Chapter 20
Kumurap-kurap siya. Talagang ang mga magulang niya ang nasa harap niya ngayon. Paano siya natunton ng mga ito?
"Stephanie..."
"Mom!" Niyakap niya ang ina. How she missed them. Pagkatapos ay ang ama naman niya ang niyakap. Pinatuloy niya ito sa loob. Bakit parang biglang tumanda ang mga magulang niya, and how did they know that she lives here?
Tumingin siya sa ama, bigla niyakap siya nito. Agad na tumulo ang mga luha niya. "Steph, baby, patawarin mo ang Daddy ha. I was not thinking that time, mas pinahalagahan ko ang pera, ang kayamanan, di ko man lang naisip ang nararamdaman mo, ang magiging buhay mo."
"Dad.." She's speechless, hindi siya sanay na humihingi ng tawad ang ama na noon pa man ay kilala na niya bilang matigas ang puso.
"I missed you anak. Di nakakatulog si Daddy mo sa kakaisip sayo. Di ko alam kung kaya mo pa akong patawarin."
"Daddy." Niyakap na lang niya ito, pareho silang umiiyak, pati ang Mommy niya ay ganun din.
Matagal na palang alam ng mga ito kung saan siya nakatira, kung saan saan siya nagtatrabaho, masyado lang silang kinain ng pride nila, even her, gustong-gusto na talaga niyang bisitahin ang mga magulang. Pero pareho rin silang nakikibalita sa mga kakilala nila kung ano na ang nangyari sa bawat isa.
"Anak, umuwi ka na sa atin."
"Mom." Paano niya sasabihin na gustuhin man niyang umuwi ay hindi pupuwede. Maiiwan tiyak ang puso niya rito. Namimiss niya ang Gen.san, ang bahay nila, ang kuwarto niya, pati yung aso niya, pero pag umuwi siya dun, mas may mamimiss siyang tao.
"Baby, hindi sa ayaw naming ng bahay mo, pero malayo naman ito sa tinitirhan natin sa Gen.san." She knows her mom was just observing, typical her, ayaw nitong nahihirapan siya.
"Dad, Mom, I know I may sound absurd but I like it here. It's not that I don't want to go back to Gen.san, it's just that I had learn to love the place and the people. I knew already how to be independent Dad, I'm not the Stephanie who just wake up lazily in the morning and wait for Yaya."
Her Dad and Mom were just looking at her. Obviously they can't believe what they had just heard. Malayo naman kasi siya sa dati niyang ginagawa, although she is not that party goer type, still she was lazy and so dependent when she was in Gen.san. Lahat trabaho ng Yaya niya.
"and I'm working already." Pagpapatuloy niya.
Napabuntung-hininga na lang ang Dad niya, pagkatapos ay tinignan siya na para bang sinusukat ang mga sinabi niya.
"Dalaga na talaga ang Baby namin." Nasabi na lang ng Mommy niya. "Dad, we talked about it, di ba, hahayaan na muna natin siya, ang importante ay okay si Stephanie." Paalala ng Mom niya..
Masayang nagkuwentuhan ang mag-anak, gusto sanang ikuwento ni Stephanie na may boyfriend na siya pero hindi niya alam paano sisimulan, sa huli, pinili niya munang huwag sabihin. She was just hoping that Andrew will not surprise him any moment from now.
Umalis rin naman ang mga ito at d na natulog sa apartment niya, sa isang hotel raw sila tumutuloy and according to her Mom, kahapon pa sila dumating but they gathered guts to talk to her. Her parents are really sweet, they had changed, and whatever the reason is, she loves them more than before.
She promised her parents to go back to Gen.san as soon as she can file a leave in the office. Siguro naman papayagan siya ng nobyo. Speaking of Andrew, mukhang naging busy na naman ito at hindi na naman nakapag paramdam sa kanya. Nasanay na rin siya sa mga mood swings nito, mahal niya eh. She tried to call him pero out of coverage ang cellphone nito, so instead of him, she called Daisy.
BINABASA MO ANG
The Hired Girlfriend Of Billionaire
RomantizmStephanie Jane Reyes the only daughter, a stubborn, brat, umalis siya sa puder ng kanyang pamilya, her Bestfriend Daisy is offered him to be hired girlfriend of Andrew Louie Monteverde The multi-billionaire, dahil sa naghahanap ito ng trabaho bakit...