Chapter 11

2.2K 62 0
                                    

Chapter 11







"Mr. Monteverde!"

"Drew!"

Nagulat silang dalawa sa biglang pagsulpot nito.

"I am just helping him in..."

"It's his job, Steph, and I'm paying him for that." Magkasalubong pa rin ang mga kilay nito.

"Drew!"

"I'm sorry, Hiroshi."

"Why are you saying sorry to him, Stephanie." Dumagundong na ang boses nito sa buong kusina.

"Ano bang problema mo ha, Drew?"

Nag excuse si Chef Hiroshi sa kanila. Alam niyang umalis na ang mga ito. "Ano ba ang problema mo, Drew ha? Wala namang ginagawang masama ang tao sa yo?"

"Kumain ka na." He just ignored her question.

"ikaw ang kumain niyan kung gusto mo. Hindi sa lahat ng oras at sa lahat ng bagay nasusunod ka Drew, take note of that." Magmamarcha nasana siyang paalis nung nahagip nito ang braso niya. Hinila siya nito paharap sa kanya. Bigla siya nitong niyakap, dahil matangkad ito ay hangang dibdib lang siya. Dinig na dinig niya ang malakas na tibok ng puso nito.

Hindi niya alam kung ilang segundo rin silang ganun bago ito nagsalita. "I just don't like seeing you with other men, Stephanie."

"Why?" Yun lang ang nasabi niya.

Humiwalay ito saglit sa kanya bago yumuko at hinalikan siya. It was just a short kiss but mind blowing, sino ba naman ang hindi mawiwindang sa halik niya.

"I will really try not to be bossy when you're around Steph. I'm..I'm sorry."

Bumuntong-hininga na lang siya, this person in front of her might be complicated but she wanted and will try to understand him. Siguro sa ikli ng panahon na nakasama niya ito, alam niyang may nabago sa sistema niya. Konting lambing lang nito, nawawala na kung anumang tampo meron siya.

"Let's eat? I'm really starving Steph, wala akong kain sa kaaantay ng text message o tawag mo." Binuhat nito ang upuan para makaupo siya bago ito umupo. Ang sweet at ang gentleman lang talaga. Parang ang sarap isipin na nagkakagusto na ito sa kanya, o sadyang ganito lang siya sa lahat ng mga babaeng kasama niya.

Nanood muna ito ng T.V kasama siya bago umuwi, bago nga ito umalis ay nag-iwan pa ng isang halik kaya tuloy hindi siya makatulog ng gabing yun. Naiisip niya si Andrew at ang kontrata nila. What if ma in - love siya kay Andrew, anong mangyayari, o siya sa kanya? Ano ba kasi itong pinasok niya?

****






Andrew Louie Monteverde

CEO

Monteverde Group of Companies







Nakatitig siya sa papel na hawak niya ngayon. Akala ng iba napakadali niyang makuha ang posisyong yun, akala ng iba porke siya ang panganay na anak ng mga Monteverde ay agad na ibinigay ito sa kanya, nagkakamali sila. He started from scratch, he started from the lowest position. Ilang taon din siyang naging acting CEO ng kompaniya bago ito ibinigay sa kanya pagkatapos ng isang pangako.

Nung una ay nagalit siya sa kondisyon ng ama sa kanya para pamahalaan ang kompaniya nila, nagalit siya dahil mamanipulahin na naman siya nito. Pero kung hindi niya gagawin, sino ang gagawa? Ang dalawa niyang kapatid? Ayaw niyang maranasan ng mga ito ang buhay na mayroon siya, kaya nga wala sila sa Pilipinas, kaya nga pinilit niyang kumbinsihin ang Mama niya na tumira sila sa ibang bansa. Ayaw man niyang mahiwalay sa mga ito, wala siyang magagawa.

The Hired Girlfriend Of Billionaire Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon