(2)

12.9K 281 10
                                    

AMBER GRAY MONTEFALCO

Monday nanaman. Hay... Ito nanaman ang pinaka nakakatamad na araw ng pagpasok. Yung kambal ko na si Emerald ay nauna na sakin pumasok dahil alam niyang kapag Monday ay tamad akong pumasok sa School.

Nakahilata pa rin ako naghihintay ng oras na lumipas.

Narinig ko na may kumakatok sa pinto ko.

Tok... Tok... Tok...

"Amber!" mukhang pamilyar ang boses na iyon? Shit si Loraine De leviste. Ang ex ko.

Hindi ako tumayo, tinakip ko lamang ang unan na katabi ko.

"Amber!!!" hala ka. Nagagalit na. Tsk.

Halos sirain na niya ang pinto ng kwarto ko.

Kaya nagpasya akong tumayo na at saka nagtungo sa pinto. Binuksan ko ang pinto ngunit hindi ko siya pinapasok.

"Ano bang kailangan mo Raine?" I asked her. Nakakaistorbo kasi at lalong ayaw ko ng bisita pag Monday.

"Bakit hindi ka pumasok?" sabi nito at aktong tinaasan pa ako ng kilay. Same University lang kami ng pinapasukan. Sa St. Vincent University.

"Wala lang tsaka pwede ba? Ano bang pakialam mo kung di ako pumasok?" Irita kong sabi sa kanya. Badtrip naman oh.

"May paki ako dahil GIRLFRIEND KITA." Talagang inemphasize niya ang salitang GIRLFRIEND HA.

Sa katunayan ay nagbreak na kami a couple of months ago sa kadahilanang sobrang possessive niya. Makakita lang ng babaeng lalapit sa akin ay kakaladkarin na niya saka ito sasabunutan. Ganoon siya kaselosa. Kaya I've decided to break up with her pero patuloy pa rin siya sa pangungulit at pag angkin sa akin kahit na hindi na kami.

"Raine, for how many million times I told you na wala ng 'TAYO'." I said pero kalmado lang ako dahil ayokong maginit ang ulo ko.

"No, hangga't wala ka pang ipinapalit sakin, AKIN ka Amber Gray Montefalco." Sabi nito saka umalis.

Sinara ko na ang pinto saka nagbalik sa kama ko. Nakakainis na talaga ang kakulitan niya!

Dumating pa nga sa punto na may hinire pa siyang spy at nahuli kong sumusunod sakin kahit sa CR ng girls sa Mall just to check if may kasama ako.

Sobrang possessive ni Raine sakin, kulang na nga lang ay igapos niya ako sa kwarto niya para siguraduhin na sakanya lang ako.

Hindi malayong mangyari yon.

Aissssh! Kailangan kong makaisip ng paraan para hindi na niya ako kulitin.

-----

Luke's POV

Narito na ako sa bahay namin, pinaghanda ko ng makakain sila Nanang at Tatang. Kahit pagod ako sa trabaho ay hangga't kaya kong tumulong kila Nanang ay gagawin ko basta hindi sila mapagod.

Nakita ko si Nanang na naghuhugas na ng pinagkainan.

"Nang! Ako na dyan." Pag boboluntaryo ko. Agad ko siyang tinabig sa gilid para ako na ang maghugas ng pinggan.

"Ikaw talaga Luke, hindi ka pa din nagbabago. Ang swerte ko sayo anak." Sabi ni Nanang sakin habang tinapik ang balikat ko.

Napangiti naman ako sa sinabi ni Nanang sakin.

After kong maghugas ng mga plato ay agad ko naman itong iniligpit. Nagpunas na din ako ng mesa at nagwalis sa kusina at sa dining area.

Nakakahiya mang sabihin ngunit maliit lang naman ang bahay namin, hindi siya malamansion na itsura pero pwede ng pagtyagaan para saming apat, si Nanang, Tatang, ako at si Venice.

A First Kiss with a Stranger (GirlxGirl) SPGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon