(5)

8.8K 207 4
                                    

LUKE "LUCAS" BELMONTE

Napapatulala ako minsan dahil hindi mawala sa isip ko yung nangyari kagabe. Ang masama noon ay iniwan ako sa kawalan ng stranger na iyon! Kakasura!

Padabog kong inilapag ang bag ko saka nagayos para sa pagpasok ng mga bagong customers namin mamayang hapon, may magpapalaba kasi sa amin na caterers ng iba't ibang linen na ginagamit nila sa Catering kaya mukhang mahaba habang trabaho nanaman ang gagawin namin.

"Kakainis!" iritang sabi ko habangi Rina naman ang nasa counter at ako naman itong nagliligpit ng gamit.

"Huy! Kay aga aga e nagdadabog ka, may problema ka Luke?" Aalang tanong sakin ni Rina haang mariing nakatitig ito sakin.

"Nakakainis lang, hays nako Rina ayoko munang pagusapan, naiirita lang ako pag naalala ko." Sabi ko saka bumalik na pinagkakaabalahan ko.

Dumaan ang hapon at hindi pa din kami nataapos ni Rina sa paglalaba ng mga Linen.

Habang nilalagay ko ang mga linen ay akto namang napatulala nanaman ako sa nangyari kagabi.

Hindi ko maiwasan na balikan iyon lalo na't first kiss ko iyon. Malamang sa malamang e hindi ko maiiwasang balik balikan ang mga ala alang kanina pa bumabagabag sakin.

Nabasag lang ag katahimikan ng biglang magsalita si Rina sa tabi ko. Kasama ko kasi siyang tumulong sa Paghahanda ng labahan.

"Luke?" alalang tanong ni Rina sakin.

"Bakit?" mataray na tanong ko.

"Aww... Kailan ka pa nagsungit Luke ha? May problema ba?" sabi niya habang nakatingin ito sakin.

"Hmmm.. wala naman." Sabi ko sabay balik ng sigla ko sa trabaho.

"Hmmm... Okay." Sabi niya at bumalik na din siya sa pagsisimsim ng labahan.

****

Mga ilang minuto pa ay natapos din kami sa pagsisimsim ng Labahan, nakakapagod. Baka gabihin pa kami dahil madami dami ito.

Aktong nag vibrate ang phone ko at agad ko itong kinuha mula sa bulsa ko.

Pinindot ko yung screen at aktong lumabas naman namay nagtext. Binuksan ko yung text at nagtaka ako na isang Unknown number ang nagtext sakin. Sino naman kaya ito?

"Hi Luke :)" with smiley pa ha.

Nagreply naman ako.

"Sino to?" agad kong kinlick ang send button.

Wala pang ilang minuto ay nagreply agad ang Unknown Number na iyon.

"Emerald Here :)" mahilig ba talaga siya sa Smiley?

"Emerald?" sinong emerald?

"Yung pinagdalhan mo ng mga clothes Last time. At unit 1604" tugon nito.

"Ahh. Hi, akala ko nagbibiro ka lang nung kinuha mo yung cp number ko at itetext ako." Sabi ko.

"Hindi no. Sabi ko naman sayo e itetext kita diba? ;)" tugon naman nito. Teka? Is she flirting with me?

"Ahh." Maikling reply lang ang tinugon ko sa kanya.

Imbis na magreply siya ay nagulat ako sa ginawa niya. I just saw my phone at the table, ringing and it's Emerald.

Nagdadalawang isip ako kung sasagutin ko ba yung phone o hindi.

"Huy! Kanina pa yata yan nagbavibrate ha? Wala ka bang balak sagutin yan Luke?" sabay sabat naman nitong si Rina. Para akong hihimatayin sa gulat.

A First Kiss with a Stranger (GirlxGirl) SPGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon