Chapter 5

2.5K 75 0
                                    

Chapter 5







Drew was so quiet inside the car while they were on their way to her apartment, his apartment na pala because he recently bought it to her previous landlady, meaning to say magiging landlord na niya ito? Bakit ba ang hirap basahin ng lalaking ito?

"Drew?"

"What?" He didn't mind looking at her.

"Do you think you were so impulsive in buying the apartment?"

"why?"

"Ah, wala ka namang mapapala sa pagbili nun, di ba? Di naman siya bago, I mean, the place is not that strategic for business."

Biglang preno nito ng kotse.

"I don't want you to question my decision Stephanie Jane." He said in his serious tone again. Nakakatakot ito sa ganoong tono.

Napayuko siya, why is he so domineering?

"Sorry."

"Look, I am sorry to be like this, but I don't like to see people underestimating other people just because of lack of money. You see, I don't like your landlady, she pissed me, so to shut her up, I bought her apartment."

"But."

"No buts Stephanie Jane. I don't need the apartment so it will all be yours." Balewalang sabi nito.

"No. I can't accept it."

"Why? You didn't accept my condo, now you won't accept the apartment?"

"Please Drew."

He took a deep breath before starting the car again. "Ok, accept it as a loan."

"Pero."

"no more pero."

Inihatid lang siya nito pauwi then umalis na agad. Pagod na naupo na lang siya sa sofa. Anong klaseng lalaki ba si Andrew Louie Monteverde? Masyado itong demanding, impulsive, but...sweet.

****

Tinanghali siya ng gising. Wala na nga pala siyang trabaho, at ngayon kailangan niyang maghanap ng mapapasukan, ayaw niyang umasa sa suswelduhin niya kay Andrew, saka hindi naman pangmatagalan ang magiging trabaho niya rito, anytime pwedeng i-terminate ang contract. Marami pa siyang babayaran, dinagdag pa ang apartment na ito.

Naiinis na talaga siya sa nangyayari sa buhay niya. Naiinis siya sa mga magulang niya, bakit ba kailangang maghirap siya ng ganito? Kung tutuusin kaya niyang humiga sa pera, literally, pero mas titiisin na lang niyang maghirap kesa sumunod sa mga magulang at maging impiyerno ang buhay niya.

Tinawagan niya rin ang kaibigang si Daisy tungkol kay Andrew at sa pagbili nito ng apartment. Maloka loka ito sa kakatili. Kung wala lang itong boyfriend, iisipin niyang naglalandi ito kay Andrew.

Nakatanggap naman siya ng text message sa kaibigan, may kilala raw itong nangangailangan ng isang cashier. Pwde na, wala naman siya actualling pinipiling trabaho, basta pwde siyang magkapera. Magpapasa siya ng resume niya run, kasama na rin sa iba pang opisinang may job vacancy.

Mabuti na lamang pala at may di nagalaw ang niluto niyang pagkain kagabi, may kakainin siya ngayon, tinatamad kasi siyang magluto.

Inuna niyang puntahan ang mga recommendations ng kaibigan. Ok naman ang naunang tatlong kumpaniyang pinag aplayan niya, may isang direct interview na siya. Nag apply na rin siya sa ilang call centers, kahit nakakapagod ang trabahong yan ay pwde pa rin pagkakitaan.

Tatawid na sana siya para kumain dahil meron pa siyang interview sa isang company ng biglang may humintong bagong-bagong BMW sa harap niya. Si Andrew Louie.

"Hop in." Seryosong utos nito.

Bakit ba madalas na silang magkita nito. "Where are you going?"

"I'll take my lunch."

"I thought you are working in...I forgot the name of that company, what are you doing there?"

" I actually don't have work anymore." She casually said. Bakit ba siya mahihiya, kasalanan niya bang nagkaproblema ang kompaniyang huli niyang pinasukan?

"So, you're doing job hunting?"

"yes."

"Aren't you working for me already?"

"Drew, that's a different story."

Napabuntong hininga ang binata. Nakalimutan niya bang matigas pala ang ulo ng kaharap.

"Work for my company then."

"Thanks, but no thanks. I wanted to work in another company. I mean, it's not that I don't like to work with you, but I need to prove myself by not depending too much from anybody. I mean, I hope you understand."

Matigas nga talaga ang ulo, at mapride pa.

"Bahala ka. Sumabay ka ng kumain sa akin."

"Libre?"

"Silly. Of course"

"Basta, not in that Japanese food again na walang ibang tao kundi tayo."

"Buti sinabi mo. I should have bring you there." Patawa nito.

Poker face si Stephanie

Pero di sila sa Japanese restaurant tumuloy, kundi sa isang mansion!

"Welcome to my house!"

"Bakit tayo narito?"

"You don't like Japanese restaurant, right? So, I guess, you need to taste the food prepared by Manang Melda, may cook."

He got her hand and clasped it with his hand. Holding hands sila.

"Louie, siya ba ang itinawag mo sa akin." Isang friendly na matanda ang lumapit sa kanila.

"Yes Manang. This is Steph, my girlfriend, Honey, this is Mang Melda. I'm sure, you'll love her food."

"Magandang tanghali po Manang."

"Kagandang bata, siya na ba ang ikinukwento mo sa akin, Iho?"

"Opo Manang."

Ikinukwento? Bakit? Bago lang naman sila nagkakilala ni Andrew ah. May kuwento na agad ito?

"Nakahain na ang pagkain iho, iha, sana magustuhan mo ang mga niluto ko ha. Maiiwan ko na muna kayo."

"Drew, wala ka namang pasabi na pupunta tayo rito."

"relaks, kami lang ni manang at ang mga katulong ang narito."

Sila lang? O, ang binata lang? Malungkot ba ang buhay nito na nag-iisa lang sa napakalaking bahay na to?

Tama nga na sila lang, dahil dadalawa lang silang kumain.

"Kung hindi ba ako sumama, sinong kasama mong kakain?"

"I will be alone." Kampanteng sagot nito.

"Nakakalungkot naman."

"I was alone since then Stephanie, this is not new to me. Ang hindi ako sanay ay yung kasama ka."

Ngumiti ito. "This is the second time around that you were with me during meals, and honestly, I like the feeling."

She gasped!

The Hired Girlfriend Of Billionaire Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon