(10)

6.4K 204 11
                                    

Amber's POV

Nagdadrive ako ngayon, sobrang frustrated ako sa parents ko. Ano bang ginawa ko sa kanila? At ganoon ang trato nila sakin.

Habang malalim ang iniisip ko ay bigla nalang may nakita akong tumawid, saka ako bumalik sa ulirat at agad agad kong tinapakan ang preno, mabuti nalang at naka seat belt ako, kung hindi ay malamang sa malamang ay nakasagasa na ako.

Aktong pumunta yung babae na muntik ko ng masagasaan sa direksyon ko.

Kinatok ang windshield ko.

"Alam mong tatawid ako bakit hindi ka huminto ha?" Inis na sabi nito.

Hindi ako nagsalita dahil wala ako sa mood. Hindi ko din tinitignan yung itsura niya dahil wala ako sa mood makipag usap kung kanino man.

"Hoy, magsalita ka." Mas lumakas ang boses nito, dahilan para mapalingon ako.

It was Luke, yung nakita ko sa Laundry shop noong nakaraang araw.

Nanlaki ang mga mata ko. Fvck, si Luke pala ang tumawid.

Aktong bumaba ako. "I'm sorry." Sabi ko pero walang kaemoemosyong tugon ko sa kanya.

"Wow napaka sincere naman ng sorry mo." Masungit na tugon nito.

"Sorry na nga diba? What do you want me to say then?" Nagtaray na din ako.

"Ikaw si Amber yung kakambal ni Emerald diba?" aktong tanong nito habang mariin na nakatitig sakin.

Hindi ako sumagot. Hinintay ko ang susunod niyang sasabihin.

"Kabaliktaran ka pala ng twin sister mo." Oh fvck. Pati ba naman siya? Ikukumpara ako kay Emerald?

"Who the hell are you to say that? Kilala mo na ba ako ng lubusan para masabi mong mas mabait sakin ang kakambal ko? Kailan mo palang naman ako nakilala kung makapagsalita ka e akala mo kung sino ka na, kung wala ka ng sasabihing maganda aalis na ako dahil wala ako sa mood makipagusap sa mga kagaya mo!" at dali dali akong sumakay ng kotse saka pinaharurot ito.

Ganoon na ba kasama ang ugali ko? Hindi ba nila alam na nasasaktan ako? Sa tuwing ikukumpara ako sa iba?

Pupunta nalang ako sa Bar. Gusto ko munang magliwaliw at makalimot sa lahat ng sakit na nararamdaman ko ngayon.

____

Luke's POV

Matapos ng insidente sa pagitan namin ni Amber, hindi ko mapigilang mainis at the same time makonsensya dahil sa nasaktan ko siya sa mga nasabi ko.

Masyado ko ata siyang nasaktan. Kitang kita ko sa mga mata niya ang lungkot ng habang kausap ko siya.

Bumalik muna ako sa Laundry shop dahil may mga aayusin akong gamit doon.

****

Habang nagaayos ng gamit sa Laundry shop ay may narinig akong malakas na katok sa glass door.

Sino naman kaya ang pupunta dito disoras ng gabi?

Nagtungo ako sa glass door, medyo madilim na din kasi kaya hindi ko masyadong makikita if sino bang sira ulo ang magpupunta ng ganitong oras.

Inabot na ko ng alas nwebe ng gabi kakaayos ng mga gamit sa laundry, bukas din ang dating ng supplies namin kaya kailangan ng maipupwesto para doon.

Pagdating ko sa may glass door ay dahan dahan ko itong binuksan.

Nanlaki ang mga mata ko ng biglang may yumakap sakin.

A First Kiss with a Stranger (GirlxGirl) SPGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon