50 (Finale)

1.7K 41 15
                                    

LUCAS "LUKE" BELMONTE


Nagdaan ang mga araw at taon ay sa wakas nakasama ko din ang taong minamahal ko, madami mang pagsubok na dumaan samin pero doon kami mas tumibay at nag grow. Malamang, may iba na hindi maiintindihan kung gaano kalalim ang pagmamahal ko sa babaeng 'to pero alam ko sa sarili ko na siya na ang gusto kong makasama habang buhay.

Nakapunta na ako sa iba't ibang lugar at dinala din ako ni Amber kung saan bansa siya nagstay, sa Italy. Siya nga pala, nag aral ako ng Photography kaya kahit paano ay nakakakuha ako ng magagandang litrato namin ni Amber.

Narito kami ngayon sa Mansion ng mga Montefalco, inimbatahan kasi ako ng Parents ni Amber na doon kumain ng lunch, maganda na din ang pakikitungo nila sa'kin, tanggap na nila ako para sa anak nila at kung ituring din naman nila ako ay para na ding pamilya.

Habang kumakain ay agad namang nagtanong ang Daddy niya. "So, what are your plans?"

"What do you mean Dad?" Balik tanong ni Amber sa Daddy niya.

"I mean, hindi na kayo bumabata diba? Wala ba kayong planong magpakasal?" Deretchahang sabi ng Daddy niya.

Bigla naman akong nabilaukan sa sinabi niya. Nagalala tuloy si Amber, "Are you okay?"

"A-ah, okay lang ako." Pag assure ko naman sa kanya.

"It's too early to mention for this kind of topic Dad." Bahagya namang natawa ang Daddy niya.

"I'm just excited for you two, matagal din kayong nagkahiwalay diba?"

Hindi na lang sumagot si Amber sa sinabi ng Daddy niya. Pakiramdam ko tuloy wala pa sa plano niya ang magpakasal.

Medyo nalulungkot lang din ako kasi kung ako ang tatanungin ay nais ko na din magpakasal, dahil na rin nais ko na ding magka pamilya kasama si Amber.

Matapos ng Lunch namin ay agad naman akong inalok ni Amber na ihatid niya daw ako sa Bahay. Agad naman akong humindi. "Wag na, magpahinga ka nalang muna at makipag bonding ka sa Pamilya mo."

"Okay lang naman sila dito e, they can wait."

"Wag na okay lang ako."

"Are you sure? Later I'm gonna pick you up at 7:30pm." Nagtaka naman ako sa sinabi niyang iyon.

"Bakit? Para saan?"

"Basta, later okay?" Sabi nito.


Hindi na lamang ako nagtanong at nangulit pa dahil nais ko na din umuwi. Hinatid niya na lamang ako sa Gate nila saka ako nag book ng grab pauwi.

---

AMBER GRAY MONTEFALCO


Ngayong araw, importante ito para sa'kin. Ngayon ko na din kasi balak mag alok ng kasal sa kanya. Pero gusto ko siyang i-surprise. Kakuntyaba ko si Emerald ay Daddy, they helped me a lot to prepare for this moment. Syempre, may plano naman talaga ako parsa sa'min, hindi ko lang sinasabi sa kanya o binabanggit dahil gusto ko na sigurado ako sa mga binibitawan kong salita sa kanya. Ayoko na din kasi maulit pa 'yong dati.

Nang makaalis na Luke sa Mansion ay agad ko naman sinabihan sila Mommy at Daddy na i-ready na ang decorations, si Emerald naman at ako ay nag tulungan din sa garden namin kung saan ako mag popropose. Syempre, right after ng pag aalok ko ng kasal ay engagement party na agad.

Kinakabahan din ako dahil syempre, ganoon naman talaga pag magaalok ka ng ganito ay hindi mo din naman sigurado kung Oo ba ang sagot niya diba? Kaya kailangan din na handa kang tanggapin kung ano man ang maging desisyon niya.

A First Kiss with a Stranger (GirlxGirl) SPGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon