Last Friday Night | Romance

178 7 1
                                    

Entry #2

"How's your date with Pilak last Friday night?" Tanong ng kaibigan kong si Cindy. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o maiinis sa sinet-up na date ng kaibigan ko.

Silver Mondragon, ang pangalan ng lalaking naka-date ko, s'ya lang naman ang mortal na kaaway ko mula pa noong nasa high school ako. Nakakatawa lang dahil excited pa ako noon na makilala ang pinsan ni Cindy, pero lahat ng excitement ko sa katawan ay naglahong parang bula nang madatnan ko si Pilak sa mismong lugar na napag-usapan namin ni Cindy.

Sinong mag-aakala na ang taong kinaiini-kinamumuhian ko pa ang irereto sa akin ng kaibigan ko?

"Hindi nakakatuwa!" Sarkastikong tugon ko sa kanya.

"Hindi ka ba natutuwa sa muling pagtatagpo ng mga landas ninyo ni Silver, Hazel?" Tanong niya, dahilan upang mapatingin ako sa kanyang gawi at napansin ang kakaibang ngiti sa kanyang labi. Anak talaga ng kambing, palagay ko'y may alam itong si Cindy tungkol sa nakaraan namin ng abnormal na si Pilak. Hay! Ang daldal naman kasi talaga ng kumag na 'yon.

"What do you mean?" Pa-inosenteng tanong ko sa kanya. Instead of giving me an answer, Cindy hurriedly stood up and left me without saying a single word.

Sa kawalan ng magagawa dahil sa biglang pang-iiwan sa akin ni Cindy ay naisipan kong maglinis ng bahay. Kailan nga ba 'yong huling beses na ginawa ko ang bagay na 'yon? Simula kasi nang mamatay si papa tatlong taon na ang nakalipas, wala akong ibang ginawa kung hindi abalahin ang sarili ko at ilayo mula sa mga bagay na magpapaalala sa kanya.

I do love papa so much to the point that I also hate him for sacrificing himself for my own sake.

Nang makapasok ako sa loob ng silid ni papa, hindi ko mapigilan ang biglang paglukob ng kalungkutan sa puso ko. Sobrang miss ko na s'ya, 'yong mga panahon na nandyan s'ya lagi sa tabi ko. Isa ito sa dahilan kung bakit ang silid niya ang pinakaiiwasan kong bahagi ng bahay. Bakit ganoon, bakit kailangang iwan n'ya ako? Bakit kailangan n'yang mawala sa buhay ko? Mas masakit pa 'yon sa katotohanang iniwan kami ni Mama noon.

Habang abala ako sa paglilinis ng silid ni papa, partikular na sa mga dati n'yang gamit na nasa kahon, hindi ko inaasahang makikita kong muli 'yong notebook na nakikita kong lagi n'yang hawak kapag sinisilip ko s'ya sa kwarto n'ya bago matulog. Isang kulay asul na notebook na mukhang napaglipasan na nang panahon dahil sa naninilaw na mga pahina nito.

Dala ng kuryosidad ay tinigilan ko muna ang ginagawa ko at naupo sa kama. Nang akmang bubuklatin ko ang unang pahina ng notebook, ewan ko pero biglang nagbago ang isip ko at inilipat ito sa pinaka huling bahagi.

Minsan kahit gaano mo pala kamahal ang isang tao darating ang panahon na hindi mo na s'ya kayang ipaglaban pa. Na makukuha mo s'yang isuko sa kabila nang paghahangad mong lumaban, pero wala ka namang magawa dahil siya na mismo ang bumitaw. Bakit ang hirap tanggapin na ang taong minahal ko nang sobra ay nagawang itapon ang lahat ng pinagsamahan namin para lang sa pansarili n'yang ambisyon? Pero bakit ganoon, sa kabila nang katotohanang mas pinili n'ya ang kanyang career kaysa sa amin ng anak n'ya ay hindi ko magawang magalit sa kanya? O sadyang tanga lang ako dahil umaasa akong muli s'yang magbabalik.

Sobra minahal ko si Ana, pero minsan kahit gaano mo pala kamahal ang isang tao ay wala ring kasiguraduhan kung mahal ka pa rin ba niya. Nang gabing iwan n'ya kami ng anak namin, hindi ko maiwasang tanungin ang sarili ko kung saan ba ako nagkulang o kung may naging mali ba sa akin kaya n'ya nagawa ang bagay na 'yon. Kung pwede ko lang ibalik sa umpisa ang lahat, kung pwede ko lang ulitin ang lahat mula sa umpisa at itama kung may naging mali man ako, gagawin ko bumalik lang s'ya sa buhay namin. Alam kong masyadong imposible ang lahat. Pero kung mabibigyan ako ng ikalawang pagkakataon ay hinding-hindi ko na ito sasayangin pa.

Incogni2 First Strike: My Title, Your StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon