Naging maayos takbo ng relasyon namin ni Jez. Nang malaman ng pamilya namin namamagitan samin, kulang na lang magpa-party sila sa sobrang saya.
Hindi namin sinasabi sa iba ang relasyon namin pero di rin namin tinatago. What they see is what they get.
Simula ng gabing iyon ay lalong hindi na kami mapaghiwalay ni Jez. Kung nasaan ako, nandun siya.
"Finally!! It's vacation time!" tuwang tuwa si Jez ngayon dahil last day ng class namin at Christmas break na.
"Parang lagi ka namang vacation mode." bara ko sa kanya habang nakatingin lang sa daan. Nag-ddrive kasi sya.
Pauwi kami ngayon sa Mansion nila, halos doon na ako nakatira dahil ayaw niya ako pauwiin. Kung uuwi naman ako bubuntot din sya sakin kaya walang maiiwan kay Veer maliban sa mga katulong kaya ako na nag-adjust. Wala naman akong maiiwan sa bahay dahil lagi din naman wala si Mommy.
"Uy, nag-aaral naman ako." nakalabing depensa niya.
"Iba ang napasok sa school sa nag-aaral, Jez." pagpupunto ko sa kanya.
Parang lalo kasi siyang naging tamad ng magkaroon kami ng something. Wala na siyang ibang ginawa kundi sundan ako, but i'm not complaining tho. Nag-aalala lang rin talaga ako sa pag-aaral niya.
"Nag-aaral nga ako! Kapag nasa klase ako nakikinig naman ako.." napa-irap na lang ako. I doubt that, kahit nasa klase siya tinitext nya pa rin kasi ako.
Sobrang clingy nya at possessive!! Walang miski isang nakakalapit sa akin dahil sa kanya, inaaway niya agad.
Tulad na lang ni Renz. Personal niyang pinuntahan ito para kunin ang mga libro kong pinahiram at pinagsabihan niya na wag ng lalapit sakin. Kaya ayun di na talaga nalapit sa akin.
Pagdating namin sa Mansion nila ay sinalubong kami ni Veer.
"Ate Klaisse!!" tumatakbo siyang yumakap sakin.
"Look, i bought a new dress for Christmas Eve! Mommy told me na sa El Nido daw tayo mag-christmas!" umikot pa siya sa harapan ko para ipakita ang suot suot nya na bagong damit.
"Ang pangit mo Veer!" tudyo naman ni Jez sa kanya.
"Shut up! I'm not talking to you!" asik sa kanya ng nakababatang kapatid.
"Hmm. Wag mo na sya pansinin, maganda, bagay sayo." tukoy ko sa red dress na may white lace na suot niya. It fitted her well.
She let her tongue out to Jez. I softly laugh, they're the cutest siblings i know.
"Naniwala ka naman kay Ate mo Klaisse! Sinungaling yan!" nilingon ko naman siya at sinamaan ng tingin.
"Kailan ako nagsinungaling?" nakahalukipkip na tanong ko sa kanya.
"Palagi! Tuwing sinasabi mo na hindi mo 'ko magugustohan hehehe" inirapan ko naman siya at tumalikod sa kanya.
"I still don't like you tho." bulong ko pero alam kong narinig nila yun.
I smiled at Veer and tap her head. She smiled back at me and i started to walk upstairs. Mabilis namang humabol sakin si Jez.
"Uy, akala ko ba mahal mo ko?" parang batang tanong niya.
Lagi siyang parang nag-ddoubt na mahal ko siya.
"Oo nga." tipid na sagot ko.
"Bakit sabi mo di mo ko gusto?" may pagpadyak pa siya ng paa niya habang hinaharang ako sa paglalakad.
BINABASA MO ANG
My Maniac Bestfriend
RomanceI'm Klaisse Tanaga, i have a bestfriend named Jezriel Del Valle. We've been friends since we're ten. We both don't have a choice but to be friends. Our parents are business partner slash bestfriends. Sobrang laki ng pinagkaiba namin ni Jezriel. She'...