang bago ka umalis, nagpaliwanag ka muna sa'kin pero bakit yun hindi mo pa nagawa?" 

"I was going to, pero alam ko na kapag pinuntahan kita, malamang hindi na ako makakaalis." 

"Ni pagtawag nga hindi mo pa nagawa, kasi akala mo makaka move on ako? Hindi! Hindi ako maka move on sa'yo. How I wish na ganoon lang kadali yun. Naiinis na nga ako eh kasi gusto ko na makalimutan kung gaano kita kamahal." 

"I still love you." Pag amin ko sa kanya. "I still love you, Luke. Believe me, hindi ka nawala sa puso ko lalo lalong na sa isip ko. Lagi pa rin kitang namimiss. Tiniis ko yun sa pag aakalang makakamove on din ako sa pagmamahal ko sa'yo kasi alam ko na---" Natigilan ako sa ginawa niya. Hinalikan niya ako. 

Yung halik niya, puno ng pananabik, ramdam ko sa kanya iyon. 

Matapos ng nangyari ay niyakap niya ako ng mahigpit. "Please, please don't ever leave me like that, again." Napangiti naman ako. "I won't." 

Biglang naglabasan ang mga bisita para tignan ang fireworks display sa labas. 

Hawak ang kamay niya, tumingin akong muli sa kanya. 




"I love you so much, Luke." 




A First Kiss with a Stranger (GirlxGirl) SPGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon