Chapter 17

1.8K 55 0
                                    

Chapter 17

Stephanie was just wearing a simple black evening gown. Everybody looked stunning. Hinahanap ng mga mata niya ang mga kaibigan.

Nauna niyang nakita si Ace who looked good in his three piece suit, he smiled when he saw her. Agad itong lumapit sa kanya.

"Stephanie, I'm glad you're here. You look good." Makikita sa mga mata nito ang paghanga.

"Thank you, you look gorgeous too."

"You don't have a date?"

Pupuwede kasing magsama ng date sa gabing yun, nasa memo pa nga. Ngayon kasi magpapaalam ang dating may - ari ng company at ipapakilala ang bagong papalit sa kanya.

"Nasaan si boyfriend mong galit yata sa mundo?"

"Sira! Wala, medyo busy sa work. Ikaw?"


"Really? Pareho pala tayong walang date, so tayo na lang ngayong gabi." Pabiro nitong sabi.

Ewan ba niya, kahit pabiro ito, hindi naman siya na offend, masyado kasing masayahin at mukhang mabait si Ace kaya parang at ease siya rito.

"You want something to eat?" Bago pa siya nakasagot ay lumapit na sina Jenny at Lisa, nag excuse naman si Ace para kunan siya ng makakain.

"Steph, you know him pala?! As in he's my ultimate crush here!" Si Lisa.

"Lahat naman yata ng guwapo, crush mo Lisa." Pang - aalaska ni Jenny sa kanya.

"Pero Steph, he's a cool guy, ang bait pa nun." Di nga pala niya naikuwento ang nagyari sa kanya nung gabing iyon, mabuti na lang nung nagkita sila, wala na yung pamamaga ng labi niya.

Tulad ng dati, ngiti lang ang isinagot niya sa dalawa. Dumating naman agad si Ace at tulad ng inaasahan may dala na itong finger foods para sa kanila.

"Girls, I know he is familiar to you dahil iisa lang naman tayo ng company, but I'd like to formally introduce to you Ace Llamados from the finance department, Ace these are my friends, same department kami, this is Jenny and this is Lisa. Both are single." Pahabol pa niya, at ang mga bruha, halatang kinilig.


Sabagay, guwapo naman talaga si Ace, di kataka-takang maraming babaeng sa kanya nakatingin ngayong gabi.

Tuwang-tuwa na nakipagkuwentuhan si Ace sa kanila. Maya-maya pa ay nagsalita na ang emcee.

"Ladies and gentlemen, may I have your attention please. The reason why we are here is for us to hear a message from the person behind this company, the person who started everything....blah..blah..blah..

Tinawag na nito ang dating may-ari ng kompanya na ngayon niya lang din nakita. Di naman talaga katandaan, ang sabi pa nito, kailangan niya raw talagang ibenta ang company dahil lilipat na sila ng ibang bansa because of so many reasons na hindi naman nito binanggit, nevertheless, meron naman raw nag magandang loob na bilhin ito sa napakagandang halaga at nangakong walang tatanggaling empleyado maliban na lang kung may ginagawang anumalya.

"Ladies and gentlemen, let's give the loudest and the warmest applause to our new CEO, Mr. Andrew Louie Monteverde!"

Nakatanga si Stephanie, kasama ng mga kaibigan niya, maging si Ace.

"Oh my god!" Si Jenny.

"Shit!" Si Lisa.

"What the hell!" Si Ace.

Wala siyang masabi. Totoo ba ang narinig niya at nakikita niya? Totoo nga, kahit nakailang kurap na siya, si Andrew nga ang nasa stage, seryosong nakatingin sa kanila. Hindi niya alam kung galit ba o kung ano ang nararamdaman nito ngayon, basta siya, hindi pa makapaniwala. Wala naman itong sinasabi sa kanya, knowing the fact that he knew where she work.

The Hired Girlfriend Of Billionaire Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon