Kahit madilim ay nakita ko ang paglikot ng mata ni Jez. Tapos kumakamot siya sa iba't ibang parte ng katawan niya, sa batok, sa siko, sa palad at ilong.
Napabuntong hininga ako at hinawakan ang kamay niya para magtigil siya.
"Calm down.. Nagtatanong lang ako, kahit ano maging sagot mo tatanggapin 'ko." malumanay na pahayag ko at bahagyang piniga ang kamay niya.
"Nahihiya ako." mahina at halos di ko narinig ang sinabi niya.
"Nahihiya ka? Nung inangkin mo nga ako, di ka nahiya." pambabara ko sa kanya.
Yumakap siya sakin at siniksik ang ulo niya sa leeg ko.
"Iba naman yun." bulong niya pa rin.
Napabuntong hininga ulit ako.
"Sige, ayos lang. Baka di ka pa handang sabihin. Baka di ka pa sigurado." mabilis siyang umagwat sa akin at umiling iling.
"No. I'm so sure." mariing tutol niya.
"Sure on what?" taas kilay na tanong ko.
"Eh kasi! Yan ganyan lagi yung muka mo. Para kang laging galit at nagtataray sa akin. Natatakot tuloy akong umamin. Kapag sinusubukan kong may sabihin sayo na nakakakilig para kang nadidiri" parang batang maktol niya.
"Normal na muka ko ito." pagdadahilan 'ko. Lumabi naman siya.
Napangiti ako at marahang dinampian ng halik ang labi niya.
"C'mon Jez. You can do it." pagpapalakas ko ng loob niya.
Niyakap niya ako at nakatinging ngumiti sa akin.
"Sabay tayo.." suhisyon nya na parang yun na pinaka-magandang ideya na naisip niya.
"Okay." pag-sang ayon 'ko.
"3 words ha?" paninigurado nya na tinangoan 'ko.
"Game. 1.." pagsisimula nya ng bilang. "2.. 3.. I love you!!"
Nagpipigil ako ng tawa na nakatingin lang sa kanya. Para siyang nalugi ng hindi ako sumabay sa kanya.
"Wahh!! Scam ka! Sabi mo sabay tayo!" parang bata syang dinaya 'ko.
"Ano sabi mo?" seryosong tanong ko pa rin.
Siniksik nya ang ulo sa leeg 'ko.
"Aww!" daing ko ng maramdaman kinagat niya ako.
"That's your punishment for tricking me!" asik niya na kinatawa 'ko.
"Hahaha isa pa nga, Jez.. Aww.." muli niya na naman akong kinagat.
"Sabi mo isa pa. Hehehe" tumatawang aniya, pinalo ko naman sya ng mahina sa braso.
"Hindi yung kagat! Yung sinabi mo kanina, yung 3 words." panunudyo ko sa kanya.
Masaya lang talaga ako at di ko alam paano aakto sa nalaman ko.
"Ih! Nasabi ko na eh!" reklamo niya.
"Dali na, isa pa." humigpit yakap nya sa akin at paglalim ng hininga niya.
"Mahal kita, Klaisse." she mumbled. Enough for me to hear it.
Enough to make my heart flip.
"Mas mahal kita, Jez." tugon ko sa kanya.
Natigilan naman siya at marahas na umagwat sa akin at tinitigan ako sa muka.
BINABASA MO ANG
My Maniac Bestfriend
Любовные романыI'm Klaisse Tanaga, i have a bestfriend named Jezriel Del Valle. We've been friends since we're ten. We both don't have a choice but to be friends. Our parents are business partner slash bestfriends. Sobrang laki ng pinagkaiba namin ni Jezriel. She'...