Chapter 32
"Ang ganda ganda naman ng Baby ko." Sinusuklay ng Mommy niya ang buhok niya, ngayon kasi yung party na pupuntahan nila ni Andrew.
"Mom, di na ako Baby, di ba?" Reklamo niya.
"At alam mo na ang sagot ko jan. Sino bang susundo sayo? Si Clyde ba?"
"No Mom, yung boss ko po. Work related ang party na to, di ba? We will be meeting a big client. Don't worry Mommy, after this, uuwi na po ako, magtataxi na lang ako pauwi."
"Enjoy the part, Steph, huwag puro trabaho. Baka dun mo na makikita ang hinihintay mo. Saka, hindi ko pa pala namemeet itong boss mo, ano? Ipakilala mo sa akin ngayon ha."
Patay! Hindi pa pala namemeet ng Mommy niya si Andrew. What if malaman nito na isa siyang Monteverde? Hindi niya kayang masaktan ang Mommy niya.
Narinig nila ang busina ng sasakyan, malamang si Andrew na yun. "Ako na Steph. Put that earrings, bagay sa damit mo."
Bigla siyang kinabahan. Inaayos niyang muli ang buhok at nagmamadaling lumabas ng kuwarto. Naabutan niyang nagkukuwentuhan ang Mommy niya at si Andrew. Pinakiramdaman niya ang dalawa, mukhang wala namang friction. Tumayo si Andrew nung makita siya.
"Good evening, Steph." His heart skipped a bit literally when he saw her. She is so gorgeous in her simple black gown. A simple make-up, which he likes most about her.
My gosh Andrew, don't look at me like that. Sigaw ng utak ni Stephanie, baka matunaw ako at baka sa sobrang bilis at lakas ng tibok ng puso ko, mahahalata mo nang may gusto ako sayo. She smiled, ang corny ng iniisip niya.
"You look stunning."
"Thanks, you too, you look great." That was a sincere comment. Ang guwapo kaya ng demonyong ito.
"Ehem." Ang mommy niya. "Louie, I just would like to request, ihatid mo si Stephanie pauwi ha, I don't care kahit umagahin kayo, basta ayokong mag tataxi siya."
"Ma'am, I will not let her ride on a taxi, I was the one who got her here, I will be the one to send her back." Seryosong sabi nito.
"O sige, lumakad na kayo at baka matraffic pa sa labas."
Niyakap siya ng ina sabay bulong na. "I know that you like him, don't worry, okay siya sa akin, Baby."
"Mom!" Ang bilis naman ng radar nito! Mommy nga siya.
Tahimik lang sila sa loob ng sasakyan. No one dared to talk, para makaiwas, ipinikit na lang niya ang mga mata niya, kunwari ay gusto niyang maidlip. Idinilat niya lang ang mga mata niya nung nasa harap na sila ng mansion ng mga Kim. Inalalayan naman siya nito pababa ng sasakyan,nagulat lamang siya nung hawakan nito ang kamay niya at ganun ang ayos nila nung pumasok. Nung hilain niya ay ayaw bitawan. Ayan na naman siya, ilang beses na ba niya yung ginagawa sa kanya?
Tuloy mukha silang couple nung lumapit kina Mr. Kim.
"Mr. Monteverde! Good to see you."
"Good evening, Mr. Kim. Good evening madamme." Bati rin nito sa asawa niyang katabi niya and some men na alam niyang negosyante ring katulad nila.
Tumango naman ang mga ito bilang pagbati. "Your girlfriend?" Tanong nung isang may edad na rin.
"Ah, hin..." Sasagot sana siya pero
"Yes, Sir." Sabay hawak ng mahigit sa mga kamay niya.
Shit! Shit! Nag-uumpisa ka na naman, Mr. Monteverde!
"Ah, now I know why you hold her that way. Ganyan palang ma in-love ang mga Monteverde, masyadong possessive." Ang sabi ni Mrs. Kim.
"I just wanted to show to all of the people that I am with her. Masyado akong seloso Mrs. Kim, I wanted my girl to be mine, only mine." Seryosong sabi ni Andrew.
BINABASA MO ANG
The Hired Girlfriend Of Billionaire
RomanceStephanie Jane Reyes the only daughter, a stubborn, brat, umalis siya sa puder ng kanyang pamilya, her Bestfriend Daisy is offered him to be hired girlfriend of Andrew Louie Monteverde The multi-billionaire, dahil sa naghahanap ito ng trabaho bakit...