Chapter 22

1.9K 56 0
                                    

Chapter 22


..

"SINO si Alejandro Gonzales?" Ibinigay ni Zack ang papeles sa kanya. Nandun lahat ng impormasyong kailangan niya. Isang napakalaking larawan ni Alejandro ang laman nito at ilang papeles. Napakunot noo siya, bata pa pala. Ang inaasahan niya ang isang matandang hukluban ang magkakainteres kay Stephanie. Hindi naman pangit, mukhang may sinasabi at mukhang hindi nalalayo ang edad sa kanya.

Nagkita na ba sila ni Stephanie? Bakit hindi siya nagkagusto rito? Mukha namang habulin ng babae.

"Isa siyang businessman, katulad mo rin Louie. Masyadong tuso at marunong maglaro, sa galing niya, literal na laman siya ng pasugalan, laman ng mga casino. Hindi alam ng mag-ina na nalulong sa sugal Florante. Alam natin yang pareho di ba? Kaya nga nagkaproblema siya sa company niya, napunta sa atin yung isang ibinenta. At lam natin ngayon na unti-unti siyang bumabangon. Pero ang plano, hindi na niya magagawa yun."

"Paanong nagkainteres siya kay Stephanie?"

"Louie, I know you are aware that Stephanie is damn hot!" Tinignan ni Andrew ng masama si Zack. "Easy, hindi mo ako kaaway, napaghahalata ka." Tumawa pa ito.

"Shut up!"

"Oo na, kahit sino Louie magkakainteres kay Stephanie. You know men! Hindi malayong ganun din si Alejandro Eh pakipot yang chicks mo, hindi yata nagkainteres sa kanya, yung theory ko Pare, hindi matanggap ni Alejandro yun."

"Then kailangan niya talagang tanggapin. Hindi para sa kanya si Stephanie." Nakasimangot na sabi niya.

"Louie, are you sure you are not in love with Stephanie?"

Tinignan niya ulit ng masama si Zack. "I'm not in the mood, Zack. Alam mong hindi ako naniniwala jan."

Tumawa lang si Zack, alam niyang pikon na si Louie sa itsura pa lang nito, pero alam niyang hindi naman ito pikon lalo na at pagdating sa babae. "Sinabi mo eh, ako, payong kaibigan lang Louie, mahirap kapag sa huli mo na aminin sa sarili mo yan, pagkatapos malalaman ni Stephanie ang pinaggagawa mo, baka luluhod kang papunta sa kanya." Dagdag asar niya.

"No way! Kung wala kang magandang sasabihin, Zack, umalis ka na."

"Bye Louie, yung puso mo, baka hindi na kilala ng utak mo. Hahahaha!" Binato niya ito ng ball pen pero nakalabas na si Zack.

Muli niyang tinignan ang larawan ni Gonzales, kailangan niya itong makilala, hanggang ngayon ay may interes pa pala siya kay Stephanie. Maruming maglaro ha, tignan natin kung sino sa kanila ang mas magaling.


NASA isang kilalang casino siya ng Gen.san, ayon sa informant niya, dito naglalagi si Gonzales, titignan niya ang galing nito. Agad na nahagip ito ng mga mata niya. Nakaupo ito sa mesa at nagsusugal. May kinausap siya sa loob at ilang sandali pa, magkaharap na sila.

Mukhang aburido ang kaharap, inaalat yata. Ilang sandal pa ay naglaro na sila, hindi sa pagyayabang pero magaling siyang magsugal, sugarol ang Daddy niya, madalas siya nitong kasama noon. Siguro magaling lang itong magdala kaya hindi natulad kay Florante. Siya naman ay hanggang aliw lang, bibihira lamang.

Ngumisi ito sa kanya. "Not all for you, brod." Sabi pa nito sabay baba ng kanyang baraha.

Siya naman ang nagbaba ng baraha niya, nagulat ito dahil talo pa rin siya.

"Anak naman ng tinapa! Minamalas ako ngayon ah. Kaka upo mo pa lang sayo na lahat napunta."

"Sadyang masuwerte lang siguro ngayong gabi. Andrew Monteverde, pare." He extended his hand.

"Alejandro Gonzales. Bago ka rito ano? Ngayon pa lang kita nakitang pumasok." Umupo ulit si Gonzales at nagsimula ulit silang maglaro.

"Oo, galing akong Manila, naghahanap ng mapaglilibangan."

The Hired Girlfriend Of Billionaire Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon