Chapter 35

1.9K 46 0
                                    

Chapter 35








"Steph, okay ka lang ba? Ako nang magluluto, maghapon ka na yata rito sa kusina." Inaawat na ng Mommy niya si Stephanie, kanina pa kasi siya nagluluto ng kahit na ano sa kusina. She wanted to keep herself busy, ganito siya even the past days. She wanted to move, to work, to be busy. Ayaw niyang maalala si Andrew, o kahit ano man na related sa kanya.

"Mommy, malapit na pong maluto itong kare-kare, I'm sure magugustuhan mo ito."

"Steph, lahat ng lulutuin mo, siguradong magugustuhan ko. Tumawag nga pala ang Tita mo, matutuloy ba talaga yung balak mo, Baby?"

Napatingin siya sa ina. Matutuloy nga ba? Oo, talagang matutuloy at itutuloy niya. Kailangan, para tuluyan na siyang makalimot. "Yes, Mommy. Okay lang naman po sa inyo, di po ba?"

Niyakap siya ng ina. "Kahit anong makapagpapaligaya sa iyo, Steph, okay lang sa Mommy."

"Mom, I hope we can start our lives there. Sorry for everything, for being stupid...."

"Shhh. That's enough, we will start a new life, di ba?"

"Asikasuhin na natin ang papers natin, Mommy."

"Yes Steph, but, do you think you need to talk to someone first before going out of the country?"

"And you know my answer to that, Mommy. Tama na yung dalawang beses na katangahan." Nabubuwisit siya kapag naaalala si Andrew at ang Papa nito, nakakasira sila ng araw.

"Nakakaawa siya, Steph."

"Mom, ang demonyo, magaling magmakaawa, lahat gagawin para makuha ka na naman niya. Mommy, I don't wanna talk about it, please."

"Hello everyone! Hi beautiful, Steph!" Napalingon silang lahat kay Daisy. Lukaret talaga itong babaeng ito, basta basta na lang sumusulpot. "Mukhang masarap ang niluluto mo ah, friend."

"Umupo ka na riyan at malapit na ito."

"Amoy pa lang, mapapakain ka na, itinuro ba ni Papa Andrew yan?"

Langya naman, Daisy! Tinignan niya ito ng masama. Alam naman niyang ayaw na niyang maalala ang kahit na anon a tungkol kay Andrew. Pinandilatan niya ito, agad namang nakuha ng dalaga ang ibig niyang sabihin.

"Opppps, sorry!" Nag peace sign pa ito. Nangungulit kasi si Baby Cyrus ko eh, baka raw pupuwede kayong mag-usap ni Papa Andrew." Hirit pa nito.

"Pag ako di mo tinigilan, Daisy, hindi na kita papansinin." Pananakot niya rito.

"Sorry, joke lang lahat, kalimutan mo na. Akin na yang kare-kare mo, bilis!" Pangungulit nito sa kanya.


"Pasensiya na Louie, wala pa rin update, ayaw pa rin ni Steph na makipag-usap sayo." Sabi ni Cyrus. Nasa condo sila ng binata at nag-iinuman. Nakakaawa man pero wala ring maitulong si Cyrus sa kaibigan kundi kulitin si Daisy. Ayaw na kasi niyang maulit pa na mag-aaway sila ni Daisy dahil ang hirap-hirap nitong suyuin.

"Walang problema, Cyrus. Alam mo naman, kasalanan kong lahat ito, kasalanan ko kung bakit wala na si Steph sa akin, kung bakit yung kaisa-isang babaeng minahal ko at minamahal ko, hirap akong abutin ngayon."

"Tama na Louie, just give her some time. Mahirap yung pinagdadaanan niya." Paulit-ulit na lang nay un ang payo ng mga kaibigan niya sa kanya. Paano kung wala na palang sapat na oras? Paano kung magising na lang siyang hindi na pala niya kayang habulin pa ang dalaga? Makakaya ba niya?

"I'm getting married soon."

"What!" Napatayo sina Cyrus at Clyde.

"So, okay na pala kayo ni Steph? Pakakasalan mo na siya?" Si Clyde, baka kasi mali lang yung intindi niya sa unang sinabi nito.

The Hired Girlfriend Of Billionaire Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon