Chapter 34

1.8K 46 0
                                    

Chapter 34







"Steph, don't ..."

"Oh! Hindi mo pa ba alam? Kahit kailan talaga, may pagka tanga ang mga Reyes, katulad ng ama mo."

"Huwag mong idamay ang ama ko rito!"

"Matapang! Pero pumasok ka sa bitag namin, sa bitag ni Louie." Tila demonyong tumawa si Felix Monteverde.

"Pa! Please, wala ito sa plano natin." Nakikiusap si Andrew sa ama. Hawak pa rin niya ang kamay ni Stephanie.

"Anong wala? Di ba umpisa pa lang, ang plano ay pa-ibigin ang isang yan, then drop her like a hot potato just in front of her Dad. Pumalpak tayo dun dahil inatake si Florante, then we hired her, still part of the plan para masigurong durog na durog ang mga Reyes, kasamang madudurog ang puso ng ina niya. Still dump her after, anong wala sa plano Andrew Louie?"

"Steph." Tumingin si Andrew sa dalaga.

Inalis nito ang pagkakahawak sa kamay niya. "Steph, don't listen please." Nagmamakaawa na si Andrew.

"Totoo ba, Andrew? You will let me fall for you and drop me like a hot potato?"

Naihilamos ni Andrew ang kamay. "Steph."

"Totoo ba!"

"Yes, but..."

She slapped him. Then he looked at Felix Monteverde. "Mga demonyo kayo, magsama kayong lahat sa impiyerno!"

"Steph!" Tinangkang habulin ni Andrew ang dalaga pero hinawakan siya ni Felix.

"Bitiwan ninyo ako, baka makalimutan kong ama kita."

Tuloy ang patak ng mga luha niya. She doesn't know what to do, narinig niyang tinatawag siya ni Andrew kaya mas along binilisan niya ang pagtakbo. Naabutan siya nito at hinawakan ang braso niya.

"Steph, listen please."

"Don't touch me! At huwag na huwag kang susunod. I hate you, I hate you, Drew!"

Nanghihina na binitawan ni Andrew si Stephanie. He just looked at her moving away from him. "Steph."


Hindi muna tumuloy si Stephanie sa bahay nila, ayaw niyang makita ng ina na umiiyak siya, ayaw niyang masaktan ito at matutuwa ang mga Monteverde. Dumirecho siya kina Daisy, lumipat na naman kasi ito sa condo nila ng boyfriend niyang si Cyrus, nagulat ito nung makita siya na umiiyak. She cannot believe what she had narrated.

"Imposible naman yata, I know na mahal ka ni Louie."

"Just stop, Daisy. I don't like to hear even his name."

"Steph, baka naman you need to listen to him muna."

"Ano ba ng nagyari nung nakinig ako sa kanya noon? Nasasaktan ako ngayon, di ba? Inamin niya, Daisy na he got that plan, so ano pa ba ng iisipin ko? Na at the end narealize niya pala na mahal niya ako? Ano ito, story sa pocketbook?"

"Steph naman."

"I should not cry because of him, Daisy, pero di ko magawa, di ko mapigilan. Ang tanga tanga ko lang talaga dahil nagpa uto pa ako sa kanya. I just wish that they are happy now, na tigilan na nila kami, lubog na lubog na ako Daisy, baka di ko na kayanin." Awang-awa na niyakap ni Daisy ang kaibigan. Pag nakita niya yung Andrew Louie Monteverde na yan, hahambalusin niya talaga, kahit guwapo pa siya, kahit sobrang bango pa.

Samantala, Andrew went to Stephanie's house thinking that she's there. He even tried calling her but her phone was off. He even tried calling Daisy but she didn't answer. Halos mabaliw na siya sa kakaisip ng gagawin. He knew that Stephanie is really mad at him right now.

The Hired Girlfriend Of Billionaire Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon