(39)

5K 92 33
                                    

LUKE "LUCAS" BELMONTE

Dalawang araw namalagi si Amber sa ospital at dalawang araw din ako pabalik balik doon. Nagaalala ako sa kalagayan niya kaya mas pinanaig ko ang pagaalaga sa kanya kahit alam kong pagod ako sa laundry shop maghapon, mas pipiliin kong alagaan si Amber sa ospital, ibinilin din ng doctor na hindi siya pwedeng mastress para hindi ulit matrigger yung nangyari.

"Love, I'm sorry." sabi ni Amber habang hawak kamay kaming nakaupo sa upuan namin sa sala. Weekend ngayon at nanghingi muna ako ng pahinga kay Rina ngayong araw.

"Para saan naman?" takang tanong ko naman sa kanya.

"Kasi naabala ka pa sa trabaho at inalagaan ako ng dalawang araw sa ospital." malungkot na hayag niya.

Sa totoo lang ay ginusto ko rin naman na alagaan siya.

Habang nagmomoment naman kami ni Amber, saka naman nagvibrate ang cellphone niya.

Tinignan ko muna yung magiging reaction niya, napansin kong napakunot ang noo niya saka inilapag ang phone niya sa may beside table ng kama niya. "Sino ba 'yon at parang nagbago na ang mood mo."

"It's just... Dan. Do you remember him? He keeps on calling me di ko alam kung bakit and it bothers me... a lot." Ramdam ko ang stress na naidudulot ni Dan sa kanya.

Niyakap ko siya ng mahigpit, saka hinalikan sa noo. "Wag mo masyadong stress-in ang sarili mo sa mga kagaya niya, hindi niya deserve ang attention mo." Habang hinahaplos ang buhok niya.

"You know how much I love you right? Just keep that in mind babe." Sabi niya na may halong sinseridad.

Unti unti niyang inilalapit ang mukha niya, kasabay noon ang pagpikit ng aming mga mata ng biglang...

"Amber!" Tawag ng isang taong dumating galing sa pinto. Napatigil kami sa dapat na mangyayari... sayang.

"Mom and Dad told me kung ano ang nangyari sa'yo... okay ka na ba now?" Pagaalalang tanong ni Emerald sa kakambal.

"Yeah... right. You just ruined our moment em. But anyways, yeah I'm still alive and kickin' so don't worry too much twin sis."

Bumakas ulit ang pinto at nakita namin si Megan na may dalang bulaklak at prutas. "Ammm... hi? Can I come in?" Nagtama ang mga mata nila ni Emerald at parang nakaramdam kami ni Amber ng tension or awkwardness sa pagitan nila. Nagkatitigan nalang kami ni Amber.

"So... how are you Gray?" Tanong ni megan, halatang hindi nagpapansinan ang dalawa.
"I'm good... thanks for your concern though."
"I'm here para magpaalam sa inyo."
Nanlaking mga mata ang ipinukaw ni Emerald kay Megan, halatang na surpresa sa narinig.

"But why?" Halos sabay pa ang kambal sa pagsambit nito. Tinignan ni Amber si Emerald, sinyales na parang may idea na siya sa mga nangyayari sa kapatid at sa kabigan nitong si Megan.

"It's urgent, my Dad wants me to go back to London as soon as possible. Ewan ko, he just called me Last night, yung boses ni Dad nagbago na, halatang may iniinda sya, and tomorrow is my flight. Papahatid sana ako kay Amber but I think hindi pwede dahil nasa hospital ka. Magpagaling ka Amber." Nakangiting sabi ni Megan.

Ramdam ko ang pagkadismaya ni Emerald sa narinig, gayunpaman, "Ammm... Megan, if you want... I can give you a ride at least?" Medyo nauutal pa si Emerald. Nangingiti nalang ako sa loob ko, di kaya nagkakagustuhan na silang dalawa? Di naman malayong mangyari yun eh. 

Pahapyaw na tumingin si Megan sa kanya. "No, it's okay I can take a cab."

"Babalik ka pa ba?"


















A First Kiss with a Stranger (GirlxGirl) SPGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon