Chapter 36
"Steph." Nag-aalalang lumapit si Daisy sa kaibigan. Stephanie is holding the newspaper where the picture of Lyka and Andrew was there with a big caption that they are getting married. Ayaw sana niyang ipakita kay Stephanie ang newspaper pero feeling niya she deserves to know the truth.
"So, what do you expect, Daisy? Silang dalawa ang nababagay." Ibinalik niya it okay Daisy.
"Steph naman."
"I just don't think that I deserve the pain that he'd cause me, Daisy. Kung may isa man akong bagay na pinagsisisihan ay yung naniwala ako sa salitang pagmamahal na galing sa kanya."
"Cyrus told me that he doesn't want to marry Lyka utos lang yun ng ama niya. Ikaw pa rin ang mahal na mahal niya Steph."
Parang walang narinig na tumalikod si Stephanie Direcho siya sa kuwarto niya. Kahit ayaw niya, kahit anong pigil niya, nasasaktan pa rin siya, nasasaktan siya na si Andrew ay magpapakasal na sa iba, hindi sa kanya. Pinahid niya yung mga luhang naglandas sa mga pisngi niya. "I hate you Andrew Monteverde!"
Dapat kasi naman di na siya umiiyak ngayon, dapat nga matagal na siyang nakapag move on, pero ang dali lang sabihin, ang hirap hirap gawin, lalo na at tuwing kumakain siya naaalala niya si Andrew. Ayaw na nga niyang kumain pa sa Japanese restaurant. Ayaw niyang mag movie marathon. Ayaw niyang pumunta ng park, ayaw na niyang mag MCDO.
"Are you alright, Steph?" Nagulat siya nung magsalita si Daisy sa likod niya, sumunod pala ito sa kanya. Pinahid niya ang mga luha. "Steph, hindi naman masamang umiyak, I know it's painful and I can understand it. Time will heal you, please be strong."
Wala na, hindi na talaga niya kayang pigilan, she hugged Daisy and cried on her shoulders. She really loves Andrew and it's too painful to know that he will marry someone. But what can she do, hindi sila pupuwede. "Steph, you want to talk to him?"
"No, Daisy, let's leave it this way, siguro talagang ganito yung ending ng story namin, hanggang dito na lang kami. Few days from now, we will be going to Spain, kami nina Mommy, maghahanap ako ng trabaho dun, mag-uumpisa, and hopefully makakalimutan ko siya."
"You will be leaving me na talaga, Steph? Wala na akong bestfriend."
"Sira! Ang alam ko lang naman eh taga Spain rin ang iba mo pang relatives at madalas ka dun. Itong isang to, nagdadrama, magkikita at magkikita pa rin tayo ano!"
"Epal ka talaga, Steph! Hmp! Kung hindi ka lang brokenhearted eh." Kinurot niya ito sa tagiliran. "Pero Steph, open your heart ha, ang alam ko kasi, may isang taong gusto kang ligawan kaso masyado siyang natotorpe sayo at baka may papatay sa kanya." Humalakhak pa ito.
"Tigilan mo ako, Daisy, sa ngayon, I am not thinking of accepting anybody to court me, not now and not tomorrow. Tigilan moa ng kaka match make, alam ko saan pupunta ang usapan."
Ngumisi ito. "Pinapangiti ka nga lang eh. Lab you, Steph."
Todo ang ngisi ni Lyka habang katabi si Louie Eto kasi yung gabing hinihintay niya, ang gabing iaanunsiyo ang nalalapit nilang kasal, nalalapit kasi nga after a week, they will go to New York for their marriage. Pumayag na siyang dun, kahit na hindi dito sa Pilipinas na talagang inaasam niya, kesa naman wala ano? Saka their engagement was announce, tabloid, broadsheet, even on television. Ikaw ba naman ang mapapangasawa ay si Andrew Louie Monteverde, one of the sought bachelor and a successful businessman in town, idagdag mo pa na super guwapo ito.
Panay ang kapit nito sa mga braso ng binata na kanina pa siya sinisimangutan. He hates Lyka, he doesn't like her, masyado siyang naaalibadbaran tuwing lumalapit ito sa kanya. Malinaw naman rito na kaya niya ito papakasalan ay dahil sa ama niya. Nilinaw niya rito na hindi niya ito kayang mahalin dahil may mahal siyang iba.
BINABASA MO ANG
The Hired Girlfriend Of Billionaire
RomanceStephanie Jane Reyes the only daughter, a stubborn, brat, umalis siya sa puder ng kanyang pamilya, her Bestfriend Daisy is offered him to be hired girlfriend of Andrew Louie Monteverde The multi-billionaire, dahil sa naghahanap ito ng trabaho bakit...