Chapter 43
Nung pumasok siya ay agad na hinanap ng mga mata niya si Stephanie. Nakita naman niya ito agad pero biglang nag-init ang ulo niya nung makilala kung sino ang kausap nito.
Si Gonzales!
Mas lalong nag-init ang ulo niya nung nakita niyang kinuha nito ang kamay ni Stephanie at akmang hahalikan.
"Just don't you dare do that Gonzales!"
Both Stephanie and Gonzales looked at his direction.
"Andrew?" Gulat na gulat si Stephanie. Walang pasabi ang lalaking ito na darating ito ngayon. "What are you doing here?"
Anak naman! Pagkatapos niyang mamiss ang babaeng ito every minute of the day, tatanungin siya kung ano ang ginagawa niya rito. Dahil ba kaharap nito si Gonzales.
"Oo nga naman, Monteverde, ano nga ba ang ginagawa mo rito?" Asar ni Gonzales na nakangisi pa.
"Mag popropose." Walanghiya! Ano bang nasabi niya. Kung nandito si Clyde malamang nabatukan na siya.
"Ano? Proposal?" Natawa si Gonzales. "Marriage proposal?" Asar ni Gonzales.
Lintek!
"Yes! Marriage proposal. That woman in front of you is soon to be my wife, she's the mother of my children. She's the one I wanted to marry and be with for the rest of my life. She's the love of my life! And dammit Gonzales, will you please back off! Don't anymore push your luck on Stephanie."
Nanlaki ang mga mata ni Stephanie na nakikinig sa kanila, akala ba nang mga ito wala siya sa harap nila. And he is proposing? Bakit si Gonzales ang kausap niya? Nakakainis! Magpo-propose tapos ganito ka epic fail? She walked out. Nakakadalawang hakbang pa lang siya nung biglang hinabol siya ni Andrew.
"Steph, I'm sorry. This guy here ruined my patience!"
"Ewan ko sayo, Drew! Magsama kayong dalawa, diyan ka mag-propose!" Naiinis siya pero at the same time kinikilig. Sino ba naman ang hindi kikiligin, eh nalaman niya ang bipolar na lalaking ito na matagal na niyang mahal at ama ng mga anak niya ay mahal rin siya at balak siyang pakasalan. Pero sino naman kasi ang maiinis dahil wala man lang ka sweetan kung magpropose, sa harap pa ni Gonzales sasabihin.
Napakamot ng ulo si Andrew. Kailangan na talaga niya ng tulong. Biglang nagsalita ang emcee.
"Ladies and gentlemen, before we will continue our party, let's stay on our place first, let's watch a simple presentation for our one and only Stephanie Jane Reyes."
Napatigil naman si Stephanie, hindi niya ito alam ah. Biglang nagsalita ang bestfriend niya sa si Daisy, Teka, hindi pa nga pala niya nakikita ang bruhang yun, ang alam niya nandito ito kasama ang boyfriend na si Cyrus.
"Hi Steph! Surprised! I'm just happy of what is happening in your life now, I know that you deserve it, you deserve to be happy for there are a lot of people who love you, lalo na ang isang taong kung bulabugin kami ni Cyrus ay wagas dahil lang sa gabing ito. I wish you all the luck Steph and I love you."
Ang sumunod ay ang Mommy niya.
"Steph." Grabe naman ang Mommy niya, kakaumpisa pa lang umiiyak na. "I am so happy anak because finally, everything is settled, I know you had been to a lot of trials, heartaches, but I know that after this, everything will be okay. Alalahanin mong nandito lang si Mommy sa tabi mo. I will be here for you and for the kids."
Sumunod sina Yaya niya at Cyrus, panghuli si Clyde na instructions yata ang ibinibigay.
"Steph, this is kinda rush, kaso we can't do anything dahil ang walanghiyang Drew mo, halos pagbabantaan ang buhay naming dalawa ni Cyrus. He cannot anymore wait raw, imagine mo, dalawang taon nga sinayang niya pagkatapos araw lang ang hihintayin hindi pa magawa." Nagtawanan ang mga nanonood.
BINABASA MO ANG
The Hired Girlfriend Of Billionaire
RomansaStephanie Jane Reyes the only daughter, a stubborn, brat, umalis siya sa puder ng kanyang pamilya, her Bestfriend Daisy is offered him to be hired girlfriend of Andrew Louie Monteverde The multi-billionaire, dahil sa naghahanap ito ng trabaho bakit...