(4)

8.8K 216 6
                                    

LUKE "LUCAS" BELMONTE

Bandang alasyete na ng gabi ako nakabalik sa shop. Medyo maulan na nga doon kung kaya't nagpasya ako na dali daling magligpit sa Shop.

Nadatnan ko pa si Rina na nakaupo sa counter.

"Oh? Bat nandito ka pa?" tanong ko habang nagpapagpag ako ng sapatos sa basahan.

"Hinihintay kita no. O siya, aalis na ako." At aktong tumayo na ito saka bitbit ang bag.

"Ingat!" sigaw ko ng makarating na siya sa pinto.

"Hays! Ako nanaman ang closing. Kainis." Bulong ko sa hangin saka nagligpit ng gamit.

Nang matapos ako magligpit ng mga gamit ko ay dali dali na akong umalis sa shop. Nilabas ko muna ang payong ko dahil lumalakas na ang ulan sa labas.

Pag labas ko sa shop ay agad kong nilock ang pinto. Saka ito tuluyang isinara.

"Aisssshhh!" inis at irita akong lumabas ng shop dahil sa lakas ng ulan. Kahit na may payong na ako e nababasa pa din ako ng ulan kaya nagdesisyon na akong sumilong muna sa waiting shed malapit sa tapat ng Shop namin.

"Hayy nako... Basang basa na ang damit ko."

Habang nagpapagpag ng damit dahil basa na ako sa ulan ay aktong naramdaman ko nalang na napatumba ako dahil sa lakas ng pagtulak sakin ng kung sino.

Pagmulat ko ng isa kong mata ay nabungaran ko na ang isang babae na nakapatong sakin, ramdam ko din ang lambot ng kanyang mga labi sa labi ko.

Hindi ko masilayan ang buong mukha nito dahil sa dilim na nagmumula sa gabi at walang masyadong ilaw dito sa waiting shed.

Ngunit sa kasamaang palad ay tumayo agad ito saka tumakbo.

Bwset! Natakasan ako ng stranger na iyon. Punyemas. Tsk.

Mgailang minuto pa ay may nagsidatingan na tatlong lalaki. Mukhang may hinahanap sila, palinga linga sila sa paligid at aktong nagpatuloy ulit ito sa pagtakbo.

------

Amber's POV

Saktong alas quatro ay narito ako sa Bar na pagmamay ari ng isa sa mga kaibigan ko.

Rinig sa buong paligid nito ang malakas na tugtog at hiyawan ng mga tao pati doon sa dance floor. Hinayaan ko muna ang sarili kong magbabad sa alak at magenjoy ng may humila sakin paalis sa dance floor.

Bigla ko nalamang naramdaman ang pagpulupot niya ng kanyang mga braso sa aking leeg at kasabay noon ang pagdikit ng aming mga katawan. Halos ramdam ko ang pagbigat ng hininga niya, ramdam ko na bumibigat na din ang ulo ko kung kaya't dumodoble na ang paningin ko kaya hindi ko mamukhaan ang babae.

"I miss this...hmmm" sabay sa paghawak ng buhok ko ang pagungol niyang iyon. Mukhang pamilyar sain ang boses na ito.

Teka? Hindi kaya si... Dianne? Oh shit! Si Dianne ang isa sa mga nakaka FUBU ko noon.

Napabalikwas ako at agad kong inalis ang mga nakapulupot niyang braso sa leeg ko.

Naramdaman ko ang isang malakas na pwersa sa balikat ko a siyang ikinagulat ko.

"What are you doing with my girl! Ha?!" Aktong susuntukin sana niya ako ngunit pinigilan siya ni Dianne.

"Umalis ka na Amber." Sabi ni Dianne sakin.

"At bakit ako aalis ha? Sino ba sila?" iritang sabi ko, paano ba naman kasi ay nais ko lang naman magenjoy naudlot pa dahil sa paghalik ni Dianne sakin.

A First Kiss with a Stranger (GirlxGirl) SPGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon