Chapter 27

1.9K 56 1
                                    

Chapter 27






Parang kailan lang, nasa Gen.san pa sila ng Mommy niya, ngayon nasa isang maliit na kuwarto na lamang sila malapit sa opisinang pinapasukan niya. Oo, lumipat na sila ng Luzon, katulad ng laging sinasabi ni Andrew, siya ang masusunod. Siguro pagdating lamang sa trabaho, ilang beses ba siyang kinumbinse na bumalik sa apartment na dati niyang tinitirhan, pero hindi siya nito napapayag. Alam niyang hindi sila sanay ng ina sa ganitong tirahan, pero kailangan, habang wala pa siyang malaking naiipon.

Katulad dati, kasama pa rin niya si Daisy, hindi pa kasi ito nakikipagbalikan kay Cyrus, hindi niya rin alam kung makikipag ayos pa ba ito, ayaw naman niyang makialam. Alam kasi niya na mahal na mahal ito ng kaibigan kaya siguro, kung magkakabati silang muli ay okay lang sa kanya. Katulad ngayon na nagyayaya ang lalaking makipag date sa kanya, double date raw para naman makalanghap raw siya ng sariwang hangin. Todo ligaw kasi ulit ito. Nakita naman niya kung gaano ito ka pursigido.

"Just spare me, Daisy, ayoko."

"Sige naman, Stephanie, promise, mabait ang ka date mo, nakilala ko na eh, kaibigan rin ni Cyrus. Sige naman Stephanie,"

"Daisy, ayoko, wala akong panahon jan. Saka, kahit naman na napatawad ko na si Cyrus, hindi ko pa rin naman nakakalimutan na Malaki pa rin ang partisipasyon niya sa nangyari sa akin, sa atin."

"Hmp! Siguro Stephanie hindi ka pa rin nakaka move on kay Andrew ano?" Ay may sira naman yata itong kaibigan niya, siyempre hindi pa, hindi naman kaya ganun kadali yun lalo na at kasama niya ito sa trabaho araw-araw. Mabuti na nga lang at pagdating sa trabaho ay seryoso ito, at dahil marami silang binago sa dating company ng Daddy niya, madalas pa ring busy ito.

"Daisy naman, ayoko siyang pag-usapan."

"Steph, sige na, sige ka, sasabihin ko kay Tita na kay Andrew Monteverde ka nagwowork." Pam bablackmail nito sa kanya.

"Daisy!" Makukurot niya itong kaibigan niya.

"Biro lang naman, pero sige na, hindi talaga ako titigil hanggat hindi ka pumapayag na sumama sa amin ni Cyrus, sa mag ba bar lang naman tayo, saka sa friend niya naman yun, wholesome kind of place rin kaya Steph."

"Oo na nga! Ang kulit-kulit mo!" Alam naman talaga niya na hindi siya titigilan ni Daisy kaya OO na.

"Thanks friend!" Agad siyang niyakap nito. Actually, pinag-usapan nilang dalawa ni Cyrus and double date na ito, gusto kasi niyang kahit papano ay makapag move on na si Stephanie, kahit naman hindi pa sila ulit ni Cyrus, mahal pa rin niya ito, at may balak din naman siyang makipagbalikan rito, yun nga lang, konting effort pa, konting push pa sa kanya.

"Tara!" Bigla siyang niyaya nito.

"Saan tayo pupunta?"

"Magpapaganda! Kailangan na nating magpa salon no! Don't worry, sagot ko." Kailangan kayang maging maganda si Stephanie, gusto niya kasing main-love ito or ang ka date nito sa kanya. Malay mo, eto na ang kapalaran ng friend niya.

STEPHANIE decided trim her hair, nagpalagay na rin siya ng kaunting kulay. Hindi naman kasi siya talagang vain, tama na sa kanyang maayos tignan ang sarili. Since sagot naman ni Daisy lahat ngayon, sinulit na niya, wagas rin naman kasi kung gumastos itong kaibigan niya.

Simula nung naging independent siya ay natuto na siyang magtipid sa pera, natuto na siyang mag budget, in fact nakapag - ipon na rin siya kahit papaano.


Hindi niya alam kung bakit ganun na lang ka excited si Daisy para sa date nito mamayang gabi, kung sa bagay, halata namang nagpapakipot lang ito sa dating boyfriend. Nakahanda na ang susuotin nilang dalawa, pero kung sa malas ang pag-uusapan, mukhang meron siya ngayon. Ang agang tumawag ni Andrew sa kanya. Nagulat pa siya dahil personal number nito ang nagregister sa cellphone niya, simula kasi nung naghiwalay silang dalawa, ngayon pa lang siya nito tinawagan. Hindi pa pala nito nakalimutan ang number niya, at mas di niya pa pala nabura ang numero nito.

The Hired Girlfriend Of Billionaire Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon