(47)

707 27 2
                                    

5 years later...

AMBER GRAY MONTEFALCO

Narito ako ngayon sa London, I spent a night in Megan's house. Don't get the wrong idea. I know na si Emerald ang nagmamay ari sa kanya. I'm just here kasi siya lang naman ang malapit na kaibigan ko rito wala ng iba. Though may mga kakilala din ako na nandito, hindi ko rin naman ganoong kaclose.

"Alam ba ni Emerald na pumunta ka dito sa London?" Tanong ni Megan sa'kin habang pinaghahandaan niya ako ng hapunan.

"Syempre naman. Ano ka ba. Magpapaalam muna ako sa kanya, baka dahil pa sa'yo e magaway pa kaming magkapatid." Sabi ko habang nagaayos naman ako ng mesa.

Tumingin naman siya sa'kin ng bahagya, "Napaka mo talaga." Iritang sabi niya.

"Ang tagal mo din hindi nagparamdam samin ha. Tapos may kapal ka pa ng mukha na gulatin ako sa harap ng bahay ko." Dugtong niya. Ako naman ay natatawa sa mga pinagsasabi niya.

"Grabe ka naman sa kapal ng mukha." Mas lumakas pa ang halakhak ko ng irapan niya ako.

"E hindi ka man lang nag email or tumawag man lang sa'kin. Ura urada kang pumunta sis! Nakakainis kaya 'yon." Alam ko na naiinis pa rin siya sa'kin since nung pagdating ko dito sa bahay niya.

"O sige, aalis nalang ako, tutal parang labag sa loob mo na patuluyin ako e." Kunwaring pag iinarte ko sa kanya.

"Nako Gray, tigil tigilan mo nga ako sa mga kaartehan mo. Di na uubra sa'kin 'yan. Punasan mo ang mesa, napaka dumi." Pangaasar niya sa'kin. Napangiti naman ako kasi halata naman na namiss din ako nitong bruha na ito.

Since na magka gustuhan sila ni Emerald ay naging matalik na kaibigan na kaming dalawa. Nakakatuwa lang na mas nag grow na siya ngayon kesa dati.

Simula nang mamalagi ako sa Italy ay naging busy akong tao. Sinadya ko din na hindi magparamdam sa kahit kanino, ultimo kahit sa pamilya ko sa Pilipinas. Gusto kong mag focus sa sarili ko. Gusto kong ayusin lahat sa'kin. 

"Tulala ka nanaman diyan." Sabi ni Meg. "I message mo na kasi." Alam ko kung sino ang tinutukoy niya. 

"Nah, di na, for sure ay galit iyon sa'kin. 

"Di mo pa nga sinubukan i message ganyan agad ang iniisip mo. Parang hindi naman ikaw yung Amber Gray Montefalco na nakilala ko." Pang aasar nito sa'kin. 

"Umay ka naman Meg, wag mo na i-open ang topic na iyon." Naiinis na sabi ko pero may halong pabiro. 

"Okay sige, hindi ko na i-oopen yun. Pero, isang tanong lang." Sabi nito saka kumuha ng isang basong tubig.

"Ano yun?" Balik tanong ko sa kanya. 

"Are you planning to go home?" Seryosong tanong nito sa'kin. 

"What do you mean?" Kunwari ay hindi ko alam ang meaning ng sinasabi niya. 

"Oh, Gray. Come on! Stop playing stupid and answer my question." Atat na sabi niya. 

"For what reason do you think?" 

"Para sa kanya?"

"Sino?"

"Para kay Luke." Sabi nito sa'kin. Walang tigil talaga ang bunganga nito eh. 

"P-para saan pa?" utal na tanong ko sa kanya. 

Ever since na pag tapak ko palang sa italy, never siyang nawala sa isip ko. Lagi siyang pumapasok sa isipan ko kahit na sobrang busy ko pa sa trabaho. Ginawa ko naman lahat para makalimutan siya dahil alam ko na wala na din akkong puang o karapatan sa puso niya.

"Oh diba? Tulala ka dyan." Pangaasar ni Meg sa'kin.

"Ayoko nalang pag usapan kung ano man ang meron pa samin ni Luke. Ako naman ang nangiwan sa kanya so for sure may iba na siya ngayon." Pagkasabi ko noon ay naramdaman ko na parang may nakabara sa lalamunan ko. Masakit isipin sa'kin na baka nga meron na din siyang iba ngayon.

"Sa pagkakaalam ko ay single pa din si Luke." Mas nakaka asar pa ang tono ni Megan nang sabihin niya ang mga iyon sa'kin.

"Pwede ba tumigil ka na. Ano naman kung single siya?" Sabi ko. Syempre napapangiti ako sa loob loob ko ng malaman ko na single si Luke. 

"Kunwari ka pa, for sure gusto mo din naman malaman if kamusta na siya diba? Ikaw ba naman limang taon Amber? Jusko maniwalang di mo nanaiisin na balikan siya." 

Oo, totoo naman sinasabi ni Megan. Gusto ko pa din siyang balikan sa kabila ng mga nagawa ko sa kanya. Pero... May karapatan pa ba ako?

"Kung iniisip mo na may karapatan ka pa sa puso ni Luke, try to think if ano ang magagawa mo to make her back. Ilang taon na din naman diba? Malay mo, she's waiting for you." Paano ba nalalaman ni Megan ang mga ito?

"Teka? Siguro binabalitaan ka ni Emerald about Luke no?" Sabi ko. 

"Malamang, lagi kaming magka chat at video call ni Emerald no." Sabi nito habang tumitingin sa pagkain niya. 

Buti pa sila ni Emerald mukhang nagkakamabutihan ulit. Si Luke kaya? Kapag nakita niya kaya ako ay tatanggapin niya kaya ako ulit?

"Alam mo gray, you've changed a lot, like a lot." Pag amin ni Megan sa'kin. 

"What do you mean?" Sabi ko habang hawak ang tasa ng kape na iniinom ko. 

"You sacrifice your love for Luke, para sa ikabubuti niyong dalawa. Sobrang naging mature ka sa mga decision makings mo and I'm so proud of you for doing all of that for your relationship. Sobrang commited ka na sa isang tao." Alam ko na seryoso siya sa mga sinasabi niyang iyon. Syempre minsan lang naman maging seryoso si Megan sa mga sinasabi niya. 

"Well, iba talaga nagagawa ng pagmamahal. Minsan, kailangan mo din mag paubaya, minsan mahal mo nga siya pero hindi ito sapat para magstay ka sa isang relasyon." Sabi ko habang napapangiti ako. 

"See? Look how you speak. Listen to yourself. Ibang iba ka na talaga Gray." 

"I'm just really happy, na kahit nagkahiwalay kami, hindi man lang nawala sa puso ko yung pagmamahal ko kay Luke. Hindi nawala sa'kin yung sense na, gusto ko siya pa rin ang makakasama ko sa pagtanda. I'm looking forward to be with her again." 

"I just really hope for your happiness." 

Hindi namin namalayan na hapon na pala, masyadong napatagal ang usapan namin. 

Sa tingin ko, this is the right time for me to go home. But I need to fix everything here bago ako umuwi ng Pilipinas.

Luke, wait for me. I'm still here and ikaw pa rin ang nilalaman ng puso ko, ikaw pa rin ang nakikita kong makakasama sa pagtanda ko. Mahal na mahal kita, Luke.

A First Kiss with a Stranger (GirlxGirl) SPGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon