Chapter 15
True to his words, maaga pa nga ay tumawag na si Andrew sa kanya para ipaalala nito ang appointment niya with Dr. Castro.
Maganda ang doktora kahit medyo may idad na, mukha itong mabait.
"So you are Stephanie, I'm glad you came, actually Louie was hesitant when he first scheduled you here. Ang sabi ko naman, if the two of you are not yet ready, why not. It's for your own good naman."
Ngumiti siya ng tipid. Nahihiya kasi siya, siyempre, kung kilala ng doktora si Andrew, malamang alam din nito na wala itong asawa, pagkatapos may ginagawa na sila, parang awkward moment lang. Napansin siguro ng doctor na nahiya siya sa sitwasyon.
"Wag ka nang mahiya, Iha. Sometimes, we should act like mature individual kaysa naman na hindi tayo ready in handling a responsibility, mas mahirap yun. At saka, Louie is very dear to me, parang anak ko na yan, kaibigan ko kasi ang Mommy niya."
"Po?" Mas lalo yatang nakakahiya if malalaman ng Mom ni Andrew ang pinaggagagawa nilang dalawa. Mukhang nasense naman ni Dr. Castro ang iniisip niya.
"Don't worry Stephanie, can I call you Steph? Yun kasi ang sabi ni Louie na nick name mo. Confidential lahat ng files ko, kayong dalawa lang ni Louie ang makakaalam ng kung ano man ang magiging results ng mga tests mo."
"Ganun po ba?"
"Of course, Iha. Shall we start?" Sumunod si Stephanie Sa pinaggagawa ni Dr. Castro sa kanya. Nakatulong siguro na soft spoken ito kaya medyo kumalma siya.
Ipinaliwanag nito ang mga dapat niyang gawin, mga bagay bagay na makakabuti at makasasama sa kanya, fertility period, at iba pa na halos hindi na niya maalala lahat.
Ipinaliwanag nito kung paano gamitin ang inireseta sa kanya kasama na ang side effects. Nasa kalagitnaan sila ng pag - uusap ng biglang tumunog ang cell phone niya, si Andrew. Tumingin siya sa doktora kung pupuwedeng mag excuse.
"Go ahead, Steph," Lumayo lamang siya ng kaunti.
"Hello."
"Hon, where are you?"
"I'm at Doc. Castro's clinic. Why?"
"Good. Can I talk to her? As much as I wanted to go there to be with you, hindi pupuwede, Mom's will arrive in an hour."
"It's okay, mabait naman siya, Drew."
"Yes, she is Hon and mapagkakatiwalaan ko siya." Ibinigay niya ang cell phone niya sa doktora, inulit lang nito ang mga sinabi sa kanya. Talagang seryoso si Andrew sa gusto nitong mangyari, ang tanging tanong niya lang sa sarili, tama ba itong ginagawa niya?
Hindi niya nga akalain na susunod siya sa mga gusto nito, before, she doesn't want to be controlled, that is why she went here in Manila rather than follow her parents. Pero ibang usapan naman yung sa kanila.
Masaya siya na sinusunod ito, masaya siyang nakikitang ngumingiti ito kapag kasama siya. She is happy being with him. Talagang habang tumatagal ay lumalalim na yung nararamdaman niya sa binata.
"Steph, naintindihan mo ba yung mga explanations ko? Yung nobyo mo, nakakatuwa, talagang in - love siya ano?"
"Po?"
"Alam mo, bagay na bagay kayong dalawa. Natutuwa ako at finally, Louie had met you. Sige, if ever you do have questions, heto ang personal number ko ha, just remember Steph, never skip a pill, okay?"
BINABASA MO ANG
The Hired Girlfriend Of Billionaire
RomanceStephanie Jane Reyes the only daughter, a stubborn, brat, umalis siya sa puder ng kanyang pamilya, her Bestfriend Daisy is offered him to be hired girlfriend of Andrew Louie Monteverde The multi-billionaire, dahil sa naghahanap ito ng trabaho bakit...