Chapter 21

1.8K 57 0
                                    

Chapter 21







"Good news Louie! Nakuha na natin ang isa sa mga pinagkakatiwalaang tauhan ni Florante, ginawa ko na yung suggestion mo."

"Good, see to it that they will not know who am I. Ibang klase ka ring magtrabaho, Zack"

"basta para sa pamilya, nag-o-open na nga po pala ng sabay yung tatlong branches natin ng Japanese restaurant sa tabi nila, bibisitahin mo pa ba?"

"Yes I will, just see to it that everything is ironed out when I get there, I don't want problems."

"Oo naman Louie, nakuha na natin yung isa sa mga kompanya niya, magsisimula na ang kompetisyon na sigurado namang talo si Florante."

"Ikaw na muna ang bahala Zack, I might be there tomorrow or the next day."

"DAD?" Hinahanap ni Stephanie ang ama, balak niya kasi itong kausapin about their business, kung pupuwede sana siyang bigyan ng kahit isang taon man lang para magtrabaho sa iba, after that pag-aaralan niya ang lahat ng pasikut-sikot sa negosyo.

Binuksan niya ang pinto ng library, madalas kasi dito ito nagtatrabaho. Nakita niyang may kausap ito sa cell phone. Aalis nasana siya when he overheard her name.

"Not Steph, not my daughter. You know that I changed my mind, I cannot give you to her. That was before, Gonzales."

Bigla siyang kinabahan, si Gonzales ang alam niyang magiging asawa niya sana. She knew that eavesdropping is not good but she's curious. Her father sounds problematic and she doesn't like the idea that probably that Gonzales is trying to blackmail her Dad.

"Yes she's here with us, but we talk about it." Mahinahon pa ang boses nito.

Nakatalikod ang ama kaya hindi niya makita ang facial reaction nito. Biglang nagulat siyang nung sumigaw ito.

"That's bullshit, Gonzales! You wanted to get it, then do, but not Stephanie! Never!"

Ngayon niya lang nakitang ganun ang galit ng ama, kahit nung hindi siya pumayag sa gusto nitong mangyari ay hindi ito nagalit ng ganun sa kanya. Maya-maya pa ay nakita niyang hinawakan nito ang dibdib.

"Dad?" She worriedly gets inside the library.

"Dad!" Bigla na lang kasi itong natumba. She cried for help, agad namang dumating ang mga kasambahay kasama na ang Mommy niya, isinugod nila sa hospital ang ama. Iyak siya ng iyak sa labas ng emergency room. Akala ba niya happy ending na, bakit ngayon pa.

Pangatlong araw pa lang niya sa Gen.san pero nangyari na ito. Mas siya ang pinapakalma ng Mommy niya imbes na siya sa Mom niya. "Baby, just calm down, everything will be alright."

Lumabas ang doctor mula sa emergency room. "Is he okay, Doc?" Family doctor nila ito.

"Stephanie, calm down. Your dad suffered from mild stroke. I'm sorry."

Nagyakapan na lang silang mag-ina at parehong umiyak.

"Sa ngayon ang tanging magagawa lang natin ay magdasal. As much as possible, we should not stress him, or give him problems, even too much happiness. Kailangan muna naming siyang I observe, If you want to visit him, please do if he's at his room already. Maiwan ko muna kayo."

They went to the chapel to pray, sa tanang buhay niya, ngayon lang siya nagdasal nang ganun ka taimtim. Nung matapos ay sabay nilang pinuntahan ang ama sa kuwarto nito. Naawa siya sa itsura ng ama dahil sa mga aparatong nakakabit rito.

"Dad...Dad, magpagaling ka please." Umaasa siyang maririnig siya nito kahit tulog.



NASA kotse na siya. Her Mom requested her to go home and rest for a while, siya na kasi ang buong magdamag na nagbantay sa ama. Hindi pupuwede ang ina dahil inatake ito ng vertigo niya. Biglang tumunog ang cell phone niya. It's Andrew, nasabi na niya rito kagabi kung ano ang nangyari.

The Hired Girlfriend Of Billionaire Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon