Chapter Twenty One

10.4K 284 106
                                    

Patuloy ako sa pag-iyak habang unti-unting pinupunit ng lalaki ang suot 'kong damit.

*BOOGSH

"JEZ!!" malakas na pagtawag ni Marie sa pangalan ni Jez kasunod ng unti unting pagluhod ng duguang lalaki sa harap ko.

Napahawak siya sa kanyang ulo at nakita ko sa kamay nya ang umaagos na dugo.

"POTANG INA! PAPATAYIN KITA!" galit na galit ang boses ni Jez na may hawak na basag na bote ng alak, iyon ang pinampalo nya sa ulo ng manyakis na lalaki.

Hinila nya ang duguang lalaki palayo sakin at tinulak. Dahil parang nahihilo pa ang lalaki ay agad syang natumba.

"Oh my gad! JEZ STOP!" narinig kong suway ni Toneth. Nanginginig ako sa takot.

Ngayon ko lang nakitang ganito kagalit si Jez.
Nakita kong sasaksakin ni Jez ng basag na bote ang lalaki pero hindi ako makapagsalita at makagalaw.

"JEZ! KUMALMA KA!" mabilis na niyakap ni Gio si Jez para awatin bago nya tuloyang masaksak ang lalaki.

Pinatayo din ni Dennis ang duguang lalaki at nilayo kay Jez na ayaw pa rin papigil kay Gio.

"J-Jez.." mahinang tawag ko sa kanya na nangangatog pa rin dahil sa mga nangyayari.

Tumigil naman siya sa pagpalag kay Gio at binato sa gilid ang hawak na bote bago lumapit sa akin.

"I'm sorry, Klaisse." niyakap niya ako ng mahigpit, rinig na rinig ko ang mabilis na pagtibok ng puso niya.

"B-Bakit ngayon ka lang?" naiyak na tanong ko sa kanya. Sobra akong natakot pero mas lamang sakin ang sakit na isipin na sumama siya kay Zaira.

"I'm sorry. Pinakalma ko pa si Zaira. I'm sorry. Hindi ko alam na mangyayari ito, mahal. I'm so sorry.." paulit ulit na paghingi niya ng tawad.

Hanggang sa naramdaman ko ang pagkabasa ng balikat 'ko na siyang pagyugyog ng balikat niya.

Bahagya ko siyang nilayo sakin para makompirma kung naiyak siya. And yes, she's crying like a baby.

"Jez, i'm fine now. Wag ka na umiyak." pag-aalalo ko sa kanya habang pinupunasan ang luha niya.

Umiling iling naman sya, muli niya akong niyakap at mariing hinalikan ang ulo ko.

"You need to change your dress." bulong niya sakin, dun ko lang napagtanto na nasira pala iyon at medyo lumalabas na ang kanang bahagi ng bra ko.

"Jez" tawag ni Toneth kay Jez at inabot ang jacket na suot niya kanina.

"Thank you." tipid na sagot nya pagkatanggap sa jacket.

Nakatitig lang ako kay Jez habang sinusuot niya sa akin yun. Ibang iba ang awra niya ngayon. Sobrang seryoso niya na nakakatakot na.

Pagtapos niya isuot ang jacket sa akin ay tinago niya ako sa likod nya at humarap sa mga nakiki-usyoso.

"Walang sinoman may karapatang lumapit kay Klaisse. Lalo na ang hawakan siya. Akin lang siya, naiintindihan niyo?" anunsyo niya na walang sinoman ang nakasagot.

"Let's go." nagsimula na syang naglakad habang nakayakap pa rin ako mula sa likod niya at tinatago ang muka ko sa mga tao.

Pagkasakay namin sa kotse ay dun ko lang napansin na nalaglag ko pala ang salamin 'ko. Napalingon ako kay Jez para sana sabihin pero nakita ko ang likod ng kamay niya nagdudugo.

"Jez, yung kamay mo." nag-aalalang tukoy ko dito pero diretso lang ang tingin niya sa daan na parang di ako naririnig.

"Jez, kailangan natin gamutin yan. Baka ma-infection ka." di pa rin siya kumibo sa akin.

My Maniac BestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon